Posted in dubai adventures, Uncategorized

box


Nakakatuwa! Hindi ko inakalang mapupuno ko kaagad ung medium box na inorder ko para makapagpa-cargo ako sa Pinas. Kelan nga ba yung unang nagpa-cargo ako? April yata un at May nga nakarating. Dahil sea cargo lang po iyon eh kaya isang buwan din bago makarating hehehe. Natatakot ako magpa-air cargo baka naman gaanong kabigat na ung ipapadala ko hindi ko naman mabayaran ang charge hehehe. Unang beses akong nagpa-cargo sa loob ng dalawang taon ko sa Dubai. Ano ba yan hehehe… Pero nasundan ko din naman agad. Samantalang yung iba after four or six months nagpapa-cargo na. Parang napaka-walang kwenta ko nga eh hehehe. Pero si mudra ko naman, sabi niya huwag na daw ako magpadala ng mga kung anu-ano, tama na daw yung nagpapadala ako ng pera sa kanila. Yung mga friendlyfriends ko naman dito sabi nila, nasasabi lang daw un ng parents. Pero once na matanggap daw nila un matutuwa sila. Kaya un nga after ng ikalawang taon sa Dubai nagtry akong magpadala. Small box lang. Halos karamihan ng laman pa lumang damit ko na di na magkasya sa akin. Pero meron ding mga pasalubong sa kanila. Pero majority talaga ng padala ko nun lumang damit hehehe.. Abah naman nung natanggap nila, tuwang tuwa nga. Di rin nila inexpect kasi di ako nag-abiso, nasurprise nalang sila na may package na dumating para sa kanila.

Ngayon sila mas magugulat kasi mejo lumaki ung box. At lahat ng laman nun ay para lang talaga sa kanila.  Ngayon ilo-load yun kaya sana matanggap after exactly one month. Masusurprise na naman un sila malamang. Ang nakakatuwa pa, namumroblema ako nung Wednesday kasi ndi ko pa rin napupuno ung box, tapos biglang bigla napuno ko agad nung Friday. Kaya ung ilang hindi na kinayang isama sa box ipapadala ko nalang sa kaibigan kong magbabakasyon this month sa Pinas. Buti na lang! Kung hindi matatambak lang un kasi baka matagalan na ulit akong makapagpa cargo heheheh.

Sino jan gusto magpa-cargo? Ung dalawang friend ko kasi na kasama ko din sa haus sa isang cargo company sila nagta-trabaho. Mababait un mga un tapos smooth na smooth pa ang dating ng bagahe ninyo sa inyong pamilya back home!

Nung Friday namasyal-masyal kami at napadpad sa Festival City. Syempre pa dumaan kami sa IKEA at hindi na naman naiwasang magpicture picture… Ayan ang ibang pix kasama ng mga friends ko at ni modhesh na ang favorite color ay yellow…

nagmukha akong ghost dahil sa ilaw na yan!

7 thoughts on “box

  1. …uuy buti ka papabox na ulit. ako ata di na uulit magpabox…kasi naman magastos pala..hirap pa magbigay sa mga kapatid ko sa pinas, pintasero.nyahahaha!!!
    …grabe, feel na feel ko yung model nung bahy jan sa ikea, yung maliit lang na space pero buong bahay na. galeng noh?

    Rhapsody: awws! yup ang ganda nga nun. andun na lahat. tamang tama sa mga nakastudio flat. small but neat naman divah… di bale next time kuhanan ko ng picture un.

    ganun bakit naman? ano naman pinipintasan sa padala mo? bilhan mo ng branded na mga damit ng matahimik. at wag mo sasabihin na binili mo nung Sale davah! HeheheH.

  2. Size 10 and a half ako! Haha joke lang.

    Naisip ko lang.. bat kaya yung mga taga Pinas hinde nagpapadala sa mga nasa ibang bansa? Para maiba naman di ba? Bwahaha.

    Rhapsody: oops jan ka nagkakamali… kung minsan pinapadalhan din kami dito… pag may magbabakasyon o pupuntang kaibigan, nagpapadala ang mga nasa Pinas ng vitamins o kaya ng snacks from Pinas na masyado na namin na-miss…

  3. napatawa mo ako duns a mukhang ghost! hahahaha! eh sa trulili nga, sasabihin ko pa naman sana, nakatutok spotlight sa yo, saktong-sakto. pero nung sinabi mong ghost, pagtingin ko ulet… nyahahahahah!!! mukha ngang ghost! aray ko! ang haba pa naman ng buhok! parang yung picture nung kinunan yung dalawang nakatayo, pagdevelop ng film, may nakaupo ng ghost at kumakain pa. nyahahahahha!! peace! lukring ka talaga. magaling na yata ako.. napatawa mo ko eh.😀

    Rhapsody: mmm at least kahit pasimpleng caption lang un eh napatawa kita😉 un talaga ang role ko jan magpanggap na ghost hahahaha

  4. napabisita lang po sa inyong bahay.🙂

    masarap ang feeling ng nagpapadala kahit na magastos kasi yung appreciation, yon ang pinakamasarap na tenk yu diba?🙂

    Rhapsody: yes aling baby super sarap sa feeling hehehe… salamat sa pagbisita😉

  5. mahirap ba magpadala mula dyan? i start filling up my box in july kasi ang hirap-hirap magpuno ng jumbo box. syempre dahils small diffrence lang ng jumbo sa middle-sized, jumbo ang kinuha kahit ang hirap mapuno! hahahaha!

    Rhapsody: nasa dubai ka rin sis? oo nga small difference lang nman… ayoko lang din na matagal nakatambak un box sa bahay.. for sure kasi kung walang malalaking box ng sapatos o kung anu pa man ang hirap talagang punuin un… lam mo na ang mga space ng room dito hahahaha…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s