Posted in dubai adventures, Life, Random Thoughts, Work & Work Hard

Kris’


Kakalungkot situation ng iba dito sa disyerto. Dami ng nawalang ng work. Ang frend na kasabay ko ng pag-aayos noon ng papers papunta dito na halos sabayan din kaming nagkaron ng work at visa dito, ika-cancel na daw siya next month. Next month is just like few weeks. Ang bilis pa naman ng takbo ng oras. The next day you wake up you’ll just realized na last day mo na pala sa work. It could happen to everyone pero syempre we all should be positive. And pray na hindi sana mangyari un sa atin. Pero mangyayari din sa akin na mawalan ng work kasi nga noh di na ko papa-renew sa company namin.

December is really one of the toughest month for me. Magulo utak ko nun. Kasi nga dibah bakasyong grande ba naman ako na hindi sigurado kung mababawasan ba ang sweldo namin o hindi. Kasabay pa niyan si papuch magtatalong buwan na nung hindi napapasweldo. At sinabihan pa silang magsasara na daw ang kumpanya. Mygosh! Isang buhos un na parang gusto ko nalang pauwiin si papuch sa kanila. Tapos ako din uuwi na rin tatapusin ko lang contract ko.

Si bespren above gumawa ng paraan. Sobrang lungkot at gulo ng isip ko nung December. Na-overjoy naman ako nung January. Hindi naman oa na saya pero thankful talaga ko kay bespren above kasi ginawan nya ng paraan lahat. Nakuha ko nga dibah ng ayos ang sweldo ko with matching increment. Si papuch naman, tinawagan daw sila ng bossing nila at binigay na kahit ang dalawang buwang sweldo. At least isang buwan nalang ang utang sa kanya hehehehe. Tapos hindi na daw muna isasara ang kumpanya. Pababangunin muna. Wish ko lang maging ayos ang business nila para hindi rin naman maapektuhan si papuch at syempre ang mga katrabaho nya.

Wish ko din na sana matapos na ang global crisis na ito!

grabe na tlga ito! Kaninang umaga ko lang ginawa itong post na ito. Nung tanghali eto na meron na naman bad news. Ang karoommate ko naman ang isa na namang naapektuhan ng krisis na toh! Hanggang isang buwan na lang sila sa company pati daw ang amo niyang super tagal na sa company, wala na rin. Di niya alam kung nagresign o natanggal. Hay naku! Tama na sobra na, nakaka-upset na eh!

8 thoughts on “Kris’

  1. awtssssssss bulls eye ako sa lahat ng wento mo..
    3 1/2 months akong di napasweldo.
    cancelled VISA na ko.
    mag eexit na naman ako sa 29.
    literally jobless pa rin ako. ang hirap maghanap ng work ngayon unlike before..
    haysssssss

    Rhapsody: di bale good things will happen sis… hindi natin alam bukas pala may magandang mangyayari… just pray and ask our bespren above and He won’t fail you😀 cheer up sis!

  2. bad trip talaga yang global crisis na yan, lahat naapektuhan.Dapat ngayong January may salary increase kami kasi every year ganun, pero dahil sa crisis na yan hold daw muna till march..waaaaaaaa!!pero siniguro ng amo namin na “our job is secured” pakunswelo..hehehe!!yung isa ko ding ka flat mate end of the month n lang ang work at ngangels na daw company nila..palugi na dahil sa baba ng sales sa market..hindi ba malas si Obama?sisihin daw ba si Obama?wahehehe!by the way pala eto ung lumang luma ko pang blog, nun kabataan ko pa yan ginawa..wala ngang ka effort effort basta nag blog lang ako para makiuso ..www.baks_and_manetch.blogspot.com (so far di ko na sya ma access para ma edit dahil 2004 pa kasi yan susmeo..hehehe!)

    Rhapsody sayang naman pero okies lang at least ibibigay naman sa march. at isa pa secured naman ang mga jobs nyo according to your amos dibah… cge icheck ko yang blog mo.😀

  3. helooooooooooo sis!

    amishooo…so much!

    antagal ko din nawala sa blog, and IM BACK!

    miss kita!

    see you here more often!

    Rhapsody: heheheh ang akala ko kinalimutan mo na ko huhuhuhu… amishooo too sistah!!!

    nag paparamdam na ako…hehehe

    see ya

  4. kakatakot naman mga news, nag-iisip pa naman ako na hanap na muna ng ibang work.

    Rhapsody: naku po wag nalang muna kung ok ka pa naman sa current company mo. mas marami lalong kakomptensya now sa kokonting kumpanyang nangangailangan ng staff.

  5. Kung nasa ibang bansa ka… nakakatakot talaga. Pero pag dito ka sa pilipinas parang di na. Matagal na kasing takot ang mga tao.

    Rhapsody: nakakatakot tlaga pag sa ibang bansa ka at walang tutulong sa iyo… kung sa atin bukod sa sanay na ang mga tao sa ganitong krisis alam na rin nila ang gagawin kung sakali.

  6. sino ba yang global crisis na yan at mukhang sikat na sikat?lol

    oo nga, lumalala at dumarami ang apektado! kailan kaya magwawakas ito. nakakalungkot

    Rhapsody: nakupo wag naman nga sana siyang patuloy na sumikat noh kung sino man siya masayado na niyang ipinakilala ang sarili niya hehehe.

  7. hi there,
    recession is there because the market is levelling off. leveraging lahat yan, all that comes up must come down.
    by the way, we started a blog and we want you to be a part of our community, hopefully you could visit our site and leave a comment.
    more power rhapsody.

  8. Hi! Rhap.. relate na relate ako sa post mo na to, sa company namin almost 60% ng staff namin ang na lay off. Marami kaseng nakahold na project, buti na lng din mahal ako ni papa Jesus at di naman ako napasama. Pero di pa rin kme nakakasigurado kase may possibility pa ring ma stop ang project kung di aayos ang economy ng Dubai… Haaayyyy buhay nga naman, basta pray lang tayo… magiging ok din ang lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s