Posted in Foods, Life, Random Thoughts

chopseuy


Dibah ang sarap sa feeling kapag pinuri ang niluto mo? Lalo na sa katulad kong hindi naman talaga marunong magluto, at nagdudunung-dunungan lang. Maraming beses akong sumablay at sumasablay pa rin sa pagluluto. Kasalanan ng mudra ko hindi ako tinuruan magbukas ng gasul at magluto! Tinuruan lang ako kung pa’panong masanay na tuwing umaga na handa na ang baon ko at ilalagay ko na lang sa bag. At syempre kumain. Ganun kasi mag-asikaso ang mudra namin, kaya lumaki kaming (o ako lang ba?) sobrang dependent sa kanya. Kaya naman matanda na nung matutong magbukas ng kalan, maggayat ng gulay, at magluto.

Okay, okay humaba na masyado ang kwento. Ang gusto ko lang naman sabihin – naiinspire ako kapag pinupuri ang luto ko! Heheheh. Nung bago palang kasi ako sa disyerto parang naiinis yung iba sa akin. Di naman lahat, un lang mga di ma-gets kung bakit sa edad kong un eh di pa rin ako marunong sa gawaing-bahay. Itapon ko na lang daw ung niluto kong champorado este sinangag. Kasi daw sobrang alat saka mukhang champorado sa sobrang daming toyong naibuhoslagay ko. Eh first attempt ko nga un ng pagluluto ng champorado este sinangag! Reklamo pa sila buti nga binibigyan ko sila! Anyways, nagtiis na lang akong magluto ng itlog, noodles at hotdog. Pati yang hotdog na ‘yan ndi ko pa maperfect. Sunog na kasi sa labas pero sa loob hilado pa daw? Eh kaya naman pala ung apoy kasi pasaway masyadong malakas. Hmmpppfff!

Kaya kapag nagdadala ako ng baon sa opis kahit pa pritong itlog ayaw nilang pansinin, kasi parang galit daw ako sa asin. Pero after more than a year, ha! Ano’ng akala nila lagi na lang ganun? Paminsan-minsan napupuri na nila ang luto ko. Pero paminsan-minsan sablay pa rin.. kung ndi masyadong napalambot ang beef, o mejo napaalat ng konti (konti lang naman), tumabang o umasim. At least alam ko na ang gagawin, kahit hindi kaharap ang kodigo ko. Hindi ko na alam kung saan ko inipit ang mga kodigo ko (recipes hehe), simula ng naglipat kami ng naglipat nahalo na sa mga nakatagong papers ko.

Ok so humaba pa lalo ang kwento. Ang gusto ko lang naman sabihin ay – naiinspire ako kapag pinupuri ang luto ko! Heheheh. Actually, nung isang araw kasi nagluto ako ng chopsuey. Lagi naman akong pa-cham eh. Pero napapansin ko madalas sarap na sarap sila sa chopseuy ko. I don’t even know kung tama nga ang timpla or whatever. Kasi pag nagluluto ako hindi ko alam kung bakit kapag tinikman ko ndi ko masabi kung tama na ba o may kulang pa. Kinakailangan ko pang kalabitin ang friend ko para ipatikim sa kanya kung pwede na. So nagluto na nga ako ng chopseuy, at ibinaon namin sa opis.

Lunchtime, ahem ahem… syempre pa masarap daw kaya nakikain na rin sila sa baon ko. Pag-uwi ko naman ng bahay after ng work, maya maya dumating na rin si L. Nagkukwetuhan kami nun at mejo natahimik na kami. Mayamaya biglang nagsalita…”ang sarap ng chopseuy!!!” sumabat din si A at naki-ayon. Syempre ngiti lang ako sabay naisip ko na isa yan sa lulutuin ko pag-uwi ko ng Pinas. Ipapakita ko sa kanila na Ako, si Rhapsody na hindi marunong magbukas ng kalan noon, ngayon hindi na pwedeng ismolin kasi nakakapagluto na ng chopseuy! Nyaks! Ang babaw ng kaligayahan ko noh bwahahaha!

20 thoughts on “chopseuy

  1. wow.. kurak k dyan ate my.. msarap tlgang pinupuri ang luto.. hay sarap ng chapsuey..

    grabe malaking gutom ni miss a at miss l.. lasang lasa nila luto mo.. hehehe

    Rhapsody: nyay! baka nga sa sobrang gutom lang nila noh kaya nasarapan bwahahahah

  2. masarap ang chop suey!

    im a kitchen girl. ako nagluluto sa amin. pero never ever mo ako mapapagsaing. hahaha. kahit rice cooker ang gamitin ko, sablay pa din.. hehehe..

    blog hopping..😉

    Rhapsody: seryoso? kahit rice cooker? hmmmm kasi ako di din marunong magsaing, pero rice cooker marunong na hehehe.. noon ndi din eh.. bwahahah

  3. Mukha naman masarap sa picture… he.he.he., Sige patikim nga! Congrats pala, naabot mo n pngarap mong mag luto ng chapsuey…

    Rhapsody: ndi po yan ang niluto ko, ninakaw ko lang yan sa internet. syempre mas mukhang masarap un luto ko jan hahahah!

