Posted in Health & Beauty, Life, Random Thoughts

Ubo


ubo-ubo-uboAng pinaka-hate na hate ko sa lahat bukod sa constipation ay ang magkaroon ng UBO. Dyahe mare! Lalo na kung sobrang tahimik ng opisina tapos andun ang bossing, panay guys pa ka-opismeyt (landitay! buti na lang puro itutulak at walang kong kakabigin sa kanila), tapos ganito ako nag-iisang… ubo ng ubo. Simula nung bata pa ako kapag inubo ako may katagalan bago mawala aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo. Ilang banig ng tuseran man ang inumin ko wa epek pa rin. Kailangan ko pang tumungga ng cough syrup pagkatapos na walang mangyari sa capsules. Actually kung minsan nakakatatlong bote ako ng cough syrup bago tuluyang gumaling. Pero ndi naman nauubos ang ikatlo noh.

Kung bakit ba naman kasi ako naapektuhan nitong pagbabago ng klima! Akala ko ba strong ako. Ang throat tuwing gabi parang lumulunok lang ako ng bato, buti kung magiging darna ako at makakalipad muna saglit pauwi ng Pinas. Eh my golly pinapahirapan lang ako ng bato sa lalamunan ko (oi ndi goiter un ah!). Imagine mo na lang kung gasgas na ang lalamunan ko, papa’no naman ang boses? Syempre affected ang golden voice ko lolz! Paano na ang singing career ko? Bwahahaha!

Naalala ko tuloy nung nasa 2nd year highschool pa ako. Namalat din ako nun, at magkasabay pa kami ng bespren ko’ng malat ang boses. Kapag magbabayad ako sa jeep ine-extend ko na lang ang braso ko syempre iaabot na nung ibang pasahero un. Kung ayaw eh di magsasalita ako saka nila malalaman na wala palang boses na lumalabas sa akin. O di kaya naman mangangalabit ako ng pasahero para maibaot lang ang bayad. Si bespren naman ganun din, inaasar pa nga siya nung classmate namin at tinatawag siyang Inday Garutay bwahahahahah… Alala mo pa ba un?

Ngayon ang problema ko ay… Paano na toh eh may interview ako dun sa paliparan bukas? May boses namang lumalabas sa akin ngayon. Sa katunayan nga eh hindi masyadong masakit ang throat ko sa umaga hanggang 7:30PM (o dibah night shift kasi ung bato sa lalamunan ko eh!), pero naman may dear mejo semplang pa rin ang boses ko sa tuwing nagsasalita eh. Bedroom voice na sintunado pa, nai-imagine mo ba un? Pagkatapos may oras pa na bigla na lang mangangati ang lalamunan ko at hirap na hirap na ako sa pagkahol hanggang sa mag-init at mamula na face ko, ndi sa hiya kundi sa hirap sa pag-ubo. Hay kapagod! Paano ako mageemote ng boses kung hindi naman makikipagcoordinate ang boses ko? Sana bumalik na sa dati toh!

2 thoughts on “Ubo

  1. ou, musta na, okay naman ang interview? pagaling ka, tagal ko di nagawi dito ah. hehe may project twitch kami ngayon, isang kabayan na henehelp dyan sa dubai. salamat!

    Rhapsody: sana nga gumaling na ako dahil hirap na ko…

    ayos naman ang interview, kailangan lang maghintay ng matagal for the result… grabe!

    anyways, cge po bibisitahin ko yang bagong project na iyan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s