Posted in Events & Occasions, Life

happy holidays sa lahat




Christmas is fast approaching. Super lamig na rin dito sa disyerto. Dahil din yata ito sa pag-ulan daw ng yelo sa may parteng Bur Dubai kahapon. Mabuti pa sila nakakita ng snow, ako hindi. Di ko naman mapapansin kasi nasa loob kami ng office unlike ang office nila ate konting lakad lang nila nasa labasan na sila. Epekto yata ng pagsnow ng saglit na sandali ang sobrang lamig ng temperature ngyon dito. Kagabi may bibilhin lang kami sa supermarket na malapit lang sa bahay. Syempre nakakatamad na pumorma pa kasi sa pangatlong block lang naman ang bilihan. Nagblouse lang ako na mejo sleeveless at short na mejo manipis pero hanggang tuhod. Paglabas ng building waaaaaaaaaaaaahhh ang lamig. Akyat kami agad ng bahay at kumuha ng jacket pero kahit naka-jacket na nangangatal pa rin ako sa ginaw. Brrrrrrrrrrrr!!!

Di ko man gaanong feel na parating na ang Christmas unlike last year, masaya pa rin dahil unang-una it’s Christmas! next week na un! Pangalawa, masayang may konting lungkot kasi magbe-birthday na naman ako before the year ends. Masaya kasi I have reached nth year in this fabulous world. Malungkot dahil madadagdagan na naman ang edad ko. Anyway, paano naman tayo magma-mature nyan if forever young na lang tayo dibah. Well hopefully nga I’ll be mature enough to understand and deal with complicated things. Wish ko for myself na sana maging strong ako palagi and to not easily give up sa mga bagay bagay na un nga komplikado. Mga bagay na kayang kaya namang takasan kung magiging selfish lang ako pero dahil iniisip din ang kapakanan ng iba, pinipilit baguhin ang sarili para andun lang ako sa tabi-tabi amidst all troubles we’re facing. Pinagdadasal ko talaga na maging maayos at malagpasan ang lahat para makapag-move on din kami at makasimula na sa mga bagong plano.



Anyways, maaga akong magcecelebrate ng aking kaarawan. Imbes na sa katapusan ay sa Pasko na lang ise-celebrate. Hays! 3 years of celebrating my birhtday away from home, away from my family. Ang galing dahil kahit papano nakayanan ko naman kahit nakakalungkot. 25th and 26th ang celebration ng birthday. Actually dalawa kaming pag-iisahin lang ang celebration isinabay lang namin sa Pasko para makapunta rin naman ang ibang friends. 26th naman ang birthday treat sa akin ng isa kong friend sa comedy junction (nga ba? Basta comedy bar daw eh!).

Anyways, hindi ko masabi kung kelan na naman ako sisipaging magblog. Kung saka-sakaling di na naman makapagupdate.. greet na ‘ko ng mas maaga sa lahat.



12 thoughts on “happy holidays sa lahat

  1. happy bday na lang sayo at sana e mejo pumayat ka na este magmature pala…sabi mo kase un di ba? goodluck at joke lang yung mga yun…wag ka mapipikon, pinasasaya lang po kita….

    Rhapsody: oks lang pare… ang totoo yan gusto na kitang sapakin! joke! hehehe… salamat sa greetings!

  2. ganda!!!! advance happy birthday! ganun-ganun na lang ba yun? blowout ka naman! sabay marry christmas na rin at happy new year! grabe! 3-in-1 celebration! ingat kung saan ka man mag-spend ng holiday mo ha?

    Rhapsody: salamat po tita!!! ndi na nga nangyari iyon eh… isa isa din ang naging celebration hehehehe…

    merry xmas & happy new year!

  3. ay..talga nag-snow daw sa bandang bur dubai??..hindi ko nabalitaan yun ha…lam ko sa bandang Fujeirah ang ang-ssnow kasi mataas na parte na daw yun ng UAE…

    MERRY CHRISTMAS din sayo and advance HAPPY BIRTHDAY…

    Rhapsody: yup muymuy totoo un. pero saglit na saglit lang daw.

    merry xmas & happy new year… thanks sa bday greetings!😀

  4. wowoooo..ako ang unang babati ng merry christmas, happy birthday and happy new year! Godbless you and your family po!

    Rhapsody: salamat po sa greetings! merry merry xmas & happy new year sa iyo!

  5. aba [pinakyaw mo na! merry christms, happy birthday and happy new year sayo!!!

    Rhapsody: kamag-anak ko kasi s manny pakyaw hehehehe… salamt pretty sis pusa! merry christmas & happy new year!

  6. ate my.. merry xmas.. at happy new year rin.. at happy birtday.. basta lahat ng okasyon happy.. happy .. hehhehehe…

    Rhapsody: thank you thank you sis repah! pasensya na di ako nakaikot ikot sa blogosphere para igreet kau lahat!

  7. sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

    Rhapsody: hi glesy! thanks! eto pamasko ko… kiss!mwaaaaah!
    happy birthday kay BJ hehehe.. huli na ko ng greetings, nawla ako sa net eh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s