Posted in Random Thoughts, Work & Work Hard

u won’t be missed heheh


Sampung araw kaming masaya sa opisina. Sampung araw ding masaya ang nanay ng amo ko. Sampung araw na walang pa-tweetums na boses na tatawag sa extension ko para mag-utos na tawagan si ganito, gumawa ng letter kay ganito, o gawin ang ganung bagay. Yan ay dahil wala si babaita. Sampung araw siya sa Pakistan. Sana ma-assasinate na lang siya sa bansa niya, jowk lang! If ever, you won’t be missed heheheh. Sama ng ugali ko! Cge na nga jowk lang uli yan! Bestfriend ko naman siya kunwari. Dun ko napatunayang tama nga ang sinasabi ng iba na yung best friend mo siya ung worst enemy mo. Hehehe. Ok di naman talaga totoo un kasi nga di naman kami bestfriend. Kunwari lang. Ang importante nakikipagplastikan siya sa akin at ako kung maganda naman ang mood niya sa akin, maganda din ang pakikitungo ko sa kanya. Kapag masama siya, dumidistansya ako sa kanya.

Pansin ko lang kapag wala siya kahit papano nababawasan ang trabaho ko. Paminsan minsan ang big boss na pasaway din ay may mga utos pero kahit papano hindi sabay-sabay. Unlik kapag dalawa silang andito parang ako lang ang empleyado at pangalan ko lang ang laging tatawagin. Sana matapos na ang bakasyon ng isa kong opismeyt para balik na ulit sa kanya ung mga trabaho niya. Para din makapagconcentrate na ako sa pagiging administrator sa isang kumpanya ng amo ko. Charing! Administrator nga wala naman additional na sahod. OO nga dinagdag nga ng sahod pero kung iisipin mo dapat dobleng sahod, kasi dalawang kumpanya eh. Anyways, dahil tinatapos ko na lang naman ang contract at para na rin madagdagan ang kaalaman ko sa mga gawaing opisina. Ineenjoy ko na lang. At least may mga kakilala na akong supplier o managing director. Sa kanila ako mag-aapply sa susunod heheh. Charing lang un! Basta close na kami nung ibang supplier sa fone nga lang heheheh.

Bakit ko nga pala nasabi na masaya ang nanay ng amo ko? Eh kasi naman chinismis ng Pinay na kasambahay ng big boss namin na di nga daw gusto ng nanay ni amo si babaita. Kasi nga sama ng ugali heheh. Tapos dun na minsan natutulog, pagkaalis nga daw ni big boss at babaita, maririnig niya ang nanay ni big boss at sasabihing “No wedding! No wedding!” Tapos kung minsan daw umagang umaga, magwawala ang babaita kasi di mahanap ang shoes niya. Maya maya nakita niya kagat kagat ang sapatos niya ng baby ng kapatid ni big boss. Tapos magagalit nga daw sa baby si babaita at sasabihin sa nanay ng baby na pagsabihan o bantayan naman daw ang ginagawa ng baby. Napaka talaga ng babaitang yan, syempre naman baby pa un eh inosente pa un at di alam kung sapatos niya na pala ang nginangata. Wala lang daw magawa ang pamilya ni big boss kasi si big boss ang sumusuporta sa nanay at mga kapatid niya.

Anyways, enough of babaita’s life. Natutuwa naman ako kasi ang bilis ng araw. Thursday na naman kaya it means pahinga to the max na naman ng 2 days. Naka-line up na nga ang pagkakabalahan. Kapag di tinamad si papuch. Sabihin ko magpark kami sa park para sumagap ng illegal ng net connection. Nang sa gayon makapag-upload ako ng pictures sa friendster heheheh. Akala mo naman kung gano ka-importante noh. Mag-dadownload pa rin ako ng movie sana kaso lang walang time. Kasi nga mamaya may munting celebrayson/inuman daw sa bahay. Di naman ako makakainom kasi ayoko na nga ng feeling na lasing eh. Cguro tikim tikim lang. On Saturday, baka mag-ikot ikot sa mga malls para makabili unti unti ng mga pangcargo ko. Shucks dami ko pang kailangang bilhin para mapuno ko ung box. Teka matanong nga mga kapitbahay ko sa Dubai, especially si Sommer na gala heheh… ano ba mas affordable bilhin, ung vans (slip-on) o pony v. I heard kasi mahal ang pony v eh. Pero gusto ko nga samantalahin ang sale ngayong DSS para maghanap nung sapatos na un o vans na lang para mura mura heheheh, dahil nagrerequest ang bunsongbro ko. Sana lang marami pa kong pambili heheheh.

2 thoughts on “u won’t be missed heheh

  1. …wow!!! shopping galore ang lamyerda ng lola. kaya lang sorry parang di ako makakatulong sa desisyong yan..kasi hindi ako fan ng vans ever at pangalawa…di ko lam ang pony v na yan…yan ba yung pony na me wings na cartoon character?nyahhaha!!!
    yung bigay ko kasi ke bro ko, rockport…sa brantano ever…
    hanggang kelan yang DSS na yan?;p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s