Posted in dubai adventures, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Random Thoughts

moving on


“Alam mo naiinis nga ko sa sarili ko ang babaw ko tlga. Aba naluha na naman ako kanina, naisip ko kasi parang kawawa naman tayo. Hay! Pakisampal na nga ako mamaya para maka-move on naman ako.” – Rhapsody

Na-email ko lang sa friend kong si A yan kahapon. At ewan ko ba dahil pagkabasa ko ng reply niya naluha na naman ako. Pwede na talaga akong maging dramatic actress napakababaw kasi ng luha ko eh. Isipin mong sa mga words lang pwede na akong maiyak. Umiyak ako sa mga comments at email na nareceive ko. Naiyak dina ko sa text ni Mudra na wala naman sinabi kundi ang palakasin lang ang loob ko.

“Wag kang mag isip ng ganun. Part of life lang naman talaga ug struggles diba. Isipin nalang natin na may mga taong mas mahirap pa ung situation kesa sa atin. Ung pera, mahahanap yan, mapagtatrabahuan yan. Kesa wala tayong problema like sa bahay or something but may sakit naman diba? Ganun lang un, think positive lang tayo palagi. Cheeer up lang, may tfc na tayo soon, yan at least may libangan tayo diba.” A

Pero tama naman lahat ng sinabi nila at ninyo. Part na talaga ng life ung mga dumadating na struggles sa buhay natin. Maswerte pa nga kami dahil hindi kagaya ng ibang tao na kalye ang nagsisilbing bahay nila. Ang iba naman dahil sa kawalan talaga ng pera, basura ang hinahalungkat para pagkakitaan. Mas worst pa, ang iba basura ang hinahalungkat para duon kumuha ng pagkaing ibinasura ng iba. Maswerte pa rin kami dahil tinulungan kami ni God na makahanap agad ng malilipatan ora mismo ng gabing iyon. Noong huling beses kasi na naghanap kami ng bahay, isang buwan ang itinagal wala kaming nakitang pwedeng paglipatan. Maswerte pa rin kami dahil si friend na nagsabi ng mga salitang ‘yan sa itaas ay may natatagong pera para ipang-abono muna sa lilipatan naming bahay. Paano kung wala? Move on na Rhapsody, “kalimutan na ang mga pangit na pangyayari at ipagdasal na lang sa Diyos ang lahat” Rhap’s mudra

8 thoughts on “moving on

  1. ayan, umatake na naman si problema. tsk tsk…

    nakakalungkot nga at depressing sa pakiramdam ang nangyari sa inyo…there’s a reason behind it and kahit na ganun diba may paraan pa rin naman? kaya mo yan sis, pagsubok lang yan.🙂

    Rhapsody: hay pagsubok! pero parang nakakakita na ako ng liwanag!😀

  2. Hayyy naku…ganyan naman talaga pag sobra ang stress mo…bigla ka na lang maiiyak. Pahinga lang yan…Muwahhhh!!!!

    Rhapsody: hay oo nga pero parang talagang nakikita ko na un liwanag.. after all these struggles…🙂 and i’m really happy!

  3. move on na nga, kapatid. okay lang din na umiyak, kasi nakakabawas yun ng bigat ng loob. basta isipin, something much better is in store for you. isipin mo rin na isang phase lang ng buhay yang nangyayari, kailangan pagdaanan at malalagpasan din.🙂

  4. Ahehe, ganyan din kaya ako — mababaw din ang luha, sing-‘babaw’ (daw) din ng kaligayahan.😛

    Tama si mudra… yung hindi na ubrang baguhin at solusyunan, hayai na lang (just charge it to experience).

    Hmm…🙄 …punta ka kaya sa “Isang ikot” ko?😆 (CLICK mo lang yang yellow green na screen neym ko)

  5. ang ganda naman ng blog mo, tama ung nagtxt sayo, lahat naman talaga ng problema nalalagpasan, kailangan mo lang maging matatag at manalangin sa panginoon. after naman yan advantage pa rin sayo kasi lumalakas ka bilang tao…

    Merry Christmas..
    Rhapsody: thank you!😀 korek ka dun! napapatatag din ako ng mga pagsubok.. naks! hehehe…

    merry xmas & happy new year!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s