Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Love & Relationship

2 Years & 2 Berkdays


Kahapon ang 2nd year Anniversary namin ni papuch. Happy 2nd Year kahit di mo naman toh mababasa grit pa rin kita. Wala naman kaming naging celebration. Pagkatapos lang niyang pumasok sa office ng ilang oras dumiretso na siya sa bahay namin. Tamang tama nakapagluto na ako ng lunch. Nothing special, just a regular lunch at home kasama ng aking isang ka-roommate. Yung dalawang roommate kasi may pasok sila ng Sat. Sa amin nakitulog si papuch for 2 nights. Mabuti na lang at bakante yung isang kwarto kundi san siya matutulog. 3 days din kasing walang kuryente sa Villa nila – at isa na sa idedemolish next month ang Villa’ng tinitirhan niya, kaya by next month dapat wala na sila dun. Kami nag-iisip isip na rin na maghanap ng lilipatan kasi naman 1 block away lang ang distance ng bahay niya sa bahay namin. As in nung nagtampu-tampuhan nga ako kagabi kasi masama loob ko sa kanya. Ni-drop niya ako sa bahay namin, siya pumasok siya sa loob ng haus namin para kunin yung naiwan niyang gamit. Ako naman di umuwi, iikutin ko ung isang block. Ayaw ko kasi umuwi sa bahay ng may bakas pa ng lungkot sa mukha. Tapos nakita niya ako sa kalsada naglalakad pabalik ng bahay. Naks dramaqueen ako paminsan minsan heheh. Pero siyempre nagkaayos din kami. Sobra lang akong nainis at sumama ang loob, kailangan lang ng matagal na paglalambing para mapaamo ako😀 At ng BigMac – natuwa ako kasi tagal ko ng di nakakain ng McDo burgers hehehe. Isang BigMac for our 2nd anniversary. Hehehe. Simple lang walang dating. Gusto niya manood sana ng Indiana Jones kaso tinatamad ako manood ng sine eh. Pagod pa ako kasi naglaba na namalantsa pa. Kaya nga nagkaron ng mini-drama/away.

Last Thursday & Friday naman sobrang saya ng celebration. Birthday kasi today ng dating kasama sa haus at bukas ng isa pang karoommate. Pero early ang naging celebration. Ginawa na nga nung Thursday night para sa mga bisita nila at ang continuation nung Friday morning kami-kami lang un. Mahirap na kasi mag-imbita daw ng bisita kapag ngayon o bukas ang party kasi nga may mga pasok kinabukasan at for sure iilan lang ang makakapunta – or worst, walang makapunta kundi kami lang magkakasambahay.

Galing ni papuch sa pagslice ng onion hindi man lang nagluha. Samantalang kapag ako ke maliit o malaki, marami o konti para na akong may iniiyakan. Kaya nga iniwasan ko talaga ang sibuyas, kamatis ang chinop chop ko. Ano nga ba mga handa nun… dinuguan at puto, hipon, squid at bangus stuff with tomatoes, onions, spam, garlic, grated cheese at di ko na maalala kung anu-ano pinaglalagay. Rellenong Bangus ba ang tawag jan? Ewan ko… di kasi pwedeng inihaw ng bangus kasi di naman namin inihaw eh. Syempre merong cake, ice cream, mga pulutang orange, cucumber, carrots at mga alak. Dahil di naman ako inomera, akala ko ang mga pinupulutan lang noon ay ung mga sisig o kung anu-anong pagkain pero pwede din pala ung mga carrots, cabbage at gaya nung mga nasabi ko kanina. Dun kami pumwesto sa isang bakanteng kwarto na tinutulugan pansamtantala ni papuch. Kami-kaming mga hindi na masasabing bisita ng mga celebrant, dun kami nag-iinuman at kumain, nanonood kami ng movie kahit di namin maintindihan kasi ang lakas ng sounds sa kabilang room nga kasi nagvivideoke na ang mga bisita. Di ako masyado makainom kasi may bantay, pasaway na bantay siya naman ang umiinom kahit pinagbawalan. Sabagay di naman nakarami ng inom si papuch, naihatid nya pa ang tatlong babaeng bisita na nakatira sa malapit lapit lang sa lugar namin.

