Posted in dubai adventures, Life, Work & Work Hard

may card ka na?


BAGONG PAKULO…

eid-logo image courtesy of emiratesid.ae

What is the Identity Card?

The ID card is an electronic means of identification that EIDA undertakes to issue for all the population of U.A.E. It is mandatory for each national or expatriate person above 15 years old. Coupled with sophisticated technological features, ID card is a safe and fine means for identification of persons and verification of their identities. It contains an ID number that links every individual to his/her own personal and biological lifetime data. The number in question serves as a reference for the respective individual in his/her identity-proved transactions with government bodies and some private organisations. It is expected that the ID card would, later, replace all currently applicable other identification means such as labor permit, health card, driving license, etc.

Kailangan ba talaga yan? Ang dami namang kung anik anik na naiisipan ng mga Arabo. Meron na akong forwarded application form pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gagawin ko pagkatapos kong ma-fill-up. December 31 ang deadline, ano’ng petsa na hindi pa rin ako nakakapagpa-register. Nalilito kasi ako dahil ilang buwan na lang naman ang ilalagi ko sa Dubai kaya hindi ko sigurado kung uubra kaya kung hindi ko na asikasuhin ito. O totohanin nilang pwede kang ma-deport dahil magiging invalid na ang labour card, credit cards, health cards at kung anu-ano pang cards na galing sa UAE.

What are the penalties for not obtaining the ID Card by 31st December 2008?

Emiratis, who have been able to register since 2006, face Dh1,000 fines if they do not obtain ID cards by Jan 1.

Expatriate professionals, including most residents with university degrees, without cards will not be fined until 2010, but have been told that they will not be able to access most government services, including health care, bank transactions and other government and semi-government services, after Dec 31 this year.

Additionally, employers will be also penalized for employing staff without the ID card.

Baka sa hindi ko pag-apply eh ma-charge ako ng sobrang laki. Minsan naman kasi ang balita kesyo tatapusin pa daw muna magsipag-rehistro mga nationals bago ang expat. Ngayon naman parang biglang may deadline na. OO nga’t 2010 pa deadline ng expats pero pa’no mo nga magagamit ang mga importanteng cards na un. Ayos din sa extension un ah meron namang kondisyones!

Eto pa ang matindi, may charges for enrollment? Di ko masyadong maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito:

What are the charges for enrolment?

–  UAE Nationals: AED 100.
National under social security: free of charge

–  Residents:

  • AED 100 for a year’s residence.
  • AED 200 for two-year residence.
  • AED 300 for three-year residence.

–  GCC residents: AED 100 per year depending on the chosen period. However 5 years is the maximum validity time for the ID Card.


–  For children below 15 years: the registration in the population register is mandatory, but issuing the card is optional.  In case the parents wish to issue a card for a child below 15, the fees shall be: AED 50.

ID card Delivery fees: AED 15

Ang sabi kasi the card is valid for 5 years. So ibig sabihin kahit local ka magbabayad ka para sa card na ito kasi nga it would later replace cards such as driving license, labour permits, credit cards and health cards. Actually ang bali-balita hindi na daw later – kundi right after the given deadline eh un na ang magiging card mo replacing all those cards.

Nalilito na rin ako kung magkano ba talaga. Sabi ng iba 40dhs lang, dyan naman sa information pack na ni-paste ko dito aun nga 100 dhs for a year’s residence and so on and so on. Pataas ng pataas kung gaano ka katagal. My gulay! Since five months nal ang naman ang ilalagi ko sa makasaysayang Dubaisana singilin lang ako ng kalahating presyo. Anyways, hindi pa naman ako nakakapag-apply. Meron na kayang mga UAE bloggers ang nag-asikaso ng kanilang eID?

