Posted in dubai adventures, Life, Work & Work Hard

dalawang linggong pahinga


Mabuti sana kung pagbabakasyon din sa Pinas gaya ng ibang blogger ang naging dahilan ng pagkawala ko sa blogosphere ng dalawang linggo. (Kungsabagay madalas naman akong mawala sa sirkulasyon lolz) Kaso hindi eh! Bigla na lang kaming sinabihan na dalawang araw daw munang walang pasok. Sumabay pa dun ang mga araw na wala talagang pasok gaya ng Christmas, New Year ng lahat at Muslim New Year. Kada matatapos na ang ikalawang araw sasabihan na naman kaming dalawang araw daw uli na walang pasok dahil daw sa maintenance na ginagawa sa opisina. Hanggang sa umabot na nga ng dalawang linggo.

Wala akong magawa nun sa bahay mag-isa dahil lahat ng ka-roommate ko may pasok, si papuch may pasok din. Feeling ko mababaliw na ako. Mag-isa nga akong nagvivideoke sa bahay, sumunod na araw naglilinis, maagang nagluluto, nagtry magluto ng pagkaing hindi ko pa nasusubukang iluto at mapraning kakaisip kung magsasara na nga ba ang kumpanya namin. Gusto ko ng matapos ang kontrata ko sa kumpanya at makapagtrabaho naman sa iba, pero hindi ko yata naisip na paano kung biglang magsara ang company at takbuhan kami ng mga boss ko. Nakakawindang dahil nga sa global crisis na iyan kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip namin. Kung nagpa-abiso sana sila hindi kami mag-iisip ng mga posibilidad kung bakit matagal kaming walang pasok. Marami kasing nagsasarang kumpanya na. Madami rin akong nababalitaang nangyayaring recession sa mga malalaking kumpanya dito sa Dubai. Akala ko sinamantala na ng mga amo namin ang nangyayaring crisis everywhere at nagdesisyong isara na ang kumpanya. Mabuti sana kung nai-settle na lahat bago kami mapauwi ng Pinas o mawalan ng trabaho. Dami kong iniisip nun isa na ang pag-iisip na baka mapaaga ang uwi ko sa Pinas. Masaya talaga ako kung mapapauwi ako ng Pinas pero half of me nagrereact ng “Oh no! Paano na ung mga listahan ng mga gusto kong bilhin pampasalubong sa kanila? Waaaahh! Uuwi yata akong gamit ko lang ang dala!

Ang sabi sa opisina namin nirerenovate na daw ang kumpanya dahil papalitan na ng name ang company. Tapos na daw pero balita ng opismeyt ko na sumilip sa office namin totally binaklas daw lahat pati kisame. Kaya iniisip namin baka talagang magsasara na at nililimas na nila lahat ng belongings ng company.

Nung Sabado ng gabi tumatawag na ang dating opisboy para iinform kami na may pasok na kinabukasan. Natuwa din naman ako, finally di na ako mabuburo sa bahay. And of course mapafollowup din ang kaswelduhan namin. Kakadismaya lang dahil pagbukas ng pinto bumungad sa amin ang magulo at maalikabok na office. My gosh naman sana hindi muna giniba kung di agad matatapos at papasukin kaming ganun ang tsura ng company. Maalikabok at para kaming nasa construction site mas maayos pa nga ang mga satelitte office ng isang construction site eh. Hanggang ngayon under renovation pa rin ang office. Anyways ang mahalaga may pasok na kami.

Kinausap kaming dalawang Pinay ni big bossing kahapon. Pinapasa nya sa akin ang trabaho ng isang Pinay na natapos na ang kontrata last December. Ang mga trabaho sa isa niyang kumpanya na in-assign niya sa akin noon ay ipapapasa ko na sa kaopisinang mejo bago bago pa lang. Salamat makakawala na ako sa trabahong un at hindi na ako mahahati sa dalawang kumpanya niya. Pero marami din at mas mabigat ang responsibility ng ipinasa sa aking trabaho. Anyways iisipin ko nalang na isa itong challenge. Napabilib ko naman siya kahit papano sa ginawa ko sa isa nyang kumpanya kaya ituro daw mabuti sa bagong colleague ang ipapasa kong trabaho.

May good news pa ngang sinabi na di ko alam kung paaasahin niya lang ba kami o tototohanin niya. Pero sana totohanin naman nya noh. Dahil ginawa din naman namin lahat ng trabaho kahit natutuliro na kung minsan sa dami ng utos at karagdagang trabaho’ng pinapasa sa amin lalo na sa akin. Dahil sa malapit na rin matapos ang kontrata ng isa ko pang kaopisina puro nalang ako ng ako ang pinagagawa ng lahat. Puro na lang pangalan ko ang tinatawag kahit na kaya naman iutos sa iba. Ooops nalihis na ang kwento… ano nga ba sinasabi ko kanina? Ahhh un nga, ung good news… tatataasan niya na daw kaming dalawa ng colleague ko (na matatapos na ang contract). Dagdag isang libo ang sweldo na ibibigay niya sa amin. Ayos salamat kung tutuparin niya. At kung hindi naman, salamat na rin. Matatapos na naman ang kontrata ko kaya mafi mushkila!

2 thoughts on “dalawang linggong pahinga

  1. buti ka pa. at least may kalinawan at kaliwanagan ang estado ng trabaho mo. i hope maging ok ka nga jan sa work mo and even after your contract there. good luck and Godbless!

    Rhapsody: Thanks! I do hope maging maganda ang year 2009 sa ating lahat! Sana nga luminaw ang lahat at totohanin ang salary increment sa amin. Happy New Year nga pala sa iyo at slamat sa pagbisita!😀

  2. wow! at least maganda ang ending. parang feeling ko kinabahan din ako sa sinabi mong 2 weeks kayong pinabakasyon. kahit ako magtataka rin kung bakit ganun at kakabahan na baka pinapafeel na parang sasara na. sumasabay pa krisis ng mundo.

    at least ang ending tataas ang sweldo mo at talagang promotion na yan. congrats!

    Rhapsody: dibah – kakaloka talaga dahil wlang pasabi in advance eh basta nalang nagkaron kami ng mahabang vacation.

    hopefully tuparin nga ang sinabing pagtaas ng sweldo.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s