Posted in Animals, dubai adventures, Life, Places, RoadTrip & Gimix, Showbiz & Celebrities

atlantis & dubai mall escapade


Dalawang sunod na week na paggala sa dalawang magkaibang attraction/destination sa Dubai. Ganito lang naman kasi buhay sa ibang bansa o kahit pa nga sa sariling bansa. Gala ever at picture taking ang libangan. Lalo na’t kung may bagong bukas na pasyalan. Gaya na lang nitong dalawang ito:

Gala #1: ATLANTIS , the Palm

Sa Official Grand Opening nito this coming Thursday maraming sikat na celebrities daw ang pupunta. Sarap sanang makipagbunuang braso este makipagbungguang siko sa kanila. Di naman ako patay na patay sa mga celebrities pero parang ang sarap makiusyoso at manood kung hindi lang sobrang mahal eh I’m sure present ako jan. May world’s largest fireworks display daw na mangyayari. Tapos may private concern pa ang tita kong si Kylie Minogue. Invited lang lang din naman sina Lindsay Lohan, Oprah Winfrey, Michael Jordan, Gerald Butler, Lily Allen, model na si Petra Nemcova, Janet Jackson and Jermaine Dupri at syempre hindi mawawala si Robert de Niro kasi nga may resto siya dun eh. Marami pang ibang nakalimutan ko na nga lang, itinapon ko na kasi ung newspaper matapos kong tignan ang mga pictures nila. OO sa sobrang sayted ko di ko na binasa tinignan ko lang pictures. Naiinggit tuloy ako dun sa mga nananalo sa radio station ng tickets to Kylie concert, plus Aquaventure pass at kung anu-ano pa. Ang kaso naman di naman ako nagjo-join na kinakabahan kasi ako baka matalo lang ako heheheh.

ang liit lang noh
ang liit lang noh

Hindi naman talaga yan ang topic kasi hindi naman ako makakagala sa mismong araw na iyan, of course kailangang magbayad kasi para maki-join sa kanila. Ang iwewento ko lang eh gumala nga kami jan sa labas lang nyan at pumasok dun lang sa lobby. Tapos nagtingin tingin ng mga fishy fishy sa aquarium. La lang nakikigulo lang sa mga namamasyal lang din at nagkukuhanan ng pictures.

Gala #2: Dubai Mall

eto malaki - kita nyo ung maliit na shark

After ilang beses na delay ng opening, natuloy rin sa wakas nitong first week ng November ang pagbubukas ng Dubai Mall. Pero syempre dahil alanganing araw ng Martes nagbukas ang Mall – hindi kami nakapunta agad. Pinalipas din namin ang unang weekend dahil inaanticipate na naming maraming tao ang pupunta. On the way kami sa Atlantis nun at habang nasa Shk Zayed Rd, napuna na namin ung mahabang queue ng sasakyan sa isang lane. Un na pala ung lane heading towards Dubai Mall. Kinabukasan at mga sumunod na araw dami na ngang complains about the long travel hours going to the Mall.

Sumunod na weekend naman kami pumunta. Ibang ruta ang dinaanan namin para kung sakali eh at least iwas traffic kami. Di naman kami na-traffic pero napagod din kami kakalakad. Pero hanga din ako sa Aquarium sa loob ng Mall — ang laki at may mga maliliit na sharks na para sa akin tingin ko malaki na rin. Yung mga tao nga parang gusto ng tumira sa mall tapos pinaka-tv na nila ung aquarium, kala mo kasi may concert at lahat ng tao nakapalibot sa aquarium simula pagdating namin hanggang pauwi na kami. Madami pa ring saradong shops na I’m sure matatagalan bago magbukas. Sarap lang mamasyal sa Mall na un pero kung mamimili ako ng damit, Dubai Outlet Mall pa rin ang choice ko. Sabagay, hintay ko munang magbukas lahat saka ko cguro i-judge.

dxbmoloutsideoutsyd2us3

ang stingray gusto talagang magpapicture nyan panay lapit eh
ang stingray gusto talagang magpapicture nyan panay lapit eh
isa pa toh - ngumingiti pa eh!
isa pa toh - ngumingiti pa eh!

11 thoughts on “atlantis & dubai mall escapade

  1. nice! sana makapunta dyan! kaya lang baka ipakain mo ako sa pating hehehe

    Rhapsody: bakit naman kita ipapakain syempre hindi, at dahil reyna ka may nakalaan ng malaking upuan meant for queens and kings.. yup sa atlantis at sa dubai mall parehong meron.

  2. aba..ang sarap mag-malling. ang ganda ng aquaruim pwede bang pumasok jan?hehe

    Rhapsody: fwedeng fwede kung ikaw ay isang diver! kasi may nakita kaming tatlong diver na nasa loob na aquarium, pinapakain nila mga fish. kakatuwa pero nakakatakot kasi andun lang din mga sharks pa-swimming swimming lang.

  3. gusto ko rin yan mapuntahan one day.. sana may time din ako mamaxal😐 balita ko ke sommer maganda ng ayan

    Rhapsody: si sommer nakagora na yan sa Atlantis nung kasalukuyang ndi pa ganun kadami ang pumapasyal na tao.. lately kasi eh ang dami ng pumapasyal pasyal jan.

  4. elow! hehe.. actually, kahapon nakapunta narin ako dito sa Dubai mall kasama c “the one” ko at marami pa nga mga stalls ang hindi pa bukas, pero nice ang aquarium ekek na yun..🙂

    Rhapsody: maganda nga sna kung bukas na lahat ng stalls, pero 2009 pa nga daw which is cguro after six months hehehe.

  5. nakapunta na ko sa Dubai mall..aliw na aliw ako sa napakalaking aquarium tapos nadagdagan pa ng pagtungo ko habang kinukunan ko ng video eh may parang mga stars sa kisame ng mall..ang ganda talaga..post ko yun pag may time na ko…yung sa Atlantis naman..grabe ang laki ng nagastos nila sa fireworks display napanood namin sa Dubai One last thursday..ang ganda ganda promise…superb and amazing talga pang-Guiness ang dating…

    Rhapsody: sa you tube ko lang napanood yan pero ang ganda tlga nagform din as Palm ang mga fireworks….

  6. Voting for the Top10Pinoy Expats/OFW blog ends on 30th of December, please vote for this site by clicking the butterfly Philippine flag banner. My friend, please email us your email address to top10pinoyexpatsblog@gmail.com so we can email you some info about the search project. Thank you. Please blog also about the project so ur visitors can vote for you. Thank you again.

    (PS, ure a few votes away to the top 10 by Voting category)

  7. Voting for the Top10Pinoy Expats/OFW blog ends on 30th of December, please vote for this site by clicking the butterfly Philippine flag banner. My friend, please email us your email address to top10pinoyexpatsblog@gmail.com so we can email you some info about the search project. Thank you. Please blog also about the search project so ur visitors can vote for you. Thank you again.

    Goodluck and happy holidays!

  8. try natin next na EB ng UAE gelays dyan tayo punta o kaya ice skates sa dubai mall… hehehehehe

    Rhapsody: ay masaya yan!😀 ice skate tayo?😦 parang swimming pool lang yan eh ang hindi marunong pakapit kapit lang sa gilid, sa ice rink naman ganun din kakapit lang din ako sa gilid hahaha.. pero masaya yatang i-try lolz.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s