Posted in Uncategorized

creepy but sad


Di ba pahapyaw kong nakwento yung tungkol sa opismeyt ko na umuwi ng Pinas dahil namatay ang tatay niya. Na-feel talaga namin yung lungkot at panghihinayang niya na di siya nakauwi habang buhay pa ang tatay niya. Sobra yung iyak niya pagkatapos niyang ibaba ang fone para kumustahin sana ang pamilya niya.

Nung umaga ng araw na yun bago niya malamang patay na ang father niya. Ang daming blankong messages sa kanya galing sa number ng tatay niya. Tawa nga kami ng tawa kasi yung anak nya palaging pinakikialaman ang celfone ng tatay niya. Madalas walang nakalagay, blankong text lang sa tinetext nila sa Chikka Account ni opismeyt. Kung minsan naman ang laman lang ng message ay 12345678910. Aksayo sa load pero natatawa na lang kami. Ngayon nalaman niya naman na nung araw na iyon na namatay ang tatay niya. Lahat pati mga anak ni opismeyt ay nasa hospital dahil nga inatake na at namatay ang tatay niya. Halos mangiyak ngiyak ako dahil nangingilabot din ako na parang ayokong marinig nung nalaman namin na yung celfone ng tatay niya nasa bahay lang nila at naiwan. Kakakilabot talaga kasi ang dami niyang messages na nareceive sa chikka. Kaya nga siya napilitang bumili ng card at tumawag sa Pinas kasi kinabahan siya sa dami ng blank messages na nareceive niya. Ako naman tinawanan ko lang siya nun dahil ang nasa isip ko nga anak niya lang un.

Gumawa ng paraan ang tatay niya na ma-inform sa kanya yung nangyari. Sa kanilang tatlong magkakapatid na nandito sa Dubai, siya ang kauna-unahang nakaalam. Siya ang pilit na pinapauwi muna ng tatay niya dahil mahigit dalawang taon na siyang di nakakauwi sa Pinas dahil nga ayaw siyang payagan dito sa company kasi siya nga ang inaasahan sa halos lahat ng work. Kaya sobrang iyak at guilty siya dahil hindi niya man lang nakita na buhay pa ang tatay niya. Haayy kakaiyak talaga.

5 thoughts on “creepy but sad

  1. parang nung namatay din itang ko. may pager sya na numeric lang na one liner. ang gumamit, yung pinsan ko. magdamag daw, beep ng beep pero shempre, di nila alam kung sino yun. the following day, tinawagan. sabi dun sa number na tinawagan, wala raw silang pine-page na ganung number. hanggang sa nagkakilala na sila nung pinsan ko. yun pala, may anak sa labas itang ko, dun sa number na yun nakatira. so? sino nagpe-page sa pinsan ko nung magdamag na yun?

  2. i wrote in my blog about ‘imagine a world without filipinos’ feel free to copy or repost them.

    Its great to find your blog here at the bloggernacle. its good to find people who actually care and share what’s the best they got! Keep doing great!

  3. biruin mo nga naman ano, nagparamdam pa si tatay sa anak nya noong mismong araw na pumanaw sya. naniniwala ako sa ganyan eh. may mga paraan talaga ang mga malapit ng mawala sa mundong ito, na kalabitin ang kanilang mga mahal sa buhay bago man lang sila mawala. nakakapangilabot nga kung iiisipin, pero sa isang banda parang nakaka-touch din.

    pag ako malapit ng mamatay, ite-text ko kayong lahat.

  4. nangyayari yata talaga ang ganun, na parang gumagawa yung namatay ng way na magparamdam sa mga mahal nya sa buhay. naiintindihan ko si opismeyt mo dun sa pag-iyak nyang ganun, yung may kahalong guilt. i felt the same way nung nawala din sa amin yung isa kong pamangkin. di ko maalis sa sarili king ma-guilty kasi pag umuuwi ako nun sa province, sandali lang, so di kami makapag-bonding nang husto. di ko maalis na manghinayang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s