Posted in Life, Work & Work Hard

wala ng kunsumisyon


Pansin ko lang sunud-sunod yatang napapasama sa entry ko si babaita. Kasi ngayon siya na naman. Masyado ng nakakasuka pero tingin ko ito na muna ung last tungkol sa kanya… hopefully.

Ilang beses akong labas masok sa opis niya kahapon dahil sa mga inuutos nya sa akin. Nung alam ko ng nagawa ko na yung trabaho ko at pinapaconfirm niya na, dun ko na hinirit ang hinihintay kong komisyon! Di ko pa nga kinukumpleto ang salita ko siya na ang nagpatuloy… Dalhin ko daw ang 88dhs. Ayun na nga po at binigay din ni babaita. Pero naman naman, binigyan pa ako ng isipin.

Ganito kasi un… ibinigay na nga ang komisyon ko. Komisyon KO. Meaning ung sa akin lang. Yung sa dalawa hindi niya ibinigay. Hindi ibinigay sa isa kong opismeyt dahil nagastusan daw nila sa tiket pauwi ng Pinas nung namatay nga ang tatay. Yun ang idinahilan niya nung nagfollow-up ng komisyon nya ang isang opismeyt kong nakaleave dahil nga malapit ng manganak. Hindi niya bibigyan ang opismeyt kong buntis nga at nakaleave ngayon dahil naibigay niya daw ang 45 days paid leave at dahil daw sa dami ng bayarin sa mga suppliers hindi niya pa maibibigay. Yung ang sabi niya kay opismeyt at ang sabi niya sa din sa akin.

Dahil nabanggit ko nung isang linggo kay opismeyt na buntis na magbibigay na ng komisyon si babaita, nangulit din siya kahit pa nakaleave na siya. Pero mukhang ayaw siyang bigyan pa kahit pa ilang beses siyang nagemail. ako naman kinulit ko ng kinulit din si babaita, kasi nga ibibigay nya na daw yung komisyon eh. Hanggang sa nakuha ko din kahapon.

Problema nga eh kinausap niya ako at sinabing ilihim ko muna. Huwag ko daw sasabihin kay buntis na opismeyt kasi di niya na daw kaya pang bigyan. Natuliro tuloy ako kahapon at di ko malaman kung anong gagawin ko. Dalawang kaibigan ko ang pinagtanungan kung dapat ba o hindi ko dapat sabihin kay buntis. Ang isa kong friend na napagkukuwentuhan ko ng issue tungkol sa opis at mga katrabaho ko, sinabi niyang huwag ko daw sabihin kasi baka naman daw mapahamak pa ako kay babaita. Ang isa ko pang friend na nasa Saudi at di nakakaalam ng mga pangyayari ang nagsabing sabihin ko kay buntis. Kasi naman daw kami yung magkababayan. At kailangan din ng pera dahil manganganak at namatay ang lolo sa Pinas. Tapos pinagtrabahuhan niya rin naman ung komisyon na dapat niyang makuha. Isipin ko din daw, alin ba ang matitiis ko yung galit ni babaita na talagang masama na ang ugali, o yung magiging tampuhan kapag nalaman ng kapwa Noypi ko na naibigay na pala ang komisyon ko hindi ko man lang sila sinabihan.

Kaya matapos ang mga isang oras na kontemplasyon at pagdinig sa mga advice ng dalawang friendship. Sinunod ko ang payo ni friendship na nasa Saudi na hindi masyadong nakakaalam ng mga issue sa opis. Sinabihan ko agad ang dalawang opismeyt kong namatayan ng tatay na nakabalik na ng Dubai at si buntis na nasa bahay at kasalukuyang nakaleave. Tinext ko lang siya dahil hindi niya sinasagot ang phone. Sobra akong nabother kasi hindi ko alam kung ano naging reaksyon niya. Walang miscol o reply sa sms ko kahapon. Wala ring offline message sa YM o tawag sa opisina kaninang umaga.  Nag-Buzz ako pero wala pa rin. After 30 minutes salamat at nakausap ko na rin. Di ko maipaliwanag kung may bitterness ba o wala naman sa pagkakacongratulate niya dahil at last nakuha ko na ang komisyon ko. Naghingi din ako ng pabor sa kanya na sana huwag niyang sabihin na sinabihan ko siya ng tungkol nga dito. Buti naman at inassure niya na hindi naman siya magbabanggit ng pangalan kung kanino niya nalaman na nagbigay na si babaita ng komisyon ko. Although I’m sure na mapaghihinalaan talaga ako. Naipit lang ako talaga sa sitwasyon pero alam ko din naman hindi tama na hindi ibigay ni babaita ang komisyon nung dalawa. Alam naman kasi niya na manganganak na yung tao at namatayan ng lolo pagkatapos pinagsinungalingan niya pa na wala pa daw siyang nabibigyan ng komisyon. Yun kasi ang pinaninidigan ni babaita nung tumawag siya kaninang umaga.

Ang masasabi ko lang po eh bait-baitan talaga si babaita sa akin ngayon huh… I thank HIM, un bespren ko taas, kasi kahit pa napaliit na ang komisyon eh may komisyon pa rin naman… at ang importante talaga ay naibigay na niya….

Ang nakakatawa na parang pang-asar… after ibigay ang komisyon ko at pumirma ako sa resibo. Ang babaita biglang ngumiti at nagsalit… ‘Oh… thank God I won’t be receiving emails from you?’… Ako naman natulala at napaisip… gusto ko kasing sabihing depende kung hindi madedelay ang sweldo, wala na talaga, pero kung delayed ihanda mo na ang mata mo kababasa ng mga emails namin bwahahaha. Pero siyempre tumungo tungo lang ako at ngumiti. Bespren kami ngayon ng mortal enemy ko eh.

Sino gusto ng chizburger jan??? anyone? ayaw nyo? cge mag-isa nalang ako! babush!

5 thoughts on “wala ng kunsumisyon

  1. uy bespren sila🙂 dapat libre mo si bespren ng chizburger, hehe o kaya ako na lang!

    Rhapsody: tara ate kengkz! treat kita chizburger hehehe… si bespren kong babaita dun na lang ko siya ioorder sa cafeteria heheheh.

  2. ..sa wakas, nakuha din. matagal tagal na din hirap makuha yang commission na yanah. mahirap daw gastusin ang perang sooobrang pinaghirapan..sa case mo, soobrang pinaghirapang singilin.nyahahaha!!

    Rhapsody: bwahahaha natawa naman ako pero totoo yan ha… sooooobra sooooobrang hirap singilin tlga… but thank God coz finally wala na akong sisingilin.. except sa sweldo buwan buwan hahaha… baka nga pag natapos na contract eh mahirapan din kami makuha ang gratuity hehehe..

  3. i-treat mo rin si best friend mong babaita, kaya lang dapat mas masarap pa sa chizburger para sa susunod lakihan ang kumisyon (kunsumisyon) mo

    Rhapsody: wag nalang kung kunsumisyon na naman hehehe.. siopao nalang for sure di pa siya nakakatikim nun😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s