Posted in dubai adventures, Life, Random Thoughts

bagong bahay


Ang pangpitong bahay na natirhan ko sa Dubai ay isang studio flat. Malamang dalawang taon na rin ang building na iyon dahil pansin ko sa mga bagong studio flat na itinatayo ay open lang ang kitchen. Walang pinto, bahala ka na dumiskarte kung pano mo ihihiwalay ang kusina sa kwarto. Pero dahil nga parang hindi luma at hindi rin bago ang building, may pinto naman ang kitchen at gumagana naman ang mga exhaust fan. Ang sarap na sanang magtagal dito pero kung sakaling dumating ang isang araw at naglipat na naman kami iyon ay dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  • Ang mahal ng renta hiwalay pa ang charge sa DEWA. Kung hindi lang talaga naging biglaan ang paglipat hindi kami lilipat jan eh, pero napilitan na rin. Na-consider na lang din namin na sariling sarili namin ang cr at kitchen, walang ibang gagamit kung hindi kami lang. Walang magsasabi na bawal ang magtoothbrush sa kitchen sink. Walang kakatok sa pinto habang naliligo ka pa. Walang magrereklamo sa washing machine. Walang magpaparinig ng kung anu-ano. Ginagawa na lang namin kalokohan ung pagpaparinig ng dating kapitbahay. Pag may nagtu-toothbrush sa kitchen, isa sa amin ang magbibiro at sasabihing, “Abah! Bakit jan ka nagtutoothbrush? Sa cr lang pwedeng magtoothbrush! Di mo ba alam na jan natin nilalapag ang mga pagkain na lulutuin? Kaya dapat laging malinis ‘yan!” O kaya naman pagkatapos naming magluto, aakma akong kunwari itatago ko ang patungan ng lutuan. Ganun kasi ang gawain nung MK eh hahahaha!

  • Maliit lang ang flat. Nung una kaming pinagtagpo-tagpo sa bahay ni KuyaR na madaming salamin. Sarap dun kasi may dalawang malaking cupboard. Sa akin napunta ung isa dun. Tapos may maliit na hall pa na ginawa naming washing/dining/living room. Andun na kasi ang washing machine, dining table, tv at ung isa pang ref. Dalawa ang ref namin sa bahay na iyon. Kaya ako nakikilagay ako sa dalawang ref hehehe. Mag-isa pa lang kasi ako nun at hindi pa kami sharing sa expenses. And then, dahil nga sa mga issues din about rent kaya lahat kami umalis na sa bahay na iyon. Nahiwalay lang sa amin ay ang mag-asawa. Gusto nila kaming isama sa nakuha nilang Villa na pauupahan nila kaso napakalayo na para sa amin kaya kami kaming mga single na lang ang nagsama-sama. Ayos lang din ang laki ng nalipatan namin, sobrang luwag ng cr. Nagkaroon din ng problema kaya napunta sa lugar nila MK na lumiit na ang room, pati mundo namin lumiit din. At nagka-problema kaya napadpad nga sa flat na ito na mas lalong lumiit ang space. Mabuti na lang at may balcony kaya un ang ginawa naming tambakan at sampayan.

  • Malayo sa trabaho at ma-traffic sa lugar na iyon. Wala ngang choice dibah. Napalayo ako ng sobra sa pinagtatrabahuhan ko. Kung dati wala pang 30 minutes nakakauwi na ako ng bahay, ngayon abot isang oras bago ako makauwi depende sa traffic. Sa ngayon mejo ma-traffic ng konti salamat sa Ramadan, pero pagkatapos daw ng Ramadan mas magiging ma-traffic. Wag naman sana! At dahil binuksan na ang isa pang Salik gate sa Maktoum, aun naglipatan na sa ruta namin ang ibang umiiwas sa Salik!
  • Madaming barbie’ng buhay na buhay sa hatinggabi. Barbie kasi ang cute ng mga porma ng mga Kenyan eh, curly curly pa ang buhok, tapos uber makeup plus amoy na amoy mo talaga ang mga pabango nila. Kapansin-pansin pa ang naglalakihang ass at hips nila. Ewan ko ba kung bakit sa gabi mga gising sila. Madaling araw nga kami inabot sa paglilipat dibah, hala natapos na kami’t lahat sa pag-aakyat ng mga gamit eh sila mga kalalabas lang ng bahay, ung iba naglalakad, ung iba sinundo ng kotse, ung iba nakatambay sa gilid ng kalsada, meron namang pagdaan mo sa pinto ng flat nila dinig na dinig ang malakas na sounds. Other than that, ayos lang naman sila kasi wala naman sila ginagawang masama sa amin, napansin lang namin. Natuwa pa nga ako dun sa isa na napatingin sa akin, sumenyas siya na ang dami naman daw naming gamit! Dapat pala ndi ko ito isinama sa mga dahilan ng paglipat namin😉

Iniisip ko lang kung sa’ng bahay kaya kami magpa-Pasko. Sa studio flat na iyan o sa iba? We are considering to get in touch directly to a Real Estate company, ibibigay daw nung kapitbahay namin para mas mura daw ang rent. Dumaan kasi kami sa agent kaya ang laki laki ng binayaran namin. First time sa lugar na iyon eh. We’ll get there eventually. Pero sa totoo lang pagod na pagod na ’ko sa paglilipat!😀

11 thoughts on “bagong bahay

  1. hay naku, i know exactly what you mean; the flats in tokyo are miniscule too! as in ang sikip! at oo, problema din namin ang storage space dito. pero travel is convenient because of the good metro/subway system. pero rent costs the earth!

  2. @gmacomics – sana nga pero sa ngayon handa pa akong magtiis kahit malaki ang renta kasi ramdam ko pa un pagod sa paglilipat eh hehehehe….

    @caryn – really ganun din pala sa tokyo? masarap pero mahirap mamuhay sa ibang bansa…

  3. hay swerte lang ako dahil ayos ang flat namin dito…Kaya lang pinag-gigigiba na nila ang mga lumang residential buildings sa area namin (di naman masyado luma ang building namin pero pag samin na lang naiwan…tiyak gigibain din nila un)…sana pagdating ng panahong yon la na kami dito…nyahahhaa!

  4. Ang swerte ko,malilipat ko na yong bahay ko na matagal ko nang pinangarap sa buhay ko. Eto ako ngayon next week nasa masion na ako. Wow sarap ang feeling pag sarili mo na ang bahay na titirahan mo. At sa inyo Gudluck din and God Bless!!!!

  5. we have the same experience here in dubai. in a matter of 6months this 2008, naka 4 na lipat kami pwera pa un mga previous lipat namin last year because of the rental issues as well as the baladiyas. ngaun eto na naman kami at maglilipat dahil sobrang manamantala ang mga sarili pa nating kababayan sa pagtataas ng renta ng mga haws. sa ngaun, we are renting a partition in a flat here in burdubai and due to increase next year, magiging almost 3thou dirhams na ito!!!!it’s not worth it kaya wala choice kundi lipat uli. ang mga pinoy dito sa dubai ay parang nagririgodon lang every end of the month!para rin larong “open the basket” kung saan naguunahan tayong makahanap ng haws na hindi okupado!hay buhay dubai!

    Rhapsody: since i arrived in Dubai… masaya na akong nakaranas akong matigil sa iisang studio flat ng isang taon. pero pagkatapos ng isang taon aun na nga wala ng katapusang paglilipat. sa ngayon hahanap na naman kami kasi para kaming mayayaman na tig-sanglibo mahgit ang hatian sa renta. grabesh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s