Posted in Hobbies & Interest, Random Thoughts

plurkie plurk


Naisipan ko lang namang gawin ito. Gaya ng napapansin ng iba, madami talagang mga blogista ang parang mga kabute. Oo nga may mga bago na kasing pinagkakaabalahan ang mga magaganda at gwapong ka-blog natin. Hmmmn… minsan gusto ko nga malaman ano ba mage-gain natin sa Plurk? Karma *taas kamay ko!*. Yes gusto ko ng karma! Nakakaaliw kasi ang mga engoticons daw! At friends nga naman siyempre.

Hindi ako ganun ka-active sa Plurk. Naimbitahan lang ni Diva kaya napasilip na din at nakikigulo paminsan minsan. Kaya nga ako laging kulelat pati na sa karma dahil nga pasulyap sulyap lang ako sa mundo ng Plurk isa kasi akong huwarang empleyado, hihih. Dahil sa pagiging laging huli sa pagpasok nasabihan pa’ng pagong ni machong azrael. Kung hindi pa sa tulong ng mga friendly plurk-addict na gaya nila joy (na laging nangunguna sa pagko-contribute sa ikaka-ahon ng karma ko), artistahing si mumu at ang loveteam nyang si kirksydney, sistah timi, sommer sault, ana, burinj, lhay (na dyosa daw ng plurk) at potpot.

Curious lang ako…

11 thoughts on “plurkie plurk

  1. Napakaganda naman talaga ng pagkakadugtong sa name ko.

    Anyway.. syempre ang sagot ko dyan eh:

    “Hinde noh! I hate Plurk!”

    😆

    Rhapsody: ashuuuuuuuuuush! hate ka jan eh lagi kang present hahaha!

  2. ah e.. pasensya na huli rin ako sa balita ano ba yang plurk? mukang napga iiwanan na nga ako talaga ah. hehe..

    Rhapsody: mukhang super busy ka yata lagi sistah.. break muna ikaw at join ka sa Plurk.😀

  3. I plurk… pero di lagi.

    As in 1 a week lang yata.

    Ala naman kasi nagre-respond, hehehehe!

    At saka di ko rin kasi makita yung buting idudulot ng plurk sa akin. Ahahahha!

    Have a good day!

    Rhapsody: sabagay, kanya kanya talagang hilig yan… kung na-enjoy mo talaga syempre lagi kang tambay dun, pero kung hindi naman, lalayasan na lang hhehehehe… ako naman pasilip silip kung minsan😀

  4. i hate plurk din sis gaya ni nathan * the guy with the loveteam over there! *

    pero i lab you all!!

    plurk na plurk ang comment ko simula nung naadik ako ng bahagya dun!

    since we hate it, see yah there!

    Rhapsody: ndi nga halata noh… u hate plurk nga sis hehehe…

  5. nakakaaddict yang plurk na yan.. kaya nga di ko niyayaya si gmac.. numero unong adik yan.. kapag nalamn niyang mga pasaway.. este.. mababait mga tao sa plurk.. jojoin iyan.. medyo rehab lang ako ng konti rhap.. mahirap na eh.. nasisira beauty rest akesh.. hihihi

    Rhapsody: honga ako din nasisira byuti rest kaya laging absent sa plurk o di kaya sumisilip lang…

  6. huh? sinong addict sa plurk?hehehe!!!
    medyo tumatamlay na nga dun ngayon e…kaya balik updates na ulit mga bloggers!nyahahaha!!

    Rhapsody: pansin ko nga, may mga ndi na tumatambay… pero bakit wala pa rin update ung iba hehehe..

  7. hehehehe. hintayin ko lang malibre ulit ako saka ko iupdate yang plurk ko. nagregister lang ako pero after nun nagsign out agad ako. ni wala pa nga akong kaprofile profile eh. hehehe. puyatan na naman ng walang humpay ito malamang.hehehehe.

    Rhapsody: napaka-busy natin ahhh… ang puyatan sa plurk naman ang di ko magagawa.. unang una wla pa akong sariling lafftuff! second, wala pa ring net connection sa flat namin.

  8. Hanggang ngayon hindi ko pa alam ang plurkie plurk na iyan (pangatlo ka na sa mga nakakaringgan ko na). Nakakaadik nga daw? ay, ayoto ata…😆

    Rhapsody: adik nga ako.. joke! ang totoo ndi ako masyado tambay dun kasi pasaway mga boss ko laging may work na pinapagawa, nakakaistorbo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s