Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Love & Relationship

ka-ibigan


Kababalik lang kahapon ng aking friendship-slash-ex(daw)-suitor galing sa bakasyon sa Pinas. Ako na lang talaga ang hindi pa nakakapagbakasyon pramis! At ang nakakatuwa dun ay may mga pasalubong siya sa akin yeheeeey! Noong may kaibigan siyang nagbakasyon sa Pinas, may pinadalang bag at slippers made of abaca ang mudra niya para sa akin daw. Ngayon naman nagbigay ulit ng mas maliit na size ng abaca bag at slippers (one pair for me, and one for my brother daw) ang mudra niya. At may kasama pang mga kung anik-anik from Bora and some sweets na hindi ko na rin na-picture-an kasi naman magmumukha namang akong baliw sa mga karoom mates ko. Kaya pinicture-an ko lang ang iba while AteM is taking shower; and the other AteL is sleeping. At ang isa kong friend type na type ang abaca bag gusto ng arborin, ang kaso lang ayoko din kasing magtampo si friendship-slash-ex(daw)-suitor ko at pati na rin ang mudra niya. Ang mga ibinibigay kasi sa akin – mura man o mahal, maganda o hindi kagandahan – syempre naman pinahahalagahan ko iyon. Magpapabili na lang ako on his next vacation pero babayaran ko na lang para mabigyan ang friend kong gusto din ng abaca bag.

Mejo hiya naman ako sa mudra ni friendship-slash-ex(daw)-suitor baka kasi ibinibida pa na ako ang future GF (eventually wifey) niya. Eh napag-usapan naman po namin na hindi na pupwede for the simple reason na I’m engaged na po. Hay, kung may kakambal lang ako o may kapatid na babae o kung may mga makakabasa nitong entry na ito na single (lady, ‘empre!) na taga-Dubai o Sharjah na naghahanap ng isang mabait, responsible, matalino, propesyunal at for real na jowawits. I’m sure magiging happy na talaga itong aking friendship-slash-ex(daw)-suitor.

May tanong lang ako sa sarili ko na nahihirapan akong sagutin: OK lang kaya na payagan ko ang youngBro ko na minsan lumabas (mag-drinking session baga) kasama niya considering na baka magjelly ang papuch ko? Ito kasing friendship-slash-ex(daw)-suitor ko inamin niya noon sa akin na pinipilit niyang ilapit ang sarili nya sa pamilya ko at ako sa pamilya niya. Kaya naman gusto ko din dumistansya pagdating sa pamilya-pamilya.

Nung nasa Pinas kasi si friendship-slash-ex(daw)-suitor ko, sinabihan niya ang mudra ko na pagbalik niya ng disyerto ay yayakagin niya minsan ang youngBro ko. Ang kaso ang ibig sabihin nun malamang kasama din ako dahil ako ang daan para matunton ang accomodation ng youngBro ko. Pa’pano naman si papuch ko? I’m sure na kahit sabihin niya kung minsan na ayos lang sa kanya, alam ko jellyfish siya talaga.

Naalala ko nagpasama noon si friendship-slash-ex(daw)-suitor ko kasama ng isa ko pang friendship, sabi ni papuch ok lang daw basta umuwi ako ng maaga. Eh di aun simba, malling and grocery kami… aba nung tumawag si papuch naman parang nagagalit na kasi daw hindi pa ko uwi. Nagpaliwanag na ako na pumayag naman siya at maaga pa naman pero galit-galitan ang papuch. Eh di nagalit din ako, aba si papuch natakot yata sa akin biglang kumalma, ayun bati na agad kami. Heheheh. Ngayon eto na naman, hindi ko kasi matanggihan si friendship-slash-ex(daw)-suitor ko kasi tinuturing ko rin siyang isa sa mga totoong kaibigang nakilala ko sa Dubai. Pero hindi ko rin masisisi si papuch kasi nga alam niyang mejo gustong gusto ako ni friendship-slash-ex(daw)-suitor. Haba ng hair hahahah! Di makaka-move on si friendship-slash-ex(daw)-suitor hangga’t wala siyang ibang mapagbabalingan ng pansin. Pero mas magiging panatag at happy na ako kung malaman kong makahanap na ng gf o mapapangasawa si friendship-slash-ex(daw)-suitor. Meron bang available dyan? Paramdam naman kayo!

22 thoughts on “ka-ibigan

  1. nakakatuwa naman si friendship-slash-ex(daw)-suitor akalain mong pinasalubungan ka nya.. bga may felings pa xa sa iyo.. hehehe.. gawan lng kita ng intriga… salamat sa pagbati ate my..

