Posted in dubai adventures, Life, Random Thoughts

Patsy, Patso at Pera ni Maldita


GOD is really good! Hindi na namin inaasahan na magbabalik pa si Patsy sa Dubai. Hindi na rin namin inaasahan na kokontak pa sa amin un lalaking jowa daw ni Patsy na pangalanan ko na lang na Patso (lolz). Last Thursday tumawag si Patso at ibinalitang dumating na sa Dubai si Patsy. Pinagsabihan niya din daw si Patsy na sana ay hindi siya gumawa ng ganung problema sa amin. Sinabi niyang kapag hindi pumayag si Patsy na ibigay sa amin ang pera, tawagan lang daw siya para masamahan kami kung saan man si Patsy (cguro kung san nakatira ganun).

Dalawang beses nung umaga ko siya sinubukang tawagan pero hindi niya sinasagot. Nung hapon na wala na akong ginagawa, naalala kong tawagan ulit siya. At nakausap ko na nga si Patsy. Pormal lang ang boses ko. Ang sinabi ko lang sa kanya ay “Ano’ng nangyari?“ tanong niya kung nasaan ako. Siguro ang akala niya nasa labas ako ng kumpanya nila hahaha baka naibalita ng carlift at kasamahan niya sa trabaho ang tungkol sa pagtawag ko asking infos about her or where she’s working. Ang sagot niya “Nasa ospital kasi ako eh.“ Tinanong ko na ang tungkol sa deposit namin. Ibabalik niya naman daw iyon. Kataka-taka dahil wala na sa boses niya ang tonong kulit na kulit sa akin, ganun kasi siya noong sinasabihan namin na babawiin na ang deposit eh. Napakababa na ng boses niya na parang aminadong may kasalanan siya. Sinabihan kong sana nakinig siya sa amin nung kalagitaan pa lang ng buwan para hindi na umabot ng ganun kalaki ang problema.

May iba pang issue siyang sinabi tungkol sa DEWA na binayaran namin nung gabing umalis kami. Hindi daw kami nagbayad, un daw ang sabi sa kanya. Syempre sinabi kong bayad na kami dahil yun ang totoo at iniabot namin sa asawang Pinay na Maldita nung Ehipto. Tinawagan ko si Malditang Kapitbahay at itinanong, dami kong paliwanag tungkol sa sinabi ng may-ari. Maya maya tumawag na si MK, wag ko daw sasabihin na nasa Dubai na siya, at wag ko daw sasabih na asawa siya ni EhiptoHmmmn….

May issue? May itinatago? Sino kay Patso at MK ang sincere ang pagtulong sa amin? Sino ang hindi pumapayag na walang makukuhang interes kahit isandaang dirham?

Nabanggit kasi ni MK nung gabing paalis na kami na si Patso daw malamang ay may nakuha sa deposit namin. Pinaghatian daw iyon ni Patsy at Patso dahil si Patso daw ay hindi payag ng walang kinikita kahit isangdaan dirham. Nagtataka pa ako kay MK. Bakit ayaw niyang ipaalam ko kay Patso na nasa Dubai na siya? At bakit ayaw niya ding mababanggit ko kay Patso na asawa siya ni Ehipto? Ito lang ang nasabi niya na sa aming dalawa na lang daw, pero dahil naisulat ko dito hindi lang ako ang nakakaalam na ngayon, anyway who cares? Di nyo naman siya kilala eh😀 Nagkaron daw sila ng issue dati dahil nung tumira si Patso sa kwarto nila hindi daw nagbayad kaya hangga’t maari ayaw niya ng makita si Patso.

Ask ko siya, sabi ko “Dibah andito ka na sa Dubai nung pumupunta dito si Patso?”Ang sabi naman niya “Sinadya ko talagang umiwas sa kanya at hindi magpakita.” Napuna ko ung eyeballs ko parang tumaas at napaisip. Eh haller! Kung may atraso sa kanya si Patso sa pera, hindi ba ang dapat nga ay harapin, kausapin at singilin niya? Gaya ng ginagawa ko kay Patsy. Eh bakit siya na hindi binayaran, bakit siya pa ang kailangang umiwas at hindi magpakita? Well, well, well, seems like kaya cguro sinabihan ni Ehipto na hindi pa kami bayad ay dahil nasa bulsa na ni MK ang kadatungan? At ngayon ay si Patsy na lang ang sisingilin niya para naka-safety na sa mahiwagang bulsa niya ang kinita niya. Sinabihan ko kasi si Maldita na ganito, ganyan kasi ang computation na sinabi nung mismong may-ari eh bakit ngayon ganyan bigla? Ang nasabi niya lang ay tatawagan niya daw ako at itatanong niya daw dahil baka iba ang ginawang computation. Hmmmnn… MK, MK, huwag masyadong selfish at mukhang pera.😀

9 thoughts on “Patsy, Patso at Pera ni Maldita

  1. ate my… tlgang god is good all the time.. paki add hehehe..

    Rhapsody: nakulangan ba ako heheheh… sabagay totoo ngang palagi naman siyang good eh binibgyan nya lang tayo ng kapirasong trials.

  2. ..hay naku, welcome to dubey..bat nga talaga ang mga tao nagkakasira dito noh? totoo nga siguo…dubai ang bagong sin city…haaaayyy!!=(

    Rhapsody: sin city middle east edition nyahahaha…

  3. hala! tuloy pa rin pala ang drama dyan

    Rhapsody: ewan ko nga ang gulo kasi nila eh! but anyway sinabihan ko si Patsy na wala siyang pwedeng ibawas sa dineposito namin, oo naman daw kaya un lang kailangan ko lang siyang madalas tawagan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s