Posted in dubai adventures, Language & Culture, Life

Dubai-wenyo ka? Pang-ilan mo na?


Konti na lang magagamit ko na rin yata pati mga daliri ko sa paa sa pagbibilang. Sa susunod na taon ng Pebrero magtatatlong taon na ako sa Dubai. Sa loob na mahigit dalawang taon na yan nakailang lipat bahay na rin ako. Marami ring kasing dahilan kung bakit nagpapalitapat-lipat kami ng bahay dito. Unang-una gustong makatipid kaya naghahanap ng mas mura. Pangalawang rason dahil hindi nagustuhan sa nalipatang bahay, maaaring nagkamali ng akala. Akala kasi ok dun un pala naman mas okey pa dun sa inalisan. Regrets nga naman pero hindi na naman pwede pang bumalik sa inalisan. Isa ring rason ay dahil kandidato for demolition ang tinitirhan mo.

Kung ako tatanungin mo kung nakailang bahay na ako sa Dubai… ahhh ehhh. Wait let me count ha…. One.. two… naku po magpi-pito na pala… Sana 7th heaven na sa ikapitong lilipatan namin. Un bang wala na kaming magiging problema at un tatagal na kami duon hanggang sa kami na ang magsawa sa Dubai. Sana may ganun sa Dubai.

Unang salta pa ako nun sa Dubai, sa Karama1 ako itinira ng aking friendship. Ako lang mag-isa kasi iba ang tinutuluyan niya. Dun kasi siya nakatira sa relative niya, alangan namang isabit niya pa ako dun eh wala na ngang space for others. Actually, dalawa sana kami nun na friend ng friend ko, siya sana ang makakasama ko. Kaya lang napag-iwanan sa airport un friend ng friend ko na friend ko na rin until now. Lam mo naman ang daming buwaya sa immig sa Pinas kaya aun na-rebook siya kasi hindi siya nakapagbigay ng kotong. Ako naman maswerte dahil nakalusot ng walang kotong na ipinamahagi. Dun sa Karama ayos na ayos dun, hindi ako malulungkot. Kasi pag baba ko ng building ang daming grocery/supermarket na pwedeng pagpilian, malapit sa mga bus stop, malapit din sa maraming pamilihan ng kung anu-ano. Unti unti na nga lang tumataas ang kuryente at mejo nabibigatan pa ako nung time na un kasi hindi pa sapat ang sweldo ko.

kung ganyan lang sanang kadali…

Na-encourage2 ako ng opismeyt ko na sumama sa kanya. Dadating daw ang asawa niya at dalawa kami ni M na napapayag na sumama sa kanya. Pumayag akong sumama kahit na hindi ko pa nakita ang room. Mura lang daw kasi at ang kuryente sobrang baba daw. So nagpahikayat naman ako kahit na mejo nag-aalangan dahil hindi ko pa nakita ang bahay. Dala-dala ko ang mga gamit ko papunta sa bagong lilipatan ng madismaya ako pagkakita sa kwarto. Super sikip. Hanggang sa napalipat si M sa kabilang kwarto. Ako kasama ng mag-asawa. In fairness lumuwag pero naging masikip pa rin ang mundo ko. Hindi ko pala kayang kasama ang mag-asawa na madalas mag-away nung mga panahon na iyon. Cguro dahil bago pa si lalaki sa Dubai at wala pang work kaya aburido. At isa pa, pinapak nga ako ng mga bespren ko dun dibah. Kaya ng makita ni M ang iwinawagayway na papel ng aming PRO, nakipagkasundo agad na dun kami lilipat.

In fairness maganda naman ang bahay3 huh. Studio flat at dalawa lang ang kwarto. Mag-amang Ehipto lang ang kasama naming apat na babae. Unti-unting nawala ang mga kasama kong Pinay dahil kinailangan nilang lumipat dahil sa layo na ng nalipatang trabaho. At ako lang ang natira, paminsan minsan may nakakasama, minsan ako lang mag-isa. Doon ako nagtagal ng isang taon. Sarap na sana ng buhay ko dun, tahimik un na nga lang lungkot ang kalaban kasi parang walang kabuhay-buhay sa tuwing uuwi ako ng bahay. Mas madalas nga gabi na ako kung umuwi. Di nagtagal pinapaalis na lahat ng nakatira sa building na iyon dahil ipaparenovate na daw ng may-ari. Kaya nagsi-alisan na din kami. Mabigat man sa loob ko wala naman akong magagawa.