    Rhapsody: hahaha at gawan pa ng intriga anoh!😀

  2. ako! nyahahahaa!! sabihin mo, gagawin ko syang nz citizen! nyahahahaha!!

    danda ng bag… sana, ako rin, may biyenang hilaw na magbigay sa akin ng ganyan. pag ayaw mo na, ibato mo dito ha? mwehehehehehe…

    Rhapsody: cge po ibato ko na lang hehehe.. talaga gusto mo ba tlga tita?

  3. Iba talaga ang dating ng bag na abaca. Pati yung handle nya, mukhang pagkatibay-tibay. Sa tutuo lang, mas lalo ako nainlab dun sa kulay.

    Si friendship-slash-ex(daw)-suitor, baka tama si repah — baka may feeling pa sya sayo.😳 ayan tuloy naki-intriga na din ako.

    I assume menor de edad pa si YoungBro para kelanganin pa ng pagpayag mo para lumabas kasama nya…🙄 Hirap nga ano? ikaw ang magiging accountable pag nagselos si papuch mo na talagang jellyfish eka mo.

    Imuwestra mo na lang siguro kay friendship-slash-ex(daw)-suitor ang kinaroroonan ni YoungBro, huwag ka na sumama, maintindihan naman siguro nya na may ibang role ka na. Maliban na lang kung talagang “hopeful” pa rin sya.

    Kung talagang kailangan mong sumama, ay konting assurance pa siguro kay papuch na wala ka nang feelings kay friendship-slash-ex(daw)-suitor ng paris ng feelings mo sa kanya (hmmm… wala na nga ba talaga?)

    Pag-aralan mo ang tutuong damdamin mo tita. Personally, I believe na hangga’t hindi ka pa kasal ay malaya ka pang makaa-atras sa isang relationship. Mahirap, pero mas magandang timbang-timbangin. Kasi pag nandun na (married na) mas disastrous kung dun pa magbe-break.
    Nasasayo yan, mas kilala mo sila — at ang talagang damdamin mo. Ipag-PRAY mo din. 😉

    Ayan, pinag-isip pa yata kita…😳 Open question kasi yung naka-bold at italics na mga letra, kung saan ko na naman nadala ang simpleng tanong lang. 😛

  4. Tama `yan sis ihanap mo ng blind date si friendship-slash-ex(daw)-suitor.😀

    Oi, may bago akong tag sayo dito

    Rhapsody: hehehe may utang pa nga ako sa iyo hehehe😀 nahirapan ako dun sa music tag na iyon kaya until now nasa draft pa rin hahaha… cge icheck po iyang tag na iyan.

    oo nga sana mahanapan ko na.. gusto kasi nung taong un naas Dubai din, para malapit lang daw… sabi ko noon maghanap siya sa Bora mala- Anne Curtis & Aga – hahaha… kaso ayaw parang ayaw niya eh.

  5. uyy… (background music nanghihnayang by Jeremiah)

    Ahehehehe!!

    ehem.. available ako.. ahehehe

    Rhapsody: nanghihinayang talaga ako kasi wala akong kapatid na babae! haaaaaaaaaay! hahahaha! talaga available ka? punta ka dito daliiiiiiiiii! tapos papakilala kita sa kanya! cge na!!!!

  6. Hello… napabalik ako. Medyo nag-isip kasi ako dyan sa naunang comment ko. 😦

    Sori ha. Ganyan kasi ako, lalo na pag may nakita akong naka-hang na question mark (minsan hindi ko ma-realize agad na pwedeng “rhetorical question” pala), very impulsive akong magbigay agad ng advise — maski sa mga taong personal na pumupunta dito sa amin ni misis pag may itatanong.

    Hmmm…🙄 ganito na lang.😀
    Tama… naka-moderate pa naman yan (pati ito), kung hindi makabubuting i-publish o i-approve, “delete” mo na lang. Itira mo na lang yung 1st paragraph tungkol sa “bag.”😛 Ito 2nd comment, pede mo na rin delete.

    Hindi ako magtatampo, PRAMIS.😉 neway nabasa mo naman na.

    Nandyan na pala ako sa blogroll mo… Marami din akong idadagdag sa akin (kasama ka) kaya lang gumagawa ako ng way kung saan ko mailalagay ang lahat ng nasa blogroll ko. Masyado maluluwang ang spacing sa sidebar ko.

    Thanks… and good day!🙂

    Rhapsody: At bakit ko naman po buburahin ang comments mo?😀 Wala naman pong masama sa mga nasabi mo. Iyon po ay mga ideya at advice nyo lamang. And thanks po sa advice na iyan dahil tama naman po talaga ikaw. Hindi naman talaga pag sinabing engaged ay wala ng kawala. Pwede pa ngang mag-ala Runaway Bride sa oras mismo ng kasal.

