Posted in dubai adventures, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Random Thoughts, Work & Work Hard

two or six???


Bakit kaya inip na ako? Anim na buwan na lang pero parang ang tagal tagal pa. Naalala ko pa ung mga panahon na talagang handang handa na ako’ng magsend ng resignation letter sa company. Masyado akong nagpapadala sa pressure nun. Masyado akong naging weak. Masyado rin akong naging palaban kay babaita. Would you believe nag-uusap na ulit kami at nagbobolahan, complementing each other? sooooo orocan!!! heheh! Yun yata para sa akin ang pinakamabagal na takbo ng panahon. Di ko nga ma-imagine na mabilis palang lilipas ang araw. Nakadagdag pa sa pagdedelay ng pagreresign ko nun ang paghihintay sa komisyon. Sa awa ni bestfriend ko sa taas naibigay naman. Umabot lang ng matagal pero at least naibigay na rin. Lalo nga lang lumabo ang pagdedesisyon kong iwanan ang kumpanya dahil useless na rin. Kung iisipin mo mas maigi pang hintayin matapos ang contract kesa magresign. Dahil may ilang buwang notice pa muna bago ako makaalis ng maayos sa kumpanya.

At dahil tatapusin ko na nga lang ang kontrata, anim na buwan na lang ang hihintayin ko. Makikita ko na naman ang Pinas. Sarap nun. Kailangan ko ng mag-ipon ipon habang maaga dahil baka ilang buwan din akong tumigil muna sa Pinas. Nag-iisip ako kung ano ba ang gagawin ko…

Tumigil ng dalawang buwan lang sa Pinas? Para makabalik agad ng Dubai dahil syempre kailangan ng suporta ng aking precious family at ayoko yatang mahirapan na lang kami ng ganun ganun lang. Di ko naman pwedeng iasa lang sa youngBro ko un. At isa pa ayoko na ngang pagtrabahuhin pa ang aking pudra.

O

Tumigil ng anim na buwan, gaya ng payo sa akin ni papuch? Gusto niya daw na magpahinga muna ako para marefresh naman daw ako dahil puro na lang daw pressures ang naranasan ko.

Pero sinabihan ko naman siya… kung ako ang papipiliin gusto ko talagang tumigil muna ng matagal sa Pinas pero kahit gustuhin ko man parang hindi pa rin practical. Kasi pa’no naman ung expenses ng family ko sa Pinas. Ayoko na kasing pagtrabahuhin ang pudra ko noh, ayoko na siya umalis ng Pinas hangga’t kaya naming magkakapatid na suportahan ang family. Sana makayanan hehehe…

Minsan tuloy parang ayaw ko pa mag-asawa kaso mahuhuli naman ako sa byahe nyan pag nagkataon hahahaha… Ayoko nga magka-cancer bwahahaha…

6 thoughts on “two or six???

  1. Iba nga kasi kung feeling natin na me financial responsibility tayo…Ako nga eh… kung bigla lang kami yumaman ni bebe ayoko na magtrabaho…Sobra kaya ang tension pag lagi ka meron deadline at pati sa panaginip eh nagpoprogram ka pa rin…Kaya din siguro di pa kami magkaron ng baby ng bebe kow.

    Maganda nga magpahinga sis pero kung financial tension pa rin sa isip mo at malamang eh panghihinayang sa pera na dapat kinikita mo habang nagpapahinga ka…eh di parang di ka rin nagpahinga…

    Although payo ko eh wak maging hadlang yang financial responsibility na yan sa pag-aasawa mo….

    Rhapsody: di naman cguro magiging hadlang talaga hehehe… uu nga eh un talaga sa isip ko ayaw ko kasing umasa lang sa parents lang palagi. at syempre gusto ko din pahinga na pudra ko. pinaliwanag ko din sa kanya at napagisip isip niyang may foint nga ako… kaya malelessen ang rest ko sa pinas ng 3months.🙂

  2. Just cross the bridge when you get there. Pero parang ang tagal naman ata kung mababakante ka ng 6 months. Panigurado maiinip ka nun. Well, choice mo pa rin yan in the end. =)

    Rhapsody: iniisip ko pa nga lang ang 6 months ramdam ko na rin na sobrang tagal naman ngang pahinga un… kalahating taon ang masasayang dibah… kaya pumayag na si papuch kahapon na mabawasan ng tatlong buwan un hehehe..

  3. sino ba ang ayaw bumalik ng pinas, naku kung marami lang akong anda, yun bang tipong mabubuhay na ako ng maayos for the rest of my life why not sa pinas eh kaya lang kung alang anda.. heck “NO” mahirap ang buhay sa Pinas, here kahit malayo atlis nabibigyan ko ng maayos na buhay ang family ko..ganun talga eh “life sometimes sucks but we have to deal with it”…

    Rhapsody: bakit kasi ang hirap ng buhay sa Pinas… i think we need to think of putting up a business in Pinas.. whatchathink?

  4. Pareho pala tayo. Hirap nito pag responsible tayo masyado, minsan nakakalimutan na natin ang sarili natin. Gusto ko na sana mag-asawa kaso I’m the eldest at gusto ko makatapos muna lahat ng siblings ko before getting married. Now, I’m afriad baka mahuli na ako sa biyahe. Tsk. tsk….😦

    Rhapsody: bait bait mo naman.. idol na kita tuloy niyan… ur sacrificing urself for your siblings’ future.. wow! they’re so lucky to have a sis like you.

  5. yupp life is miserable at work. hehe. paminsan minsan lang naman lalo na kung under stress ka with workload, environment, and your boss. pahinga na muna ikaw rhapsody. ayus yan. minsan lang mangyari ung ganyang pagkakataon.😉

    Rhapsody: magpapahinga muna talaga ako pero ayaw ko talaga ng super habang bakasyon. i hope the next one would be better and worthwhile😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s