Posted in dubai adventures, Life

earthquake daw in Dubai?


this is just a quick post.

tumawag kasi si papuch, kinansel ko ang tawag niya para tawagan siya using office phone. gulat siya bakit daw nasa office pa ako. kasi halos lahat na daw ng tao pinauuwi na sa mga bahay. Un daw ay dahil may lindol sa Dubai.

Hindi ako basta basta naniwala. Chinika ko muna sa mga kasamahan ko. PAgkatapos tinignan ko sa mga online newspapers eh wala naman eh. Tawag ulit si papuch sabi ko wala naman akong nababalitaan ganun. Sabi niya baka daw hindi pa alam sa amin pero ang alam niya ang mga empleyado daw sa Sheiks Zayed Road pinauuwi na.

Tumawag ang ka-trabaho ko sa asawa niya. Taga-SHJ sila. Ayun ramdam na ramdam daw pala sa kanila. At ang earthquake daw ay sa buong Emirates. Katakot! Bumaba na nga daw sa building ung mama niya karga ang baby niya.

Bakit ba nakarating na dito yang lindol na yan. Bagyo at lindol pa naman ang nakakatakot mangyari sa UAE. Tingin ko kasi sa mga construction dito kahit ano’ng ganda ng mga building eh parang hindi maganda ang pundasyon. Yun bang feeling mo eh pag bumagyo, babaha na agad dahil walang maayos na drainage system. Para bang pag bumagyo eh malulusaw na lang ang mga building at pag lumindol naman, magigiba na lang bigla mga building. Hay sana tumigil na ung lindol.

Bukas malamang dun ko pa lang mababasa sa mga newspaper un…

8 thoughts on “earthquake daw in Dubai?

  1. …lola, di mo nafeel? grabe malakas kaya..tawag nga agad ako jmj (hindi din nya nafeel e) kame nga amo ko, di magkandaugaga kung saan punta…brrr, wag na sana maulit…katakot!=(

  2. padaan at pa comment po,
    valid yung concern mo kasi i heard pag sa south east asia lumindol okay lang dahil matibay ang mga foundation dahil nga expected na anytime may lindol pero kung dyan, baka hindi masyadong pinaghahandaan at konoconsider sa construction. Magkaiba daw tayo ng building code pagdating sa construction.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s