    Dumating din po ako sa point na nag-iisip kung sino ba talaga ang pipiliin ko. Dumating si friendship-slash-ex(daw)-suitor sa buhay ko na kami na ni papuch. Hindi ko siya ginusto, pero after a year na lubos ko na din siyang kakilala parang nag-iisip ako na pa’no kaya kung hiwalayan ko si papuch at ipalit ko siya? Mabait nga din kasi siya at responsable pa. Pero nakikita ko na ang sarili ko na masasaktan lang din ako dahil parang hindi ko na kayang malayo pa kay papuch. At wala akong nararamdamang ‘love’ para kay friendship-slash-ex(daw)-suitor, it’s just pure friendship! Whew! Habang eksplanasyon hahaha.

    Pero aaminin ko na talaga… tama nga po si Repah… may feelings pa siya sa akin kaya hangga’t maari ayoko na nagkakaro’n kami ng madalas na communication. Gusto ko kasi na ma-feel niyang wala na talagang pag-asang mas maging more than friends kami. Para magkaron din siya ng time na maghanap ng ibang babae at hindi ung nakatuon lang ang pansin niya sa babaeng sasayang lang ng oras niya.

    Hindi na nga po bata ang kapatid ko, pero mas gugustuhin ko na hindi muna sila maging close sa isa’t isa. Ayoko kasi makarinig sa pamilya ko ng mga salitang `bakit hindi na lang siya ang piliin mo?` mga ganung bagay, ung magkukumpara sila. Mas gusto ko na ang mas makilala nila ay si papuch. Mas nalamangan pa kasi ni friendship-slash-ex(daw)-suitor si papuch kasi siya na meet niya na ang parents ko ng umuwi siya sa Pinas. Si papuch ko hanggang telepono pa lang niya nakakausap ang buong pamilya ko. Pwera na lang kay youngBro na na-meet niya at madalas naming kasa-kasama dahil nga nasa Dubai na rin.

    Pero ito lang ang masasabi ko… ang cute ng bag! Heheheh.

    At syempre naman po nasa blogroll na kita!😀

  7. congrats rhapsody at meron kang bag galing kay friendship-slash-ex(daw)-suitor-slash-mabait-responsible-matalino-at for real na jowawits. ang haba nun ah. hehe.

    kung sasama ka dapat ipaalam mo. mas maganda pa rin ang transparent kayo sa bawat isa. i mean hindi namana siguro magalit ung papuch mo kasi kasama naman ung bro mo. yun lang. hehehe

    Rhapsody: hahaha mas pinahaba mo whew!😀

    actually kahit noon pa na sumasama ako sa kanya even with our common friends, palagi akong nagpapaalam kay papuch. isang beses lang ngyari na hindi ako nagpaalam tapos nakita pa ako ng mga friends ni papuch. natakot kasi ako noon na magpaalam kasi hindi ko alam kung papano ako magpapaliwanag sa kanilang dalawa. Nauna kasi nag-aya si friendship-slash-ex(daw)-suitor na pagbigyan ko siya lumabas kami dahil iti-treat lang naman daw niya ako kasi bday ko, tumanggi ako dahil sabi ko magagalit si papuch. Kaya ang nangyari one day before my b-day, di na ako nakapagpaalam kay papuch, pero nung nagtanong naman si papuch kung san ako ni-treat sinabi ko naman agad. mabuti din un at ndi ako nagsinungaling coz if not un mga friends niya na nag-akusa na ng kung anu-ano sa akin ang paniniwalaan niya.

  8. ang haba ng hair ng lowla ko hehehehe🙂
    eh ok lang naman diba basta alam mo naman sa sarili mo na di ka nagtataksil, shet taksil – so old school hahahahaha

    sis me tag ako sayo🙂

    Rhapsody: ipapaputol ko na nga po naks hahaha… nyaahhh hahaha di ko kayang magtaksil… one-man woman ako…

  9. tama silang lahat..

    me feelings pa si ex…

    at ang haba ng hair…

    dami jan sa dubai mare…

    ipaskil mo sa lals yung pichur wid mobile number…ahihihihi….

    Rhapsody: naku po kung hindi ko lang siya totoong kaibigan baka ipinaskil ko na tlga ang number niya sa lals at sa west zone hahahahaha.. but syempre i want him to find a good and decent girlfriend din dibah.

