Posted in Boredom, dubai adventures, Work & Work Hard

walang title pero meron


Beauty rest na naman ako ngayon. Paano kasi wala na namang pasok. Ang dahilan daw ay ‘sifting’ o baka ang ibig nyang sabihin ‘shifting’. Saan kaya? Totoo na kaya ito? Actually, noon pa ‘yang kaplanuhang ‘yan na hindi naman natutuloy. Whoaw! Would you believe noong 2007 pa pala ako nagblog about paglilipat ng office?

Last month sinabihan kaming ‘wag na muna magsesend ng office location map kahit kanino dahil lilipat na daw kami ng location. Hindi na sa Sharjah na original na plano. This time sa Al Qouz na! Waaaah! Ayoko rin dun bukod sa madadagdagan ang oras ng pagbibyahe papunta dun, palagi pang traffic papunta at pauwi. Isa pang kinakatakot ko halos karamihan dun ay warehouse, madalas may sunog. Imagine nasunugan na nga kami ng warehouse noon sa Al Qouz. Kaya sana joke lang ang sinasabing maglilipat daw ngayon kaya walang pasok.

Actually last week kasi 2 days din kaming walang pasok. Ewan ko ba sa trip ng mga boss namin pagkatapos sabihan ba namang nasasayang daw ang pasweldo nila sa aming lahat dahil dalawang araw na nga kaming walang pasok tapos maaga pa daw kami umuuwi. Since pumasok ang taon na ito, inabisuhan niya kaming hanggang 4:30PM lang ang pasok namin kaya un ang sinusunod namin. Hindi naman namin kasalanan kung umuwi man kami ng maaga or dalawang araw kaming ndi pumasok. Masunurin lang naman kami kaya sinusunod namin kung ano ang gusto niya. Pero syempre masaya kaming umuuwi ng maaga hahahah.

Ang point lang pala nya dun ay para sabihing dapat magstay na kami until 6PM. Ang isang kaopisina ko ang kausap nya tungkol dun dahil mejo nagkaasaran yata si opismeyt at babaita. Naguusap sila pero sarcastic daw ang mga tono ng paguusap nila. Hanggang sa sinabing sayang naman daw ang binabayad nila para sa amin kung ganun kami kaaga umuwi. So sabi niya ok stay kami til 6PM.

Kung makikita nyo lang ang office namin sa ngayon. Kung noon ay maganda at comfortable. Ngayon puro alikabok, walang carpet, kalat kalat na mga gamit, ndi tapos ang pagcocover ng ceiling, walang mga ilaw, gumagana ang AC pero ndi ramdam ang lamig. Irerenovate daw kais dahil gusto ni babaita ay puro glass lahat ang door at walls. Pero simula december sinira na nila ang opiz until now wala pa rin nagagawa kaya parang ang bigat sa pakiramdam tuwing papasok ng opiz bukod sa mainit na pangit at madumi pa. Don’t know kung ano’ng naisipan niya, tapos ngayon lilipat daw.

Since matagal tagal na rin kaming mejo nagkakasundo ni babaita, ako ang pumapel dahil gusto ng magsiuwi ng mga kasama ko. Tinawagan ko siya para iremind siya kunwari sa request ko. Mabait naman siya makipagusap hindi gaya nung umaga cguro nakapagpalamig na. Kaya dinugtungan ko na ng… “Babaita, pwede na ba kaming umuwi?” Syempre inglis un tanong at di pwede gamitin ang term na gurrrrl, CEO siya davah! Ask naman siya kung madilim na ba sa office, syempre sagot ako ng oo. In fairness, madilim na talaga lalo pa’t pinagbababa na namin mga blinds eh di lalong dumilim hahahaha… So aun sabi niya kung madilim na daw ok daw umuwi na kami. Pero kami lang tatlong babae ang pinayagan niya, ang mga lalaki hanggang 6PM pa dahil mga babae lang naman daw ang takot sa dilim. Pa-cute na naman ang madam, pero okies friends kami kasi ndi niya ko kinontra dun hahaha. Wawa naman mga boys, ayaw nga kong paniwalaan eh pero dare ko silang tawagan nila si babaita ayaw naman nila. Mga duwag talaga mga un.

Ok, nonsense na naman wento ko. Bored kasi ko sa bahay ako na naman kasi mag-isa kaya feeling ko kinukwentuhan ko lang friendship ko now kahit wala ako kakwentuhan. Asar naman kasi mga friends ko puro offline at busy huhuhu.

10 thoughts on “walang title pero meron

  1. hay nku…mraming taong nkkramdam nyan…not only u inday! pero iba nmn kc kpag u feel boredom tas wla k nmn mtakbuhan n frends pra mkkwentuhan..in ur case kc ang layo mo p. e kung anjan sna ako d always happy hehehe..puro kakulitan at ka ekekan ang nasa isip mo…hehehe anyways..miss u n…wag k nga senti jan..d bagay ang emo s yo..lolz…

    Rhapsody: mukhang naligaw ka yata nanay hahaha… mag-alaga ka na lang ng anak mo wag na puro internet ha.๐Ÿ˜‰ opcors may friendship din naman dito kaso pabawas ng pabawas. ganun yata tlga kapag ibang bansa noh, unlike pag sa Pinas tlga. bored ako ng oras na yan kasi naman kayong dalawa laging nawawala sa YM eh… busybusyhan lang naman๐Ÿ˜€

  2. mahirap talaga pag sumpungin ang boss, minsan ang sinabi sayo ganito ang gusto pa lang mangyari ganun. tapos minsan hindi mo pa masakyan ang joke nya kasi hindi mo naman alam kung joke yun. mahirap talaga pag foreigner ang boss mo, kung hindi nga lang datung, gusto ko ng umayaw. hay..

    Rhapsody: natawa naman ako sa huling linya mo.๐Ÿ˜€
    masayang mahirap actually na magkaron ng ganitong klaseng boss. kailangang sakyan mo nalang at piliting maging pasensyoso.

  3. boredom…ang hirap kapag yan ang tumama sa tao. pero sa totoo lang, kapag bore ka, masarap magkwento, kahit sarili mo lang ang kausap mo.

    Rhapsody: nakaka-praning yata un hehehe…

  4. haay mahirap tlga pag boredome na ang umatake sau pero minsan nakakatulong din ang magppangap na busy..hehehehe….

    dumaan lang po,, nabo2red na din kac ako d2 sa opis at nakakatamad na din magpanggap..hehehehehe

    Rhapsody: Hi Lady! Sana naman ndi ka nabored sa blog ko๐Ÿ˜€

  5. kaya nga to kill time, kailangan natin.. magrelax naman to kill boredom.. kick those stress! LIVE LIFE INTO THE FULLEST ^.^

    Rhapsody: yup i think i need that… ayoko na ma-stress tatanda ako hahaha

  6. Kaaliw naman itong kwento mo Rhapsody! Buti di kayo tinatamad pumasok kung ganyan ang environment? Bakit di nya na lang kaya kayo sa bahay pagtrabahuhin? he..he.. Mas enjoy pa!

    Rhapsody: bahay??? ahhhmm no comment hahahha…

    nakakatamad kasi napakalayo na talga namn pero no choice kung gusto ko tapusin ng maayos kontrata ko kailangan kong magtyaga.๐Ÿ˜€

  7. mejo malakas ang trip ni babaita ha? baka trip nya yung mga boys para masolo nya.. ahehe… buti na lang friends kayo… ok lang yan.. kwento lang ng kwento.. wala namang masama.. cheers;p-glesy the great

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s