O baka naman 40 dhs + the no. of years of residency + 15 dhs delivery fee. Mga mukhang pera! LoLz! Naglagay at nagdagdag ng Salik, iniba ang proseso ng pagvivisa, pamahal ng pamahal renta ng tirahan, pati pagkain at kung anu-ano pang bills, one villa one family campaign ek-ek – pero may bali-balitang tigil daw muna ang project na pagdedemolish dahil naubusan ng budget ang gobyerno… well, kaya siguro biglang nagka-deadline itong eID na toh kasi dito sila kukuha budget hehehe!


Sa Saudi, Oman, Kuwait, Qatar, Bahrain at kung saan-saang parte ng Middle East, ganito rin ba? May Identity Card din kaya?

13 thoughts on “may card ka na?

  1. Hi Rhapsody….’muzta na….dito sa kuwait mayroong civil id card, nationals and residents mayroon. ang validity nito ay kasabay ng visa, kaya everytime na nag renew ka ng visa kailangan mo rin itong i-renew , it costs us KD10 per year plus KD2 for the new ID.

    gamit ito sa lahat ng transactions magpa gov’t. o private company services. ito ang pinaka importanteng bagay na hawak namin dito.

    at walang age bracket kung sino ang required.

    Rhapsody: talaga po… it means nangulelat na naman ang Dubai hehehe… at kayo din ba ang nagbabayad hindi ang employer?

  2. INVASION OF PRIVACY!!! yan ang tawag sa card na yan!!! bilang isang mamamayan ng isang bansa khit san bansa pa… isang pagmamalabis ang ganitong hakbang khit saan anggulo mo tignan!!! mantakin mo kya kang sundan at alamin ang lahat ng iyong gawain, pupuntahan at mga maseselang impormasyon tungkol sa pagka tao mo tsk.. tsk… at isa din sa malaking katanungan ay ang seguridad ng sistema ano ang knilang garantiya ng wlang masasamang loob ang makakakuha ng ating personal na impormasyon.. sabi nga ng mga matatanda at mga kwentong barrio meron mga taong may kakayanan sa pagkuha ng mga ganitong impormasyon at ang tawag ng ating mga ninuno sa mga ganitong tao ay HACKER.. isipin mo kung ma-hack ang server ng kinalalagyan ng mga impormasyon.. buong pagkatao mo ay pedeng maglaho!!! ngayon palang laganap na ang IDENTITY THEFT ano pa kaya kung gamitin na ang ganitong klaseng card!!!!!! mas magiging madali sa mga masasamang loob ng magpanggap bilang ibang tao kapag alam na nila ang lahat ng impormasyon na nakalagay sa card… ATING IPAGLABAN ANG ATING KARAPATAN!!!! MAKIBAKA WAG MATAKOT!!!!! MAKIBAKA WAG MATAKOT!!!!! PATALSIKIN C PGMA!!! ITAAS ANG SAHOD IBABA ANG BILIHIN!!!!!!!! STUDY NOW PAY LATER!!! BOW….

    Rhapsody: baliw ka talaga Henry! bwahahaha! parang bigla kong naimagine nasa stage ka habang nagtatalumpati – tapos isa ako sa mga sumisigaw ng MAKIBAKA!

  3. Sa Kuwait sus, di ka makakagalaw ng wala nyan…Yan ang unang unang chini-check ng mga lintek na buwaya dito…Pag nagkataon na ala ka nyan…kulong ang labas mo…That is kung di mo bitbit ang passport mo (na me visa na nakatatak) or patunay na pinaprocess ang residence mo.

    Sponsor mo ang nagbabayad pero in my case asawa ko ang sponsor ko (family kasi visa kow…)

    Rhapsody: ganun? isa lang ibig sabihin nito kahit umuunlad ang UAE kulelat pa rin sa ibang bagay.. gaya ng Metro Station, ngayon lang sa kanila nagkaron ng ganito, samantalang sa Pinas noon pa man may tren na nangabulok na nga at naging LRT/MRT na…

    ngayon naman etong card na ito. dati kasi labour card at residence visa copy lang ang hanap dito… pero ngayon ndi na… at hanggang ngayon di pa rin ako nagapply nun, kasi naman ang online application nila napakabagal dapat yata dalawang araw o mahigit kang walang humpay na nakababad sa internet para matapos ang proseso. pag pumunta ka naman dun kung wala kang appointment sked di ka mapa-prioritize. at ang latest news na narinig ko sa kakilala ko na kakapa-appointment lang – ang appointment date nya ay sa december 20 pa. so pano pa kaya ang ilang daan pang di nakapagparegister – dapat iextend nila un.

