Posted in Work & Work Hard

pinay pasaways


Kaninang umaga habang abala ako sa pagsilip sa tribute ng PEP kay Daboy, abalang abala din ang bagong Pinay na kaopismeyt ko sa pagtingin sa classified ads. Naghahanap siya ng ibang malilipatan since di pa naman siya tali sa company namin. Pero ngayong araw na ito hawak niya ang ads dahil pinapahanap ng pinsan niya yung number ng aaplayan nga ng cuz niya. Yung isang dyaryo nasa table niya. Yung isa hawak niya habang nakaupo sa may tabi ko sa bandang kanan. Ang table nya ay sa tabi ko sa bandang kaliwa. Pero lumipat siya sa kanan kasi may mabahong computer technician sa tabi nya kaya lumipat siya. So napapagitnaan ako ng isang classified ads sa kanan at classified ads sa kaliwa na hawak niya. Tapos ko na makita ang album tribute kay Daboy at nai-switch ko na sa database ang tinitignan ko sa PC. Timing naman paglingon ko sa reception area andun ang big boss. Buti na lang tapos na si Daboy. Lumapit kasi siya sa department namin. Pumasok siya sa opis pero maya maya pinatawag na ako. Nakita niya pala si new opismeyt at tinanong ako kung naghahanap ba ng new work un. Sabi ko hindi ko alam. Mejo nabigla kasi ako hindi ko inexpect na ganun kasi ang itatanong. Mejo hindi kapanipaniwala yata ang sagot ko kasi sabi niya wag ko daw sasabihin na di ko alam kasi nasa tabi ko lang daw ung tao at un ang hawak hawak. Mega palusot ako na siguro para sa pinsan niya un kasi sa totoo lang di ko naman alam nung time na un kung nagaaply nga siya o may hinahanap lang. Narinig ko lang earlier na may kausap siya pero dahil busy ako kay Daboy dineadma ko lang.

Dalawang beses na nahuhuli si new opismeyt. Nung una nakita siya ni big boss at babaita na nagyu-you tube. Sinabihan yung isa kong opismeyt na pagsabihan daw. Then today nakita ni big boss na hawak ang ads, ako naman po ang tinawag. At ako pa ang napagalitan. Sabi niya sabihan daw na kung gusto na maghanap ng ibang kumpanya, umalis na lang at wag na gamitin itong opis sa paghahanap ng ibang work. Kung may sisisihin daw ay ako at ung isa kong opismeyt na datihan na rin dito. Dapat ay pinagsasabihan namin sila na bawal ang mga ganun sa kumpanya. Actually, pinagsabihan naman namin eh… na galingan ang pagtatago kapag nagiinternet sila o nag-aapply sa ibang company! Hehehe…

Kaso naman mejo mahina, laging caught in the act! Sana gayahin niya ang style namin na mabilis ang kamay. O kaya eh mahuhuli na pero gagawa ng paraan para hindi mapuna ang milagrong pinaggagagawa. Gaya nung last week, huli na talaga na sana na nagwa-YM ako. Ilan kasi ang nag-invite sa akin para i-add sila sa YM list ko. Abah naman pop ng pop, sa messages walang magiging problema kasi nasetup ko na na di dapat magpop up pag may new messages. Pero ang hindi ko naisip ay kung pwede bang isetup un na di magpapop kapag may nag-invite. Kaya ang ginawa ko habang nasa tapat siya ng table ko at kinakausap ako at habang ang mata niya ay pilit sinisilip ang PC ko. Tumayo din ako nakaharap sa kanya (na di ko naman ginagawa talaga noon), nakatalikod sa PC ko at nakapamewang para maharang ko ang katawan at mga braso ko sa PC ko. Hindi niya ako napagsabihan tungkol sa ganun kaya inassume ko na hindi niya naman cguro ako nakitang nakaopen ang YM. Good Job!

Pero hindi na dapat sila magreklamo kung mahuli man nila ako na nagchachat. Unang-una friend ko naman ka-chat ko o kaya family. Pangalawa, multi-tasking naman. Nagagawa ang work habang nagcha-chat. Pangatlo, naipagpapaliban ko naman ang chatting kapag may urgent siyang letter o memo na ipapagawa. Pang-apat, hindi naman ako laging online noh! At eto pa nagpagawa ng memo kanina ang big boss na bawal ang pagsasalita ng malakas (bulungan na lang toh), bawal ang personal calls (hmmm di naman niya malalaman un noh – I think para sa mga designer un heheh kasi kami all the time nakasukbit sa ulo ang headset), at lastly bawal ang masydong malakas na ring tone. Ayun pinagtatawanan tuloy ako ni purchaser kasi biglang nagring phone ko eh ang lakas. Lapit siya sa akin sabay sabing ako daw ang nagpapirma sa lahat tapos ung phone ko ang maingay, tawa ng tawa ang mokong na purchaser, mabuti na lang nagkulong sa office niya ang big boss.

