Posted in Blogging, Proud Pinoy

thoughtskoto’s Pinoy Expat/OFW Blog Awards


http://pinoyblogawards.blogspot.com/Uber delayed na talaga itong entry na ‘toh. Matagal na dapat ito pero dahil madalas wala ng oras sa pagba-blog o di kaya naman kapag may oras kung anu-ano lang walang kakwenta-kwentang bagay ang bina-blog. Kaya humihiningi talaga ako ng pasensya kay kenjie na wala ring pagod sa paga-update kahit mistulang nade-deadma ko pa madalas ang iniiwan nyang updates.

Hiya. ‘Yan ang kauna-unahang dahilan kung bakit hindi ko mai-blog ang tungkol dito. Hindi ko ma-convince ang sarili ko kung nararapat ba talaga akong mapasama sa mga nominado. Hindi ko nga rin alam kung paano ba akong napasali jan. Basta nagising na lang ako isang araw nakita ko ang link ng aking blog na kasali sa mga nominees. Kaya hiyang hiya akong ipromote ang aking simpleng blog na madalas kung anu-ano lang naman ang laman. Hindi ko nga alam kung epekto ba ng pag-ulan ulan ngayon sa Dubai kung bakit naiba ang ihip ng hangin dahil nang makita ko ang comment/update ni Kenjie, nagdesisyon akong tanggalin na ang hiya at simulan ng gawin ang entry na ito ora mismo wala ng hesitations this time.

Kung interesado kayong iboto ako o ang iba pang nominees, i-click lang ito o ito. Presto bubulaga sa inyo ang listahan ng mga nominado kung saan pwede kang makaboto ng hanggang sampu. O dibah at least hindi ka masyadong mahihirapan kasi hindi limited ang pwedeng iboto. Siyangapopala, pang-18 lang ako. HiHiHi, marami pa akong kakaining bigas para umabot sa Top Ten.

One thought on “thoughtskoto’s Pinoy Expat/OFW Blog Awards

  1. len,

    3 people nominated your blog last july or august, thats one reason nakasali ka dyan and right now, you have 17 votes and number 19. One time voting lang kasi, we put an ip and cookie tracker para walang dayaan. Mas credible, mas masaya.

    Your blog is awesome. Walang kwenta man ang laman, pero pag nakakakaaliw naman, it deserved some credit. We as bloggers have all ways and means to entertain and make a difference, ikaw sa umuulan na dubai, ako sa nagyeyelong Saudi, and lahat ng Expats and OFW’s sa buong mundo.

    In the end, its not the votes that matters, its the people we touched. Naks…

    Goodluck sau!

    And thanks a lot for making a post about it. A million more thanks for the courage!

    Kenji

    Rhapsody: salamat sa tatlong taong bumoto sa akin, at least nag-effort sila hahahaha… really, nagyeyelo na jan, wow kelan kaya dito kung minsan kasi sa ibang emirates lang nagyeyelo eh heheheh.

    thanks also for the regular updates! goodluck din sa’yoh. coz i’ve read your entry on people who accused you of something when you start organizing the search. anyways, i’m excited to see who will be the top ten OFW blogs!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s