Posted in Life

evicted


Haaaaaaaaaay!!! Bakit di matapos-tapos ang problema?

Di na talaga ako makapa-isip ng matino. Parang ayoko ng magsalita kasi malalaman na lang nila umiiyak na pala ako. Bakit may mga taong manloloko? Bakit may mga taong ang sasama? Hindi iniisip na pare-pareho lang naman tayong tao na may pare-parehong pangangailangan. Kailangan ng makakain, masusuot, at matitirhan. Pero malamang kinabukasan wala na kaming matutulugan.

Bakit pati kapwa Pinoy mo na nasa ibang bansa, sila pa un nagpapahirap ng buhay mo. Lolokohin ka lang basta lang mapagkakitaan ka? Pag nagkaproblema na magtuturuan o bigla na lang maglalaho. Ikakayaman kaya nila un ginagawa nila? God bless them all.

9 thoughts on “evicted

  1. dont worry rhapsody kaya mo yan. makakahanap ka din ng matutuluyan mo ulit. hayaan mo na silang mapanamantala. may mga tao talagang ganun. mgaing aware na lang kau next time at syempre magpray.

    Rhapsody: kinaya naman kahit halos trangkasuhin ako sa paglilipat namin; hay oo nga bahala na sila sa buhay nila.

  2. yun ang sabi din ng mom ko.. Minsan yung mga pinoy inaabuso yung kabaitan ng kapwa nila Pinoy.. At me Karma po para sa kanila..

    Rhapsody: totoo yan… bad nman kung isipin kong maaga dumating ang karma kasi ndi ko naman cgurado kung totoo nga un or excuse lang…

  3. kapatid, mukhang ginoyo kayo ng landlady jan sa satwa???

    daming ganyan jan… isipin mo na lang, na mas maswerte ka pa rin kesa sa kanya kasi patas kang lumalaban…kayang kaya mong kumita sa patas na paraan, pero sya nakakaawa..kasi hindi nya kayang kumita sa tamang paraan…

    tingnan mo darating ang araw, asensado ka na, pero sya nanjan pa rin sa stage na ganyan, kikita sa panlolokong paraan….

    Rhapsody: ipagpasa-Diyos ko na lang siya… nasa Pinas pa siya sa ngayon hihintayin ko ang pagbabalik niya.

  4. ..lola, ano nagyayari? last 2 posts mo parang bigat sa dibdib ah. hanggat kaya, konting tiis pa..ganayn lang talaga siguro buhay sa ibang bansa.=(

    Rhapsody: sobrang bigat talaga.. inubos ko na lahat ng luha ko kaya sa tingin ko.. okei na ako ngayon.

  5. haaay… mga tao talagang ganyan. iniisip lang ang sarili. ipagpepray mo na ang Diyos na bahala sa kanila. siguradong may kapalit yan. but for the mean time, isip muna ng solution.

    Rhapsody: God knows what to do with them….

  6. Yung bayaw ko (kapatid ni misis) ganyan din ang naging struggle dyan sa Dubai.😦

    Yeah…! The LORD will deal with them according to what they have done to you, but HE will bless you in return for you blessing them despite what they have done to you.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s