Posted in dubai adventures, KaPamilya, KaPuso at KaBerks

toma


Bago magsidatingan ng sabay sabay ang mga problems ko nitong nakaraang mga araw. Nakapagpalamig pa kami. Nagtreat ang isang friend ko dahil nga super tension na lang daw lagi ang nararanasan namin sa haus dahil kay malditang babaeng kapitbahay namin. Go kami sa Irish Village dahil gusto niya daw mag-inom. At ako naman dahil mejo war kami ng konti ni papuch nung gabing un payag naman din ako na punta kami para mag-inom, thinking na kakayanin ko uminom ng marami hahaha!

Wala na kaming pwesto pagdating namin. Nagpaikot ikot muna kami hanggang sa napansin kong tumayo ung couple. Syempre, pwesto na kami. Order ako ng beer, pero kalahati lang ang nakayanan ko wahahaha… sumunod nag-Bacardi na lang ako. Super hina ko na talaga uminom. Sobra na rin kasi ako sa pula at ramdam ko ng mejo nahihilo na ako. Di kagaya ni Sommer na ilang pitchel talaga ang tinotoma hahahaha. And speaking of Sommer, sinasabi ko na nga ba na ikaw ang nakita ko sa Irish Village kasama si jmj. Di ko masyadong natitigan kung ikaw nga un pero dahil nabasa ko nga sa blog mo eh sure na ako na ikaw nga un!

After mag-Irish Village nagtake out kami ng cappuccino at nagpa-hangin sa beach… sarap na sanang matulog nun pero dahil nasa labasan pa kami ayun tag-puyat kami. Kinaumagahan, tindi ng sakit ng ulo at nasuka pa ako. Buong araw masama ang pakiramdam ko. Kaya ayoko na talagang uminom!!!

8 thoughts on “toma

  1. …lola!!! as in nandun ka? bat di mo ko tinawag? bat di mo ko tinxt? dun kame nakaupo sa me malapit na sa lake..kaw ba? ilang pinoy lang nakita ko dun ah. mali nga ako, di kita naitext na magkikita kame ni mumu (sana 2 kayo nanlibre sa akin!bwahahaha!)…nakita mo jmj? gwapo ba?nyahahaha!
    bat ka nakabacardi? bat di ka nag irish beer…sayang, lunod lahat problema mo sa irish beer!tsk!..sus, sanayan lang yan.nyahahah!

    Rhapsody: ikaw nga un! dun na kayo malapit sa cr dibah? nag-heineken ako nung una kaso di ko na talaga kinaya, nag-order na lang ako ng bacardi. pero pangit ng epekto sa akin ng dalawang magkaibang drinks sabay nagkape pa hahahaha.

    nahiya na ‘ko lumapit o iconfirm kung ikaw nga ba tlga un nakita ko that night. pero parang feeling ko ikaw tlga un nung nakita ko si jmj bwahahaha… oo naman gwaping si jmj. oo mga ilang grupo lang ng Pinoy ang nandun puro malalapit lang sa pwesto namin. mejo napalayo na kayo sa grupo ng mga pinoy eh. nyahahah im sure nababasa mo naman sa blog ko na di na ako malakas sa tomaan baka kayo nakakarami na ng inom, ako naman nakakarami ng punta sa cr bwahahaha!

    at eto pa ang nakakatawa, feeling ko ikaw un nakita ko sa NBD kaninang umaga???

  2. waaaahhh..nasa isang place kayo ni sommer at the same time tas hindi kayo nagpansinan????

    wahahahaha…

    di bale marami pang next time…

    Rhapsody: hahahah! kasi baka deadmahin ako bwahahaha…

  3. ..fotah!! ako nga yun!!! nasa nbd ako kanina…sinisimot laman ng account ko.joke!!nyahahahaha!! kinawayan ko pa yung crush kong teller! nasan ka dun? wala akong nakitang pinay kanina ah! oist, baka kasi gusto mo na ding makipagkita noh!!! hindi yung hulaan tayo!!nyahahah! (naku lola, malabo na mga mata ko kaya di ko napagkikita mga magaganda!heheheeh!)
    ..kainis ka,sana pala humarap ka sa akin sa irish village (lumalayo talaga ako sa table ng mga pinoys..nyahahahaha)

    @ lyzius – hmpft! kaw nga di ko man lang nakita man lang..baka jan pa tayo magkita.nyahahah!!!

    Rhapsody: nyahahaha lagot ka kay jmj nyan! kitang kita ko nung ilabas mo dimples mo at kumaway ka. hinahanap ko nga kung sino un baka may Pinoy, eh wala naman.. kaya naisip ko cguro regular ka dun sa NBD kaya kakilala mo na kung sino man un pinagpa-cute-an mo dun nyahahaha! at kaya naisip ko na malaamng ikaw tlga un kasi inilabas mo pa un dimples mo eh nakikita ko kaya sa blog mo un pag naka-smile ka.

    merong pinay noh! at ako un! baka nman napagkamalan mo akong intsik. ako nga nagmukhang tanga, kasi kinausap ko ung staff ng Costa Cafe ng tagalog kasi mukhang Pinay ndi naman pala Pinay! hehehe!

    basta pag nakita kita ulit next time, kakaway kaway na ako! hehehe! ano kasing name mo? baka pag tinawag kitang sommer kasi deadmahin mo ako hahaha! at pag tinawag mo naman akong rhapsody, baka ma-deadma din kita hahaha!

  4. nakakaloka kayo ni sommer.
    hehehe..

    aww.
    hindi ko pa naranasang uminom ng alkohol.
    hahaha..

    Rhapsody: try mo minsan, pero moderate lang kung di mo naman kaya.. like me hehehehe… pero nung college mas madami kesa ngayon un naiinom ko.

  5. ay naku sis…

    di ka pla pwde sa inuman session… di na nga lang kita hahamunin sa inuman baka konxenxa ko kapag na lashing ka nang bonggang bongga! lolz

    anyways, relax ka lang sa mga tension jan sa bahay ni lola…hihihi maayos din yan, and bout papuch…naks, konting kiss ang yakap lang yan…oks na kayo nyan…hehehe

    musta kna sis? amihooo
    iloveyou
    ingats

    Rhapsody: sobrang hindi na tlga, pwede naman pero ako ung taga-tagay o kaya taga-handa ng pulutan hahahah,

    wala na kami sa bahay ni lola at saka nung last day namin eh naging ok na naman siya sa amin at humingi ng pasensya. si papuch oks na rin kami.🙂

  6. talaga ha hindi ka iinom? lolz. ganyan talaga ang mga sinasabi ng mga umiinom after. hehe.

    Rhapsody: nyahahaha ganun ba un. pramis ayoko na talaga! cguro next time tikim lang.. eh tikim na nga lang ginawa ko nung gabing yan eh😀

  7. …bakla, bakit ganun? nakita ko naman yung taga costa cafe? pero nadaanan ko lang ng tinmgin (kasi hinahanap ko na si crush!hehehe!)
    …kaway ka tas sigawan mo ako…”somer ganda” …joke!! arceli po tunay kong name…nyahahahah!!

    Rhapsody: nyahahaha! kasi naka-focus ka kay crushie mo eh! lolz! pero nakita ko nga na di ka naman tumingin tingin masyado sa paligid mo, kasi talagang iba tinutumbok ng mata mo eh.

    ayan ngayon alam ko na name mo.. sabi ko na nga ba may cely sa name mo menemiscely.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s