Maganda naman ang sumunod na nalipatan ko. Dito4 ko nakilala ang mga hanggang ngayon ay kasama ko. Masaya naman sana sa bahay na iyan bukod sa madaming salamin, jan ko rin sa bahay na yan na-feel ang spirit of Christmas (btw four months na lang Pasko na naman pala!) Mababait ang mga kasama ko sa bahay kaya nabawasan ang taglay kong ka-malditahan. Pitong buwan kaming nakatira sa isang mejo madilim pero peaceful and cute na bahay. Akala ko jan na ako for the rest of my Dubai life. Yun pala dadating din sa puntong iiwan din naman ang bahay na napamahal na sa amin. Kaya nagsimula na naman ang journey ko sa paghahanap ng bahay.

Hanggang sa may nakapagsabi na may Villa5 nga daw malapit lang sa bahay namin na vacant. Nung una ayoko pa sanang tignan kasi Villa daw. Nadala na nga kasi ako kapag sinabing Villa – ang iniisip ko masurot dahil nga diba naranasan ko na. Naging maayos naman ang stay namin although mejo maligalig si landlady dahil kahit na advance naman lagi ang bayad namin, gusto niya parang 1st day of the month babayaranin na ang renta ng haus. Kaya dalawa kaming palaging nag-aabono ng renta para lang walang ma-say ang landlady. Dumating na rin sa point na naging barado ang cr kaya umalis kami sa bahay na iyan. Tumagal lang kami ng limang buwan.

Ngayong nakahanap na kami ng room6 na swak sa budget. Ayos na sana eh unti unti lang na lumalabas ang ibang problema. Gaya ng pag-aaway ng magkapatid na Ehipto (iba sila sa mag-amang nakasama ko dati ha), parang natakot ako dun ah kasi akala ko magpapatayan sila. Natural eh hindi ko naman maintidihan mga pinagsasabi nila. Mushkila! May dumating pa ngang mga pulis at ambulance, di ba parang major thing. Imagine ha isang 14, at isang 18 years old lang ang nag-away. Malas lang nila kasi may nagreklamong kapitbahay. Isa pang problema na hindi naman kabigatan, ang mga boyfrend pwede lang dumalaw ng maikling oras. Mga 1 minute lang, dun lang sa gate ah. Grabe daig pa namin mga teenager na bantay sarado ng mga kapatid na maton. Pero dun sa kabilang room labas masok ang dalawang boyfrend nung dalawang Pinay, dun pa natutulog ung isa umaga na ang uwi. Unfeyr huh!

May mataray na Pinay na jowawits ung Ehipto. Actually maedad na sila pareho but in fairness maganda ung Pinay kahit may edad na siya. Kaso lang mataray talaga or pa-effect lang un, ewan namin. Ilang beses na nitry na ngitian ung ng isa kong kasama (ako isang beses ako nagtangka pero nabigo) pero seryoso lang daw ang mukha. Tapos napagsabihan pa un isa na bawal magtutbrush sa kitchen, sa cr lang kahit malelate na maghintay matapos un nasa loob. Sabagay may foint siya dun kasi nga naman dun tayo naghuhugas ng mga kutsara’t tinidor, kung minsan mga foods din. Pero bakit ung isang babae sa kabila hindi niya yata napagsabihan kasi after two days, kitang kita ng mga mejo singkitin kong mata na dun nagtututbrush ung isang babae.

For the first time nakaranas din ako na ma-baladiya. Wiki says:

Baladiyah (Arabic: بلدية) is an Arabic country subdivision term that can be translated as municipality.
The plural is baladiyat (Arabic: بلديات).

Although wala ako sa haus ng mga panahon na un. Ung feeling na nabaladiya ang room ninyo, kakaiba pala un. May halong kaba at takot na mapalayas ora-mismo, pag-iisip ng magagastos na naman sa paglilipat at tuwa na din dahil hindi na kami magsstay ng matagal sa bahay na yan dahil ang hirap palang makisama kapag mejo mailap ang kapitbahay. Hindi nakukuha sa pa-cute na smile namin ang iba, parang masyado yatang seryoso sa buhay ang iba. Anyways, tinatawagan na ng isa kong ate-atehan ang kausap naming landlady para mabigay sana agad ang deposit namin ng makahanap na rin kami ng malilipatan. Ayos lang naman daw na dun pa rin kami sa bahay. Pero dahil family room daw iyon kailangan daw na magbigay kami ng marriage contract or passport copy na may magkapatid na nakatira sa room namin. Unfortunately parehong wala. Pwede naman kaming manghiram pero I think it’s best to leave and find a comfy room, un walang mga ganitong hassles.