Kahit ganado pa sa pagkanta ang mga bisita pina-pack up na ng isang kasama namin. Mahirap din kasi may isa kaming kasambahay na di naman talaga namin originally kasama nung naglipat. Taga-kabilang bahay siya dati at dahil nasisikipan na siya sa kabila lumipat sa amin. Imbes na walang tulugan, nabitin tuloy ang bisita. Nung nagluluto pa lang kami, sabi ko sa kanya birthday kasi nila Ate. Ang sabi niya agad sa akin – Pa’no daw un may pasok siya ng maaga bukas. Ayun natameme tuloy ako, di ko kasi alam kung anong isasagot sa kanya. Sinabi ko sa dalawang celebrant, ang sabi nila sa akin, hindi ba pwedeng duon muna siya sa kabilang bahay matulog, ngayon lang naman daw ito at saka birthday lang naman daw nila. Tulala na naman ako, di ko kasi alam papano sasabihin eh. Nung nagkalakas loob na ako sabihin pero syempre di ko sinabi talaga kung ano’ng sagot sa akin. Pinaalam ko lang sa kanya na sinabi ko na may pasok pala siya kinabukasan. Bakit ko daw sinabi na parang nahihiya pa siya na parang ang gusto niyang sabihin eh nakakahiya naman sana di ko na lang sinabi. Pero pano naman ang gagawin ko nun dibah parang un sinabi niya sa akin kasi na may pasok siya, understood na ang ibig niyang sabihin ipaalam ko sa kanila na gusto niyang matulog ng maaga. Di ko naman bisita yung mga dumating, hindi ako ang pwedeng magpauwi sa kanila. Nung nakausap niya ang isa sa celebrant na humihingi ng pasensya, ang sabi niya nga walang problema dun siya sa kabila matutulog kasama ng mga kaibigan at dati niyang kasambahay. Pero nung bandang mag-aalas onse na ng gabi lumabas ang isang friend na bisita namin nagtatanong sya kung pwede na daw ba siyang matulog sa room. Ang labo akala pa naman namin todo todong celebration na un. Anyway ok lang at least nakatulog ako ng maaga hehehe. Kasi kung hindi wala akong kamang matutulugan dahil nakaharang ung table sa harap ng bed ko.

Kaya yun kahit humihirit pa ang isang bisita hindi na napagbigyan ng mga celebrant. Sabi ng isang bisita, titigil na daw sila pagkanta magiinuman nalang. Kaso nga di na pwede kasi naghihintay na si kasambahay. So ayun 12:30midnight nagsitulugan na agad kami. Ang aga pa noh. Mahirap pala kapag ang kasambahay mo ay ndi talagang ka-tropa na pwedeng mag-adjust paminsan-minsan kapag may importanteng okasyon lang. Mahirap din kapag ang kasambahay mo ay may pasok ng Friday. Kasi kung wala eh di every Thursday night sana walang problema, kasi un na lang ang araw namin para mag-enjoy at magpakapuyat sana pero ndi naman pwede. Bilib kami talaga sa isang karoommate/tropa kasi wala siyang pakialam kahit maingay at madaming tao natutulog siya sa higaan niya. Antukin kasi siya matutulog siya kahit maingay o bukas pa ang ilaw. Pero gumigising gising pa din siya babalik lang ulit sa tulog. Pero kung iisipin kami ang nagmamanage ng isang room na iyon lumipat lang nga siya dahil nasisikipan na daw siya sa kabilang bahay. At kung iisipin kami ang nagbayad ng mas malaki sa upa kahit na ipinaliwanag ko naman sa kanya ang hatian sa bayad na isang room at hindi bedspace. Pero nagulat lang kami na iba daw ang terms na pagbabayad niya. Wala siyang advance kaya nung tinaasan ang renta hindi pa daw sakop nung buwan na lumipat siya. Anyway, hinayaan na lang namin mayayaman naman kami. Charing!

Bumawi kami kinabukasan since wala naman si kasambahay pwede naming ipagpatuloy ang saya. Alas-sais pa lang daw ng umaga un nung nagising na ang mga friends. Bumangon ako nung 7:30am gusto ko pa sanang matulog pero nanggigising na sila. Pagkakain ng almusal aba sinetup na ang mediacom, gusto ng magkantahan kasi ndi kami nakapagvideoke kagabi syempre para sa bisita muna un. At ang nakakagulat nag-order na rin at binuksan pa ang tinabing alak kagabi. Grabe talaga ang agang inuman un. Si papuch naman ang takaw sa tulog kaya aun pinainom ako ng pinainom ng mga friends habang tulog daw si papuch. Patigil tigil naman ako sa paginom lalo na’t kapag namumula na ako. Ayun tuloy at nawala ang hiya nakikanta na rin. First time! First time talaga na kumanta ako kasama ng iba. Di kasi ako napipilit kumanta kahit saan, sa bahay lang at kapag kami lang pamilya.

Next Thursday beach naman daw! Sasamantalahin na namin ang summer. Post celebration ng birthday heheh. Pero di naman pwedeng mag-inuman dun kasi nga dibah bawal ang alak sa labas, ang corny noh. Pero kung minsan may nakakalusot naman, makikita mo na lang minsan may nakabaong bote ng alak sa buhangin. This coming Thursday di na maiistorbo si kasambahay. Sabi ko dibah nun lang araw na un kami nagkaron ng party’ng pangmagdamagan sana pero naunsiyami. Heheh.

3 thoughts on “2 Years & 2 Berkdays

  1. ..uuy lola..happy 2 years sa inyo ni papuch mo. at kahit pa big mac lang yan…ang importanta masaya kayo ni papuch.;p congrats!;)
    hay naku, yan hirap sa set up ng bahayan dito e..kelangang makisama sa iba’t ibang ugali ng tao..no choice.
    enjoy sa gimik next thursday…=)

  2. happy two years po sa inyo ni papuch!!! walang halong kaplastikan ito ha, pero hangad ko ang iyong walang kataposan kaligayahan sa inyong dalawa.. ang lalim ko.. hehehe, pero masaya ako at masaya ka sis! apir!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s