  10. hoy!!! bakit naman binubugaw mo sa blogger? hahahaha! ay sister type ko yang bag!😉

    andami mong tag! dadagdagan ko pa! hahaha!

    http://www.jojitah.com/?p=525

    Rhapsody: nyaaah ang dami na nga… nagawa ko na ang isa, nadagdagan ulit.. pero dahil loves kita cge po gagawin ko ang tag na yan…

    ikaw ni-tag din kita! :p

  11. ayiiii amuy ‘second-time-around’ ? nyaha.. ako walang pasalubong kay inang reyna😳 oi oi add kita sa blog roll ko.. apir!

    Rhapsody: cge kapatid add lang ng add, para dumami tayo hahaha… oist naku walang second time kasi wala namang first time! ipakilala kita sa knya para ikaw na padalhan.. deal?😀

  12. gnun? nyahahak.. hindi ko xa hawig, hawig nia ko! ahaha.. si ano sya si ‘kwan’😳

    Rhapsody: oo nga naman sorry sorry po nagkamali ako ng pagkakasalitype hahahahaha…. hmmmn blushing blushing….

  13. Nyay!😯 Run-away bride? (hindi ko agad naisip yun ah)😀

    Uu nga naman… na-forgets kong hanggang wala pa yung “I do” ay pede pa umatras. You said it well (bilib ako); wala nang duda — kering-keri mo nga yan!😉

    Napangiti talaga ako dun sa run-away bride😆 … kasi sayang ekako yung handa? (lulusot pa si HBH ano?) Weno ba? edi tuloy lang ang kainan, yung kasal lang naman ang pospon o hindi tuloy e.😛 (joke)

    Rhapsody: hahahaha! oo nga naman ndi natuloy ang kasal, sa kainan na lang ibuhos lahat ng sama ng loob ng iniwan sa altar….

  14. OUCH…

    Rhapsody: hoy d2nd ikaw ba yan? kainis ka akala ko ba mabagal ang internet jan?

    sinasabi ko na nga ba ikaw yan eh chineck ko un IP mo bwahahahahah!

  15. yap.. mabagal nga… pro sa kasamaang palad minsan lang magload itong blog mo itong pang nakaka OUCH… na entry ang inabutan ko hahahaha =) wow! talaga palang blockbuster itong blog mo daming nag kokomento hehe… =) pakilala mo naman ako sa knila =) ako nga pala
    c:\ salbahe/panget/bobo/tarantado/tambay/walang kinabukasan/wlng kwenta/stupid/moron/idiot/nimcompoop/dump.ME hehehe =)

    nyaaa…. ang daya ni-scan ang IP ko hahahahaha =) PULIS.. PULIS… c rhapsody po nag i-i-scan ng IP hahaha =)

    Rhapsody: nyahahaha sobra ka masyado mo dina-down sarili mo, pa-humble ka pa jan eh! nyak anong blockbuster paminsan-minsan lang yan pag nagiging active ako hahaha… patubuan mo na kasi ng talaba yang ISP jan sa Saudi hehehe…

    cge ipakilala mo ang sarili mo sa kanila, ako ang backer mo na magsasabing puro kabaligtaran ang mga sinabi mong description sa sarili mo. Bwahahahaha at may nalalaman ka pang nimcompoop jan hahahaah!

    Natural kasi nag-ouch ka eh para makasigurado lang ba hahahaha!

  16. para mas lalong magulo, isama si papuch sa labas… di ba? hehehe!

    Rhapsody: hahaha pwede rin!

    trivia: alam mo bang a year ago (yata un? nyah nakalimutan ko na eh hehe) dalawa silang kasama ko sa church nung christmas eve? si papuch at friendship. kasi hindi ko naman pwedeng sabihing ikaw 7pm, ikaw nman 10pm… pinagsama ko sila para makita ko rin ang reaction nila sa isa’t isa! hehehehe😀

  17. wow!!

    ang cute siguro tingnan sis noong magkakasama kayong 3 ahehehe🙂

    ganda ng pasalubong nya aylayk it🙂

    Rhapsody: cute ba tignan? hahahaha!

  18. nyahahah!! oo, ibato mo pero wag masyadong malakas at baka tamaan ako sa mukha. dahan-dahan lang ang bato. pero teka muna.. linawin mo… ano ba ang ibabato mo? si friendship-slash-ex(daw)-suitor ba o yung bag? ang sinasabi ko yung bag ha?🙂

    Rhapsody: nyahahahay! akala ko si friendship-slash-ex(daw)-suitor hahahahah! pag siya ang ibinato ko kahit ilang bag pa un tapos ndi na ibabato sa iyo sa NZ… iaabot pa mismo ng personal…😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s