Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Love & Relationship, Work & Work Hard

karibal ko si papuch


Dati iba’t ibang variety ng candy ang binebenta ni Papuch. Ngayon napunta siya dun sa gumagawa ng mga pambalot ng candy. Hay basta un na un! In short nalipat na siya ng departamento. Dalawang araw ng nagsisimula si papuch sa bagong division sa kumpanya nila.

Kinunsulta muna niya ako kung tatanggapin ba niya o hindi ang alok na iyon. Nung una ayoko sana. Bakit kasi siya pa ang napiling ilagay sa kabubukas pa lang na division na iyon ng kumpanya nila. Ayoko talaga sana kasi nga magiging kakumpetensiya ko siya. Although magkaiba pa rin ang level namin dahil kung sa iisang kumpanya kami, parang ako ang secretary at siya ang manager ko. Pero ganun pa rin, iisa lang ang mga taong iaapproach namin swertihan na lang kung sino ang piliin sa aming dalawa. Isa pa ayoko sanang tanggapin niya ang offer na iyon dahil kabisado kong kapag may malaking happening eh talaga namang kailangan niyang pumunta sa kung saan man dapat puntahan. At kapag dumami na ang kliyente nila magiging lalong sobrang busy niya. Eh di hindi niya na ako masyadong mapupuntahan sa oras na gustuhin ko. Pero kailangan niya ring tanggapin, naisip ko din maganda din sa ganitong field kasi additional experience din un. At mas malaki ang chances na in the future magamit niya ang experience na iyan.

Hindi niya kabisado ang mundong ginagawalan ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya pa ang napiling ilipat sa division na iyon. Natutulala ako kahapon kasi hindi ko mapagdesisyunan kung pagdadamutan ko ba siya o ibibigay ko sa kanya ang ilang importanteng impormasyon na pinaghirapan kong gawin para sa ikagaganda ng record ko sa kumpanya. Hayzz! Pero bakit hindi ko matiis?

Dahil mahal ko siya (naks) at para din sa ikauunlad namin un (teehee) kailangan ko siyang suportahan at traydurin ang kumpanya ko. Ooops hindi ko naman ipamimigay ang kliyente namin, ise-share ko lang ng konti ang ilang idea kung pa’no ba at sino ang mga dapat niyang i-approach. Basta sinabihan ko na lang siya na huwag na huwag niyang ipapaalam kahit kanino sa colleagueleague niya na tinutulungan ko siya. At hindi rin dapat malaman ng kahit na sino kung ano ang mga dapat na gawin at unahin para makalikom ng maraming kumpanya na bobolahin mo para maging kliyente. Mahirap din kasi un, dahil sa sampung nabola mo, kadalasan isa o dalawa lang ang hanggang sa huli magpapauto sa iyo. Pero kung naserbisyuhan mo naman sila ng maayos, maswerte ka dahil magsstick na sila sa iyo taon-taon o kada kailangan ka nila. Sabi ko rin kay papuch, hintay hintay lang siya. Anim na buwan na lang kasi matatapos na ang kontrata ko! Yahoooooo! At pagkatapos ng kontrata ko, todo-todong support talaga ang ibibigay ko sa kanya.

9 thoughts on “karibal ko si papuch

  1. syempre mahal mo si papuch kaya hindi mo matiis. dapat tulungan kayo sa mga bagay bagay para pagdating ng takdang panahon (tagalog na tagalog ah) pag kayo ay isinaisang dibdib na, hindi kayo nagdadamutan di ba. hehehe.

    Rhapsody: aminado ako sa aming dalawa ako ang madamot hehehe… nalunod nga ako sa lalim ng tagalog mo hehehe

  2. “Dahil mahal ko siya (naks) at para din sa ikauunlad namin un (teehee) kailangan ko siyang suportahan at traydurin ang kumpanya ko.”

    Eto ang best part dyan eh. Yiheeeee!😆

    Rhapsody: parang ngayon ko lang na-realize… ampanget palang pakinggan heheh… ok na ung simula sabay naging demonyita sa huling statement…

    parang gusto ko yatang i-rephrase…. hmmmmmnnnn…..

  3. Ay! Ahehe, medyo anghirap nga ng sitwasyon ano?🙄 Sabagay, diskarte na ng magkakumpitensyang companies yun; basta kayo, partners, as long as eka mo nga ay hindi mo naman ibinibigay sa kanya ang kliyente nyo na.

    Sa ganang akin, baka nga gawin ko pang magsakripisyo ng ilang kliyenteng sobra-sobra sa akin, in case na hindi aabot, let say sa isang given ‘quota’ ang mahal ko. Amf! nagturo pa yata ako ng mali ano?😳 (pero kinikilig ako)

    Anyways, 6 months na lang naman pala ang ipaghihintay nyo.😉

    Rhapsody: kinilig ka ba kuya? ahihihi…😀

    un nga nga ang sinasabi niya sa akin, anim na buwan na lang naman daw. normal naman daw un na kapag aalis ka kukunin mo ang mga importanteng kliyente para sa pag-alis mo ika nga eh may portfolio kang pinanghahawakan, may database na panlaban mo sa ikatatanggap mo sa susunod na kumpanyang mapupuntahan mo.

    kapag kliyenteng tinanggihan na namin o tinanggihan kami ibinibigay ko na sa knya… ndi ko rin siya natiis dahil nabigyan ko siya ng database na bago. kaya kumpetensya tlga itoh! depende nalang yan sa kanya at sa representative namin kung sino sa kanila ang mas convincing at mas matibay, siya ang magwawagi😀

    ang pinakaimportante lang dun ay wag nya ituro kung ano ang sikret ng aking pagreresearch😉

  4. oo nga ate my ang hirap nga ng iyong situasyones ever dyan.. yun nga lng may advantage yun lagi na kyo magkikita.. hehehhe..

    maging supportive ka na lng para sa future nyo..

    Rhapsody: ano’ng laging magkikita? ndi nga sistah joy eh… kasi siya pwede siyang magpagala gala dun sa venue, ako naman kasi sa opisina lang.

  5. …wow! what is love ang dating dito ah!nyahahah!
    ganyan talaga ang love give and take dapat…kaya kung saan kayo sabay magiging ok ni papuch mo..dun kayo. goodluck sa inyo bonnie and clyde!heheheh!

    Rhapsody: partner in crime? hhahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s