Posted in Events & Occasions, Foods, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Movies & TV Shows

eid mubarak


Eid kum Mubarak! Eid Mubarak to everyone! Mejo nakakabitin din ang naging holiday. Inimbitahan ko muna sana si ate Glo para ndi na-sandwich ang Huwebes at idineklarang holiday na rin ngayong araw na ito. Eh di sana nakapag-set ng schedule ng larga today. Ngayong Eid lang yata ako ndi nakapag-out of town. Hehehe…

Ahmmm para pala sa mga hindi nakakaalam… Eto pinakiusapan ko si wiki-friend para ipaalam sa inyo kung bakit ba ako naggigreet greet pa ng Eid Mubarak at ano nga ba ang ibig sabihin nyan.

Eid mubarak (Persian/Urdu: عید مبارک) (Arabic: عيد مبارك‎) is a traditional Muslim greeting reserved for use on the festivals of Eid ul-Adha and Eid ul-Fitr. The phrase translates into English as “blessed festival”, and can be paraphrased as “may you enjoy a blessed festival”. Muslims wish each other Eid Mubarak after performing the Eid prayer.

Eid refers to the occasion itself, and Mubarak is ‘may it become good for you’.

Anyways, ang plano naming magtotropa na mag-overnight sa Al Ain ay lumabo at tuluyang ndi natuloy. Ang sabi daw kasi bawal na ang overnight sa Al Ain. Totoo ba un? Kung kelan pa naman bumili na ng tent si papuch. Obviously excited siya kasi ngayon lang mangyayari na madami kaming aalis. Previous years kasi kundi kaming dalawa lang, tatlo o di kaya apat lang kami. Ngayon pa naman na dalawang truck kotse sana kaming mamumundok sa Al Ain, ngayon pa hindi natuloy. I’m sooooo disappointed. Mejo lang naman. Wala na daw kasi budget at sa haus na lang daw kami magluto luto. Merong nagplano na lang na mag-safari kasama ang iba nilang friend. Isa pa hindi na rin kami natuloy dahil si youngBro ko nagkasakit. Tatlong gabi (night shift eh) siyang hindi nakapasok dahil nilalagnat at namamaga ang tonsils. Kaya sabi ni papuch kahit ang gusto niya matuloy kahit kaming tatlo lang kung tumanggi nang sumama ang iba, hindi na rin possible kasi nga may sakit si youngBro. Merong nasa bahay lang at maghapong nanood ng movie. Kagaya ko heheheh… Nanood lang ako ng movie. At pati ba naman pag-alis ng bahay, sine ang pinuntahan. Eto kasing si papuch gusto niya daw mag-unwind thru watching a movie sa sinehan. Kaya go kami sa Hyatt at pili-pili ng panonoorin. Expected niya showing na ang Warlords (Jet Li) na parang luma na yata pero hindi pa pala bwahahaha. So si youngBro ang nagsuggest na panoorin na lang ang Death Race (Jason Statham). At syempre nag-enjoy naman kami ng sobra. Ayos ang stunts mejo natutulala lang talaga ako at di ko ma-imagine ang possibility na mangyari un in the future.

Napansin ko pa mukhang nadehado ako sa dalawang lalaking kasama ko. Kasi halos ako lang umubos ng mga pagkain. Ang Nacho ako ang kumain ng kumain. Ang crepes kung hindi ko pa sila sinasabihan na, “cge na kunin mo pa ung isa“, “uy cge na sayo na un“, malamang nasuka na ako sa kabusugan. Mabuti na lang marunong akong mag-acting na kunwari tampo na ako kay papuch kasi ayaw akong tulungang ubusin ung food. Ndi sila nasarapan sa crepes ako lang, kainis.

6 thoughts on “eid mubarak

  1. Eid Mubarak! Mylene, parehas pala tayo walang gimik ngayong Holiday… mga nag inarte yung mga kasama namin kaya di na rin natuloy! Haaayyy! sayang ang holiday.

    Rhapsody: super nanghinayang talaga ako. mabuti na lang nanood kami sine kung ndi parang wala lang ang Eid holiday na itech.

  2. Tapos na pala ang Ramadan, yung kakilala kong Muslim magpapakasal na bukas. Tinapos lang daw talaga ang September.

    Eid Mubarak!😆

    Rhapsody: yep tapos na po… talagang fasting sila pala kahit kasal inuurong pa🙂

  3. …hay naku, kaya nga kame nung eid, nagparkhopping lang!nyahahah! safa park…
    …sayng di pa natuloy EB natin!

    Rhapsody: kami naman emiratehopping ehehhe.. syempre unang una ang Dubai, dahil nakailang balik kaming satwa, al baraha at ghusais then satwa… tapos Sharjah, RAK at UAQ. kapagod pero bitin din.

    dibale marami pa naman next time para sa EB!

  4. Kahit ano pang gimmick o di ba quality time? Eid ang panahon para magpakabundat para makabawil sa forced fasting para sa ating mga hindi M. Mejo me hangover pa nga ako sa Ramandan wahahaha.

    Rhapsody: aun pa rin kasi nakapagpahinga tlga ng bonggang bongga! ako naman still wishing na ma-extend ang Ramadan timings hahaha kahit lam ko namang imposible.

  5. ang mas masaklap jan, mahaba na ulet ang office timing😮 awts!

    Rhapsody: hay naku, un nga ang nakakasama ng loob. matapos tayong sanayin ng isang buwan maaga ang uwian, ngayon binabalik na naman sa dati.😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s