  4. hello, rhapsody!

    ewan ko lang kung may mga ganyan ding identity card churva sa ibang parte ng middle east. dumadami na rin kasi ang mga migrant workers sa dubai, so kailangan din sigurong mag-take ng precaution ng gobyerno.

    may napanood akong iranian movie before, pati residente nila, may identity card. kahit sa pagtatrabaho kelangan nila yun.

    =pasensya na po at ngayon lang uli nakadalaw. magbabalik na ko, soon.😀

    Rhapsody: Hi sis! tagal mo ngang nawala hehehe….

    actually totoo nga un, pati mga locals dito kailangan din ng identity cards which will be necessary for almost every transactions.

  5. ang hirap pla tumira dyan .. may ganyan pa.. panu pag naiwan mo o nkalimutan mo.. di ligwak ka na..

    Rhapsody: oo nga eh… uwi ka muna para kunin hehehe.. para di ka ligwak diba… ano nga ba ung ligwak?

  6. as lola…di ko alam tong kaartehang to ah! meron ka na ba card? pero ang sabi nga e personal to kaya di company magproprocess nito di ba?
    paano kung pagbalik ko galing bakasyon at wala pa akong card? e d di na ako makakapagtransact ng milyones ko sa nbd?nyahahah!!!

    Rhapsody: wla pa rin nga ako eh. ung iba kasi sagot ng kumpanya daw nila… pero ung iba naman kanya kanya… maarte na tlga noh parang ayoko na tuloy bumalik ng dito at tuluyan ng magduba-bye sa dubai…

    naku paano na nga ang milyones mo nyan… o cge ipatago mo muna sa account ko sa Pinas ha😀

  7. …pati rin nga ako nagugulumuhinan na sa pagpoproseso ng ID card na yan..inutusan ako ni koya na mag-imbestiga kung pano makakakuha nito, ang hirap kasi dito sa Dubai paiba-iba ng policy hindi consistent mga tinamaan ng lintek kaya nman mga tao litong-lito sa pagpo-proseso ng ID card na yan…ang mahal pa!amp!..

    Rhapsody: kaya nga nawawalan na ko gana sa Dubai… parang gusto ng pagkakitaan o paalisin mga expats… hayst!

  8. aba wala ako nyan ah? narinig ko na yan dati pero ndi ko alam na malapit na deadline😮 UAE nga naman talaga oo sakit sa ulo..

    Rhapsody: napaka-amp tlga ng UAE hahahaha… feb 2006 pa daw yan pero never heard tlga, yan ung mga panahong bagong salta ako sa Pinas pero never never ever heard of it tlaga.. lately lang mid of this year…

  9. ang sakit sa bangs neto, wala pa din ako nitong card na to, haba daw ng pila sa karama post office! kamusta naman diba kesyo matagal na daw yun, pero ngayon lang nila ipinagpilitan sa madlang pipol.

    Rhapsody: ewan ko nga ba sa mga yan! lolz! kita ko nga sa newspaper ang picture ng pila sa karama.

  10. malaki kikitain ng dubai sa ID na ito..heheheh!magtatayo na naman sila ng pinakamalaking building sa buong mundo..di ba bilyones ang jutang ng dubai?dahil sa mga nakakalulang projects nila..kaya pagkakakitaan nila ngayon mga expats..wawa naman tayo!huhuhu!

    Rhapsody: tumpak! taralet’s lipat na tayo sa abu dhabi!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s