14 thoughts on “pinay pasaways

  1. galingan nyo lang ang pagtatago at yung mga hirit nyo para hindi mahuli kasi sa totoo lang, bawal talaga ang mga personal ekeks kapag oras ng trabaho, ahahah – kahit saan mo tingnan, wrong yon. pero sino ba naman ang magpapapigil di ba? e yung big boss nga ni kengkoy, pina-ban yung mga websites dun sa office nila. kahit na yung weather station hindi na nila mabuksan. tapos nung isang araw nagwala yung mismong big boss dahil hindi daw sya makapasok sa personal email nya. o edi balik ulit yung internet nila, ahahaha. obvious bang pati yung mga nasa taas, kunyari bawal, pero sila din kasali sa ganyan ano, hmpf

    sa tututs lang bawal nga tlga, if mahuli kami, kami tlga may ksalanan. Work and No Play dapat. Nsa empleyado un kung magiging honest ka – or if not kung di ka magpapabuking sa bossing.

    at ang masesay ko lang sa mga nakatataas na nagpapabawal eh ang Plastik nila hehehe. Kasi mismong mga boss eh kung anu-ano din surf. Gaya ng facebook hahaha. akala ko kung bakit super seryosong nakatitig sa monitor, pagtingin ko tinititigan pala ang pic nung girlash sa facebook.

  2. basta ingat na lang. at least, umalis ka man dyan, may magandang feedback na ibibigay sa yo ang mga bossing mo pag kinailangan mo ang referral. dito sa opis amin, matindi. chugi ka agad. pero mabait etong bagong lady big bossing namin. nagpalagay na lang ng computer station sa lunchroom para sa mga personal emails or chuvas na bebo na parang friendster or myspace. kaya no reason na rin na mag-open ng personal sites sa work station mo. pero kwidaw. dati, ang camera naka tuon sa fridge. pero ngayon, inilipat at iniharap sa computer station. hahahaha!! paano ka naman nun?

  3. galing ng mga rason mo, kapatid! palusot kung palusot!πŸ˜€
    well, ganyan din kami ng mga opismeyt ko madalas. kailangan talaga ang mga ganyang diskarte. buti na lang di bawal ang YM samin.πŸ˜€

    <a href=”http://crumb-trails.com/”crumb trails
    <a href=”http://salvacion.wordpress.com/”crumbs
    <a href=”http://eyeview.wordpress.com/”i-view

  4. ..pasaway nga naman kasi, dapat discreet namang magopen ng appointments sa loob ng office e..o kaya online na lang hanap ng work yang kaopismate mo.he3!
    di naman talaga maalis sa atin na itake advantage ang net services ng office kasi sayang..pati sa oras pag petiks lang.hehehe!
    paano mo iaalis pagpop ng new messages? pasensya bano ako sa ganun e.heheheh!!!

  5. hehe basta makaka lusot talaga lulusot, kung ayaw talga nila ng ganyan, i blocked na lang tulad sa iba. PERO since d nila ginagawa, mabuhay ka sis. magaleng magaleng :clap:πŸ˜€

  6. Sorry to write you about this here.

    My family is sponsoring a SEARCH for the 2008 TOP 10 PINOY EXPATS BLOGS, showcasing the blogs of OFW and Pinoy Expats wherever they are in the world. We would like your support to spread this message out and so we can have the maximum awareness. Anybody can vote, Filipino or Americans, or whatever nationality, provided, the URL Voted or Blog submitted is manage by a Filipino who either work or live abroad. Please visit more here, http://jbsolis.blogspot.com/2008/07/search-for-2008-top-10-pinoy-abroad.html Thank you. You can ask your friends to vote for you. The voting is simple.

    You can write a blog entry about it and you can write anything inviting others to join the 2008 TOP 10 PINOY EXPATS BLOGS.

    Rhapsody: Hi there! Thanks for the info!πŸ˜€

  7. hello rhap..

    simply lang, as everybodys says—-respect and descipline when it comes to work…dont break the law:) its highly prohibited dealings PRIVATE THINGS
    at company, always bear in mind.

    regards,
    meds

  8. Haha. Sa office din namin ginagamit namin computers namin sa non work related things. An employee needs to have a diversion sometimes. Just to avoid boredom or create an idea out of nowhere. Minsan nga nag ccounter strike pa kame, our way of team building na din yun. Haha.

    Rhapsody: hi kirksydney! yeah we all need diversion and entertainment.. as long as alam natin kung hanggang san lang tayo. at alam natin na di naman mapapabayaan ang work. at kung kaya din nating itago ang ilegal na ginagawa natin hahahaha… bilib ako sayo counterstrike pa ha.

  9. Yeah yeah, pwede naman talaga eh. Wag lang tanga na magpapahuli, tulad nyang sa blog mo, haha. Teka, taga Dubai ka din?

    Rhapsody: yapyap! waaaah ikaw din? lumalago ang dubai wp blogger ha…πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s