7th room is on the way… sana may makita na kami. Please lang sana walang mga mushkila mushkila na yan!

8 thoughts on “Dubai-wenyo ka? Pang-ilan mo na?

  1. hay naku kami dito sa loob ng isang taon tatlong beses nagpalipat-lipat. nakakapagod talaga.

    uy goodluck ever sa lipatan blues no sister.😉 kumusta ka naman?

    Rhapsody: sister na-miss kita ha… salamat naman napadungaw ka ulit… ok nman ako mejo adventure ang dating nito sa amin un nga lang kalaban ung gastos at hirap ng paglilipat. at bakit naman kayo palipat-lipat din… kami dito talagang NPA na hehehehe.

  2. Naku lipat flat! Hate na hate ko din yan! Dito sa abu dhabi ilang beses na din kami naglipat! Ang bad trip lang minsan pag di mo pa makasundo yung may ari ng bahay at maraming mga kung anek anek na rules and regulation na gusto pero sila naman mismo di ginagawa! Bad trip pa minsan kapwa pinoy mo na ganun pa kung umasta! akala mo mga dugong bughaw at masyadong maselang dusta! ahahay!

    Rhapsody: hahaha natawa ako dun sa dugong bughaw… pero sa totoo lang tama ang sinabi mo… ung iba eh makatagal lang konting taon sa UAE akala mo mga member na ng pamilya ng mga Sheikh hahaha… kung minsan naman hindi naman may-ari pero daig pa ang may-ari sa pagpapatupad ng rules and regulations.

    taga-Abu Dhabi ka pala ‘kala ko Dubai… magtatanong sana ako kung may alam kang flat na pwedeng malipatan😦

  3. …whaaaa!!! 7 na lipat??? di ko ata kaya yun! 2x pa nga lang ako parang di ko na kakayanin. e nanganganib din kame maglipat na naman ngayon. haaayyy!!! sa westzone kame naghahanap ng matatawagabg bahay…dami sanang ok kaso di kame kasya..8 kame lahat e.=(
    …goodluck nmn, sana lucky na ang 7th na lipat nyo.=)

    Rhapsody: buti ka pa nakakadalawa pa lang! hay kelan kaya matatahimik ang mga gamit ko sa iisang bahay… dun din kami naghahanap kung minsan kaso lately parang puro bedspace ang naka-post.

    sana nga po lucky 7 na… wish ko lang tlga… gudluck din sa inyo… sana magkapitbahay lang tau hahahaha.

  4. mahirap talaga maglipat. dati, ang hilig ko din maglipat-lipat ng apartment. kakapagod. naiinis ata tatay ko sa katutulong sa akin maglipat, ayun, balik-bahay ako!😀

    Rhapsody: kung ang bahay namin sa Pinas ay nasa kabilang kanto lang.. magbabalik-bahay na rin ako… ang hirap eh!😦

  5. kami ng mom ko naka 6 na lipat!~ lol. sa sharjah, sa rashidiya, next sa hor al anz, tapos katabi ng bahay sa hor al anz, tapos sa al wuheida, then sa abu hail.. huwaw! ako nageenjoy maglipat kasi mejo marami akong nakikilalang kaaway. bwahaha.. bukas pabalik na ko ng dubai oyeeeeee..

    Rhapsody: ooopps! ka-dubai ka rin pala! nyahahaha ang dami na ring nyong bahay na napasyalan ha… hay naku! un tlga ang problema dito anoh, may mga kaasar na taong makakasama sa bahay. bakit kaya ndi nalang kasi lahat ng tao mabait?

  6. kasi kung lahat mabait hindi mauuso ang salitang masama, nyahah. saka boring ang buhay pag walang negative. pampakulay ng life yan! nyahaha.. ilang months na kming hindi lumilipat kaya oki na kmi.. masaya maglipat masakit lang sa likod. saka sa bulsa!
    haha

    Rhapsody: korek ka jan! nagsisilbing pampagana ang mga kontrabida hahaha! naku un ngang babae sa katabing room namin, maedad na siya pero sobrang maldita at sungit… mapangbintang pa! hay naku! kung hindi lang siya nakatatanda masasagot ko tlga un.

    masayang masakit tlga! pero mas matindin ung super sakit sa bulsang mararamdaman natin hahaha… inggit naman ako sa yo kasi ksama mo ang mudra mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s