  4. wow me green peas pa ang chopsuey…basta pag nakalipat na ko ng bahay magluluto na rin ako dito…right now kasi batang turo turo pa rin ako araw araw….

    bago na link ko ha…paki update..salamat

  5. Chopsuey… peborit ko yan (next to bicol express at kare-kare).

    Sabi nila, “practice makes perfect.” Si misis ko man, hindi rin naman gaanong magaling magluto nuon. Mahilig syang mag-imbento — tawag nila ng mga in-laws ko ay “sinarobot” (maski anong luto na pinaghalu-halo). So eun, gumaling din.😉

    Ako man, gusto kong mag-aral magluto.😛

  6. Hay naku! Totoo talaga na talap ng feeling pag pinupuri luto mo. Parang gusto mo pagluto ang buong baranggay! Nyahaha! Wala din nagturo sakin magluto, pero ngaun in fairness ok na ok ako sa kusina (burara pa rin sa bahay! LoL), so much so na pinagyayabang na ako ng in-laws ko sa kung sino mang mokong na makausap nila. Flattered to teh max naman si lola! LoLs!

  7. Good morning, rhapsody! Great post, ahahahaha!

    Maaga akong tinuruan na magluto… pero ewan ko ba, hindi talaga swak sa panlasa ng iba (at ako mismo) ang mga niluluto ko. So I stopped na. Nagsasayang lang ako ng gasul at ng mg ingredients.

    Something’s wrong with me. Waaaaaaaa!

    Buti ka pa, napupuri. Ako… buti na lang nice yung mga brothers ko. Minsan, nagluto ako ng sopas, sabi nila, masarap daw. And then, sabi nila, dagdagan lang ng paminta kasi nakalimutan ko maglagay. Sabi ng isa kong brother, siya na lang daw magdagdag para mag-rest na ako. Pero hayun, nakita ko, madami pa siyang idinagdag! waaaa talaga.

  8. uy congrats nakapagluto ka na ng masarap! patikim din ako pag nagkaron ng pagkakataon makapunta jan. hehehe. tuluy tuloy na yan rhapsody hanggang magkaron na u ng family na sarili u.

    Rhapsody: sureness my friend! punta na agad dito para maipagluto kita, magbus ka na lang saudi ka lang naman dibah hahahaha.

  9. gustong gusto ko yung feeling na nagluluto. ke puriin o ikutya, wala akong pakialam. basta gusto ko magluto hehe…

    Rhapsody: aus un ah.. ako kasi pag pinintasan ang luto ko… hala bahala sila magluto hehehe.

  10. pers tym kong mapadaan!!hihihi..

    ayayayyy!!..hindi pa ko nakakaluto ng chopsueyyy pro marami akong alam na lutuin gaya ng pritong talong, pritong isda, pritong itlog, pritong baboy, pritong chicken at kung anek anek pang mga prito..hehehe syempre magaling din akong magpainit ng tubig para sa kape..oh di va!..hehehe..

    ok lang po bang pa-add?..shokran!..

    http://www.muymuy.wordpress.com

  11. yan ba mismo ang niluto mo? practice makes perfect. linggu-linggo, magluto ka ng chopsuey! LOL!! tas sunod na linggo, iba naman. ganyan din ako nung bagong salta dito. pero ngayon, piece of cake na lang. ahhahaa!! keep it up! pwede ka na mag-asawa! mwehehhehehe!!!

    Rhapsody: nyay! ndi po yan un hehehe.. pero kahawig, same ng mga sahog hehehe… di ko na nakuhanan ng picture eh kasi kinain na agad hehehe… ako laging parang frist time kapag magluluto.. hehehe

  12. ai pebolit ko yan! pano yan? haha. hanggang ampalaya lang yata ako..😐

    Rhapsody: pebolit mo nga yan? pag magkasama na kau ni sommer sa flat, bisitahin ko kayo at ipagluluto nyan… naks! i;ll be the cook… ng chopseuy lang hehehe… uy ampalayang may itlog, tsalap nun lalo na kung di masyado mapait.

  13. katakam naman niyan.. parang ang daming lahok…
    actually mahilig ako sa pagkain.. gusto kong magkaroon ng kaibigang magaling magluto at dahil sabi ng iba na masarap kang magluto, candidate ka na pong maging bestfriend ko.. ahehehe… ako eto, tulo laway.. cheers;p-glesy the great

    Rhapsody: oo nga yang nasa picture, pero ndi yan ang luto ko ha… ninakaw ko lang yan. pero un niluto ko madami ding sahog, ganyan na ganyan tlga ang hitsura, no kidding.

    lam mo mejo binobola lang cguro ako nugn mga un… di naman ako mahusay magluto, pa-cham lang talaga.

  14. katakam naman niyan.. parang ang daming lahok…
    actually mahilig ako sa pagkain.. gusto kong magkaroon ng kaibigang magaling magluto at dahil sabi ng iba na masarap kang magluto, candidate ka na pong maging bestfriend ko.. ahehehe… ako eto, tulo laway.. cheers;p-glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  15. hahaha! i know what you mean, ganyan din kami sa bahay. i only really learned to cook when i went abroad to study😉

    Rhapsody: kung ndi natin talaga i-aapply ang isang bagay na hindi pa natin nagagawa, ndi natin makikita kung maganda ba o hindi ang magiging resulta… well hopefully maging good cook tayo in the future.. or baka ikaw good na ako laging novice lolz.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s