Posted in dubai adventures, Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life

old friend


Bumilang ng ilang linggo pagkatapos kong makatapos ng college, natanggap ako sa isang Singaporean company na halos Hapon ang superior. Sobra akong natensyon dahil hindi ko inakalang malalagay ako sa posisyon na wala naman akong experience. Ilang beses akong nakiusap na ilipat ako sa ibang department o aalis na lang ako sa kumpanya, pero sabi mo kakayanin ko un. Dahil ayaw din akong pakawalan ng amo nating Hapon napilitan akong makinig na rin sa iyo. Matyaga ka ngang tinuruan ako na alamin kung ano’ng silbi ng mga bagay na ginagamit natin sa trabaho. Bilib ako sa tyaga mong parang professor na ipapakita sa akin kung ano ang hitsura ng processor, lancard, hard disk, DDRAM, SDRAM, cmos battery, power supply at isa-isahin kung ano’ng silbi ng mga iyon. Sa trabahong iyan ko natutunan kung paanong buksan ang mouse para irepair, kung paanong i-recover ang address book sa Outlook ng computer na nag-crash, kung paano’ng magtrouble shoot kahit man lang basic ng kung anu-ano sa ibang departamento kung wala ang ibang technician, kung paano’ng mag-install ng Operating System at mga Software Applications na Japanese version. Hindi ako isang technician, coordinator ako nun pero masaya palang matutunan ang lahat ng yan. Ang dami, sobrang dami kong natutunan sa first job ko. Na ngayon ay hindi ko na yata masyadong matandaan. Too bad…

Hindi lang naman ikaw ang nagturo ng lahat ng iyan pero ikaw ang pinakamatyaga. Kahit pa nga tuksuhin na tayong dalawa hindi naman tayo nagpapa-apekto. Bukod sa matindi kasi ang tama ng ka-opisina natin sa iyo. Gwapo mo daw kasi matalino pa.

Maganda naman ang samahan nating lahat sa departamento hanggang sa unti-unting nagkaroon ng problema. Malaking problema. Pati nga ako naapektuhan dun, hindi ko alam kung ako ba ang gusto’ng i-setup o ako ang gagawing daan para mapunta lahat ng blame dun sa isang babaeng ma-epal. Ang gulo. Magulo ang utak ko nun at panalo ang plano ng kung sino mang gustong man-setup o kung anuman ang gustong gawin ng misteryosong taong iyon. Pinaghinalaan ng halos lahat na ang gumawa sa akin ng bagay na iyon ay ang babaeng masyadong ma-epal. Sobra akong nagalit sa kanya, at ang tsanyang makita ang salarin sa ating surveillance camera ay lumabo ng tuluyan. Matalino ang misteryosong tao tinanggal ang kable kaya walang nai-record. Ilan lang naman silang may access sa control room kaya iilan lang din ang paghihinalaan. Pero hindi na na-trace.

2003 pa nung huli kitang makita. 2003 din ng namaalam na ko ng tuluyan sa kumpanya. Inunahan mo ako. Bigla ka na lang nawala. Nag-AWOL ka na. Nalungkot talaga ako nun kasi ikaw ang naging mentor ko. Na-miss talaga kita. Kasalukuyan pa namang nagkakagulo sa department natin. Katagalan, nagsimula ang hinala kong malamang may kinalaman ka sa kaguluhan. Maaring ikaw ang misteryosong taong gumawa, pwedeng may ibang tumulong sa iyo, pwede rin namang ikaw lang mag-isa. Naisip kong kaya nagawa sa akin ang bagay na iyon ay para hindi kita pag-isipan ng masama, para magalit ako sa babaeng ma-epal, para paghinalaan ng lahat ang babaeng ma-epal. Mahusay kung ikaw nga ang misteryosong taong gumawa ng lahat ng iyon. Dibah isa ka rin sa may hawak ng susi sa control room? Isa ka sa mga nakakaalam ng lahat ng kable, kaya alam mo rin kung saan ia-unplug ang cable ng camera.

Sinubukan kong hanapin ka sa friendster pero mahirap ka talagang hanapin. Sa dami ng number na pinagpapalit palit mo noon ni isa hindi macontact. Magaling ka talagang magtago. Ni anino mo hindi na namin nakita simula ng mawala ka sa kumpanya. Nalaman ko na lang sa iba napadpad ka na daw sa UAE.

Fast forward 2007, nakalimutan ko’ng nasa UAE ka nga pala. Nung naalala ko, di ko rin naman sigurado kung tumagal ka sa UAE o nag-AWOL na naman. O tumalon na ulit sa ibang bansa. 2008, ilang linggo na ring may nag-iiwan ng message sa friendster ko, kapangalan mo. Bibihira kasi ang nagmamay-ari ng ganung pangalan kaya hindi ko ina-add. Naka-private pa at image ng isang lugar ang naka-front hindi mukha ng isang tao.

Friday habang gulo ang utak ko sa gitna ng maraming tao sa Gitex Airport Expo. Lito ako kung ano bang laptop ang bibilhin. Pagkatapos kong makausap ang kuya ko sa phone, si papuch naman ang kausap ko. Habang nagsasalita at patingin tingin sa mga tao at sa laptop sa paligid nakita kita. Napatitig ka ng may katagalan. Napatiningin din ako. Nawala talaga ako sa concentration hindi ko akalaing buhay ka pa pala. Pero ako na ang unang bumawi ng tingin.

Alam kong nagtago ka ng matagal kaya hindi na kita nginitian. Sana iniisip mong kamukha ko lang iyon. Wala na ang pimples ko sa mukha, mas humaba na ang buhok ko, hindi na ako patpatin at nakasuot ako ng eyeglass. Kaya sana hindi mo maisip na ako ang nakita mo. Ayoko na rin kasing magkaro’n pa ng communication sa iyo. Tumaba ka rin pero namukhaan pa rin kita, at sigurado akong ikaw nga un. Hinahanap ng mata ko kung nasaan ka na pero wala na. Nakahinga na ako ng maluwag pero paglingon ko sa kanan andun ka pala at nakatingin na naman. Pakiramdam ko minumukhaan mo talaga kung tama ang hinala mong kakilala mo ako o kamukha lang. Ako na naman ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko talaga gustong ngitian at kamustahin ka. Lumayo na lang ako sa lugar na iyon, ayoko na talaga makita ka.

3 thoughts on “old friend

  1. baka inlove nga sya…hoy taba este rhapsody pala..masarap ma inlove di ba?

    Rhapsody: at tinawag mo pa akong taba? how dare you?! hehehe jokes lang.. cge lang matutuwa ako kesa tawagin akong payatot hahahaha…

    anyways, totoo yan masarap nga ang mainlove pero ndi ako inlove dun sa old friend na un ha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s