Posted in KaPamilya, KaPuso at KaBerks

welcome to dubai bro!


Tulog mantika talaga ako kung minsan. Hindi ko man lang narinig na tumatawag pala ang kapatid ko ng bandang 3AM (Dubai time). Nakadalawang tawag na naging miscol na lang nung nakita ko na ng umaga ng 6:30AM. Chance ko na sana un na nakausap ko agad ang kapatid ko.

Natanggap kasi siya sa hotel dito sa Dubai thru agency. At halos alas-dos ng madaling araw ng 27th ang dating niya. Dahil may susundo naman daw sa kanila from Hotel, tinext ko nalang siya na kapag walang susundo sa kanya, itext niya ako. Sabay binura ko, ang nilagay ko tawagan na lang niya ako. Naisip ko na mas maiging tawagan ako para for sure magising ako. Sa kasamaang palad hindi ako nagising. Azar!

Anyways, kinabahan ako kasi nung nag-inquire ako kung ano’ng kumpanya ang numerong nagrehistro sa fone ko. Nalaman kong Airport Visa Collection daw iyon. Di na siyempre ako mapalagay kasi ni wala man lang akong tawag o text na natatanggap galing sa kanya samantalang ang dami ko ng messages na naisend sa kanya. Syempre si papuch ko nag-aalala din at kumotak na rin pala dun sa Hotel at nagtanong-tanong. Pagkasabi pa lang daw niya ng pangalan ng future bayaw (tama ba?) niya, sinabi na daw agad na nasa airport pa ang kapatid ko, kawawa naman. Naawa ako kasi malamang hindi nakatulog ng maayos un, at ang nanay ko din iniisip nya kung nakakain kaya un dun. Naiwan kasi siya dahil nagkaproblema sa papeles niya. Hindi yata nagmatch ang birthyear niya sa ibang papers, typo error ng agency malamang. Kaya aun naipit simula madaling araw ng 3Am hanggang nito lang ala-una ng tanghali. Baka groge na un sa antok, kawawa naman ang bunso namin.

Tinatawag tawagan ko ang Pinay sa HR ng Hotel na iyon. Napaka-accomodating naman niya everytime na tumatawag ako. At tinawagan niya pa ako nung nakausap niya ulit ang kapatid ko para sabihing wag na daw kaming masyadong mag-alala kasi inaayos na naman daw ng PRO nila. Sumunod na tawag ko, ayun na okey na daw at makakarating na sa Hotel ng ilang minuto daw. Ang hinihintay ko na lang ay ang tawag ng bro ko. Kasi patatawagin niya daw sa akin once na makarating na sa Hotel. Hay salamat naman po. What a way to welcome my small bro in Dubai!

Sana lang maging pareho kami kahit isang araw na off niya lang ng maigala-gala ko naman siya sa Dubailandia heheheh…

9 thoughts on “welcome to dubai bro!

  1. …wow, buti ka pa makakasama m na si bunso nyo. pareho tayo super close din kame ng bro ko. sana nga magkasabay kayo res day para bonding ever.=)

    Rhapsody: mgkaiba man ang bahay namin – dahil bonggacious ang sa kanila at ako ay iskwater – at least pag off nya makakasama ko noh… sana nga pareho kami ng off…πŸ˜€

  2. si asero ba yong bro mo? hehe

    Rhapsody: di po ako makarelate kasi…. di ko pa napapanood ang asero eh… pero kasing gwapo ni asero.. naks joke lang hehehe.

  3. huwaw, welkam sa bunso nyo…sana makapagpahinga naman muna siya bago sumabak sa trabaho at nang ma-enjoy naman niya ang ganda ng Dubai, wag na lang niyang amuyin haha.πŸ™‚

    Rhapsody: nai-tour ko na siya ng konti. sunud sunod na gabi ko siya sinundo para iikot ng paunti unti sa dubai. di pa naman siya nagkkwento tungkol sa mga naamoy nya hehe.

  4. kasalanan mo ang lahat!ha ha ha ha..

    yoko na maging ate ka..

    baka worst pa dyan ang aabutin ko…ha ha ha..

    joke lang…saba akarating din ako dyan..pero indi eh….sa ibang bansa ako nararapat..

    dapat kasi sa Zimbabwe ako..lols

    Rhapsody: nyaaahhh oo na kasalanan ko na… ayoko ng maging ate. hahahaha… abah abah dami ko naman ibingay sa kanya pagdating niya dito, kaya mukhang tuwang tuwa naman ang bro ko.

  5. naks…may bago kase telenobela dito pinas..asero ang title at may mga episode na jan sa dubai ang kuha..

    Rhapsody: alam ko nga po yan na nagshooting sila dito para sa Asero, un nga lang di ko alam kung ano ang story ng Asero hehehe.

  6. nakow! tulog mantika ka pala… wawa naman si bunsoy…. kung ako yun, maiyak-iyak na ako kasi bagong salta, kapatid ko di man lang sinasagot calls ko. nyahahahahhaaa!!!

    Rhapsody: tumpak! mangiyak ngiyak at super tense na ko nun sa pag-aalala… kaya nag-undertime na nga po ako nun kasi inabot siya ng 5:30pm na.

  7. I don’t know how can I contact you, since your site is one of the nominated blog for the top 10 pinoy expats/ofw’s blog around the world. see some of our nominees which has been validated and verified here, http://jbsolis.blogspot.com/2008/07/search-for-2008-top-10-pinoy-abroad.html

    If you want to verify your validation please display the search project to your sidebar and you will be added to the link and polling widget right away.

    Please let us know if you have done so.

    Jebee Kenji Solis
    Organizer

    Rhapsody: Hi Ken! Thanks i’ll be doing that!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s