Posted in dubai adventures, Random Tidbits, takot ako, Work & Work Hard

Pataka


OHMYGOSH!

Importante talaga kung may Pataka ka dito sa Dubai. Para mas ma-gets ninyo ito ay ang labour card. Sa Saudi ang pagkakaalam ko IQAMA (tama ba?) ang tawag nila. Teka mali yata erase-erase lolz! Ung card na dapat dala-dala everywhere for your identification at para may katunayan kang nata-trabaho ka sa UAE dahil kung wala ka nito baka matapon ka na lang pabalik sa pinanggalingan mo.

Magulo pa ang opiz namin til now. Ang opiz laging naka-lock ang pinto. Dapat silipin muna kung sino ang nagdoorbell bago buksan. Lunctime kanina may nagdoorbell. Binuksan ng Pakistani’ng opismeyt namin ang pinto dahil ang nakita niya ay isang Pinay na taga-kabilang kumpanya. Ng binuksan may tinanong lang sabay namang lumitaw mula sa likod niya ang dalawang Local na taga-Labour MInistry. Goodness gracious checking na pala iyon?!?!

Natataranta ako nung sinasabi ng mga kasama kong “taga-Labour magchechecking!” Ilang ulit kong binanggit ang “Ano’ng gagawin natin? Ano’ng gagawin natin?” Kaasar! Masyado naman akong taranta hindi naman ako illegal! Pagkakita ng labour card ko – binalik ulit at pinagbalingan ang isang opismeyt kong Pinay (na tawagin nalang nating Sammy) na walang maipakita. May personal issue din kasi siya sa Dubai Court tungkol sa dating asawa.

Nung una dinedeny ni Sammy’ng empleyado siya sa company namin. Kaso pinressure naman ang Pakistani’ng opismeyt namin kaya napaamin kahit nagdedeny din nung una. Kasunod na tinanong si Mr. Purchaser tungkol kay Sammy. Ng makausap ko si Mr. P dineny niya rin daw pero tinethreaten daw siya ng mga local. Nakalimutan kasi ni Mr. P ang employment visa niya na pwede nia ipresent since di pa siya naiissue-han ng pataka, so ang tactic ni local kung gusto daw ni Mr. P ng tulong dahil di niya dala papers niya sabihin niya ang totoo kung si Sammy ba tlga ay nagwowork sa ‘min o hindi.

Hanggang sa umabot na sa puntong umamin na nga si Sammy, tinanong na siya tungkol sa iba pang detalye gaya ng kung magkano ang sweldo niya at ano ang trabaho niya sa kumpanya. Bukod sa may pinapirmahang papel kay Sammy kinuha din nila ang driving license niya. Bukas kailangan niyang magpunta ng labour office hindi ko cgurado kung bakit.

Hmmmn… nag-iisip tuloy ako. Kung may mahuli ba sa kumpanya’ng ilegal na staff may magiging epekto kaya iyon sa kumpanya. Ang alam ko magkakaro’n ng fine ang employer. Pero ang pinakanakakabagabag kong tanong ay… may posibilidad bang mapasara ang kumpanya???

8 thoughts on “Pataka

  1. naku napakahalaga pala ng pataka jan. dito kase sa pinas meron din yan..yong PITAKA! hehe joke lang po.

    may mga mutawa din ba na nanghuhuli jan?

    Rhapsody: ano un mutawa? matawa? lolz!
    yup super mahalaga especially pag nasa opisina ka at dumating ang mga labour officials. ay super dapat laging may pitaka hahahaha pero dapat may laman.

  2. hmmm hindi lang thrice ko naranasan na on my way home from the office pauwi sa sharjah eh pinapatigil ang bus at chinicheck ng mga taga labour at kapulisan ang mga kapapelan ng lahat ng mga nakasakay sa bus.
    para kasing sa panahon lalo ngayon eh talagang lalo silang nagiging mahigpit.

    Rhapsody: oo mas lalo talagang mahigpit. hay naku! narinig ko na nga yan pati sa bus kasi chinecheck tlga dahill kadudaduda kung visit visa ka tapos bakit aga aga mo babyahe dibah. anyways, bakit kasi sila ganun noh pano na mga visit visa nyan! Dumaan din naman ako sa ganung status kaya kaawa din dibah.

  3. di naman siguro mapapasara ang kumpanya. may fine lang. pero syempre, may record na sila kaya sa susunod, medyo mainit ang mata sa kanila ng labour. pwedeng dumalas ang checking nila. nung bago ako dito sa nz, ang alam ko ay NZ$10th ang multa ng employer. dyan sa inyo? magkano multa nila sa employer?

    Rhapsody: huh? may ganun din po pla jan sa NZ! ganun na nga sana.. on going pa rin ang meeting ng opismeyt at boss ko sa labour office at tingin ko mapapa-korte na yata dahil dinedeny ni opismeyt ko na nagwo-work siya sa amin at di naniniwala ang mga officials.

    nung last year around 10k dhs ang multa, ngayon matindi na,,, 50k dhs na daw per illegal staff… grabe.

  4. Hayyy matagal nang ganyan dito sa Kuwait…Hahanapan ka ng card, nakalagay sa card kung work or dependent visa ka…at pag dependent visa ka shempre di ka pede magtrabaho…Pag tuwing may checking alam agad ng bossing namin…Pinapalabas muna at pinalilibot kung san nila gustoang mga may dependent visa or yung di nakapangalan na sponsor ang company namin…Wala naman kaming mga employees na visit visa…Tinatawagan na lang pabalik pag tapos na ang checking :D…

  5. nyay!..tsk tsk tsk..kaya dapat talga konting ingat, hindi naman ksi natin msisis kung nasa-visit visa ka eh magwork ka dito kaya nga nagpunta dito eh..kaya dapat ingat ingat talga at ipaasikaso agad ang residence visa…

  6. katatapos ko lang kanina ng medical exam, a requirement for pataka. (tama ba?). ilang days ba bago nila ilabas ang result ng med exam? after that, ilang days din bago ako mabigyan ng pataka?

    RHapsody: hi benjie! welcome to Dubailandia!!!

    saglit nalang un makukuha mo na rin ang pataka mo… normally one to two weeks basta hindi lalagpas ng one month, depende rin sa bilis ng PRO ninyo.

  7. thanks for the reply. may i ask another question? balita ko pahirapan din daw kumuha ng driver’s license dito. totoo ba? meron bang tips para mas mapabilis ang pagkuha? sorry, medyo off-topic na.

    tungkol jan syempre wla akong experience pa dahil wla naman akong lisensya. takot din ako magdrive mas masaya kung pasahero ka lang.😀

    base sa mga naririnig ko. kumporme daw un kung marunong ka na talagang magdrive sa Pinas pa lang may chance na makapasa agad. pero kung hindi ako masyadong marunong o talagang hindin marunong magdrive, malaki daw ang magagastos. Mas maganda kung Pinoy na instructor ang ibigay sayo dahil mas nakakapagbigay sila ng tips. kung minsan kapag ibang lahi at muslim, nasaasyang lang ang binabayaran mo dahil ginagamit nila ang oras mo kung mataong oras ng pagsamba nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s