Posted in Boredom, Health & Beauty, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Random Thoughts, Work & Work Hard

The week that was…


I had my hair cut the other week. Sumasakit na kasi ulo eh. Tapos parang hate ko na ang sobrang haba na buhok. Feeling ko para na akong bruha at super init pa. Isang taon ring walang gupit un kaya humaba. Mejo mabagal pa nga ang paghaba ng buhok ko. Sa isang taong walang gupit kahit man lang konting trim eh hindi man lang umabot hanggang tuhod buhok ko, o kahit sa pwet. Hays. Noon pa naman gusto ko talaga ng super habang hair. Mahirap lang i-maintain kapag super haba ng hair lalo na’t nagiging pasaway na kung minsan ang buhok. Pero parang lately kasi biglang naisipan kong paigsiin buhok ko. Gusto ko sana ung maikling hindi lalagpas ng balikat. Pero wag na takot ako kasi baka mag-fly away.

Lagpas balikat pa rin naman ang buhok ko. Pero kapansin-pansin pa rin na umigsi. Dalawang boss ko ang nakapuna. Ang among lalaki na nagsisimula ng magkwento ng pangyayari para sa ipagagawa niyang sulat para sa akin, biglang natigilan at napatingin sa akin. Maya maya nagtanong kung binago ko daw ba ang buhok ko. Tumango ako at nag-smile. Maganda daw at nagmukha akong prospesyonal. Toinkzzzzz! Kung pwede lang mambatok ng boss ginawa ko na talaga. Walang wenta kasi eh namuri pero pang-asar. Sana ang sinabi niya, lalong na-enhance ang byuti ko at mas naging super duper professional looking lalo ako, kamukha ng isang Manager ng isang kumpanya.

V’s birthday celebration Thursday night. She’s my bestie’s cousin and a good friend of mine. Naging close lang yata kami dito sa Dubai – kahit tatlong beses pa lang kami nagkikita dito. One – when we took her out on a road trip at magpapicture picture siya. Second – when we scheduled spending time out together, eat out at magchikahan. Third – that night, nung birthday niya. Sabi ko ayokong uminom pero pinainom nila ako, bakit sila ganun? Mabuti na lang patikim tikim lang ako ng pulang kabayo, Nung tinatamaan na ako ng sipa tanggi na talaga ako ng tanggi. Hanggang sa humupa na ang namumula kong mukha at buong katawan.

Palpak na naman ang proyekto nila! Di na ako magkkwento ng mahaba tungkol dito. Isa kasi itong kasiraan para sa kanila na taon taon nilang sinasadya. Wonder why di sila marunong mahiya? Anyways…

10 thoughts on “The week that was…

  1. uyy nagpagupit ka rin pala rhap..sana me pic hehe…

    alam mo pareho tayung indi nainom…dati aminado akong talamak ako dyan, pero ngayon ‘yoko na. ayoko na malasing hehe..

    …’eka, anung proyekto ba un?

    Rhapsody: talaga? un ba ung picture na nasa gilid ng blog mo?

    ayaw mo na din hehehehe.. kasawa din mag-inom noh?

    ung proyekto? ahmmmm basta… saka ko na lang iwewento pag tapos na contract ko sa kumpanya hehehe…

  2. May mga nilalang talagang hindi na nadala…

    Heneweiz…ako din nagpaputol ng buhok last month…pinatapyas ko dahil naglalagas sha…

    Rhapsody: patingin nga!😀 teka di pa pala tayo friendster…

  3. Wala ka bang pikyur mo nung bagong tasa ka? tiningin namin!
    Ako nun mylene, umabot hanggang baywang — tinitirintas ni misis ko. Ngayon hindi na pwede — baka malagas.😛

    Rhapsody: meron pag-iisipan ko kung ilalagay ko dito kasi mahaba pa rin naman ng konti parang wlang pinagbago hahaha!

    nyah! ang haba nun ah.. pangarap ko dati hanggang pwet hahaha… lagasin na ang buhok mo? sabagay ako din😦

  4. Oo nga, picture naman dyan. Parang si Aling Baby lang, hinde namin tinigilan hanggat hinde naglalabas ng picture nung bagong gupit sya.😆

    Rhapsody: magpapakuha muna ako ng picture… actually sa friendster meron naman noh.

  5. This reminds me… long overdue na ang pagpapagupit ko. Hahahahaha!

    Gotta have an appointment sa INDEX soon!🙂

    Shucks, libre advertizing pa sila. Huuuu!

    Rhapsody: mmmmm… i’ve heard that recently dun sa pinay na nasa salon kung san ako nagpa-treat at cut ng hair… dun daw siya sa Index nagpupunta…

  6. sana man lang makita namin at para makapag agree kami or disagree dun sa sinabi ng boss mo.. hehehe! ako rin pinaiksi ko rin ang buhok ko.. yung tipong parang galit sa mundo na iksi… from long hair to very, very short hair. hehehe!

    Rhapsody: galit sa mundo hair style? bago un ah hehehehe… ahmmm yung boss ko bolero un, pinuri lang ako nun kasi di ko siya igagawa ng letter kapag sinungitan niya ko hehehe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s