Posted in Work & Work Hard

not so busy


You really won’t believe it pero si babaita bait-baitan sa akin. Cguro dahil she had no choice but to work with me. Kasi naman nakabakasyon ang isang opismeyt na namatayan ng tatay. Tapos ang isa naman 3rd week of June ang bakasyon. So ako lang ang matitira. Kaya super duper dami kong trabaho everyday. Ngayong araw na ito swerte ko na kasi nakakagawa ako ng blog. Gawa lang muna ako ng gawa, save it in my draft then post it whenever I’m not busy. I can’t tell whether the following days I’ll be busy or not. Kaya sinasamantala ko na ngayong may chance pa.

Si babaita nga feeling close na naman kami. Panay panay ang tawag sa akin. Panay panay din ang pagpapagawa ng mga business letter ang mag-jowang amo. Kung minsan pang-asar pa na lagyan ko daw ng mga sweet words. Sabay sabing i-try ko daw kahit alam nyang di ako magaling sa ganun. Nung nagpagawa naman ng letter na kailangan daw tough ang nilalaman, ngayon daw magagamit ko yung mga tough words na un. Buset noh. Di naman kasi tough ang mga salitang ginagamit ko eh… straight to the point lang, wala ng mabulaklak na salita. Pa-tweetums na naman na parang close na close kami. Ako naman binabalewala ko na lang hayaan ko lang kung ano’ng trip niya. Ilang buwan na lang naman hindi na rin kami magkikita. Mag-aadios na ako dito. Matagal pa pero feeling ko malapit na.

Sa dami kong trabaho sa opis, feeeling ko eto na yung karma ko hehehe. Kasi naman sa buong dalawang taon ko dito halos ma-bored ako, sumasakit ang ulo ko tapos bagsak na bagsak na ang mata ko. Kung minsan halos gusto ko ng humiga sa upuan ko hindi ko lang magawa. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses akong pabalik balik sa cr, para lang umupo saglit at pumikit o kaya mag-inat inat ng mga buto para magising ang diwa ko. Di ako mapakali nun kung ano sa mga blog ang bibisitahin ko. Lahat ng pagcha-chat, paggawa ng kung anu-anong accounts, pag-eedit ng friendster, pag-aupload ng pictures, pagda-download ng MP3, lahat yan sobra sobra pa ang oras ko. Umaabot pa rin sa oras na nakatulala na lang ako sa harap ng monitor kasi wala na akong magawa. Tapos ngayon heto na po ang karma. Wala na akong oras para gawin ang mga dati kong ginagawa. Hindi na ako makapag-chat sa mga kaibigan ko. Hindi na makapag-email masyado sa bestfriend ko. Hindi na makatawag sa mga friends ko kaya puro missed call na lang ang nakikita ko sa fone ko. Hindi na rin ako updated sa mga buhay buhay ng mga bloggers na dati-rati maghapon akong pabalik balik mabasa ko lang ang mga pangyayari sa buhay nila. Pati nga minsan pagpunta ng cr kahit na wi-wee’ng wiwee na ako eh kinakatamaran ko. Ako kasi yung tipong hindi titigilan ang trabaho hangga’t hindi ko natatapos. Pwera na lang dun sa dating nag-iisang trabaho na dapat kong gawin na di ko naman palaging ginagawa. Ang gusto ko lang ngayong abalang abala ako sa mga trabaho ay yung hindi ako inaantok. Ang bigat kasi ng pakiramdam na inaantok ka tapos di ka naman makatulog. Isa pa mabilis tumakbo ang oras kapag maraming ginagawa. Magugulat ka na lang uwian na pala.

4 thoughts on “not so busy

  1. wow ha bka maging frenship ever nga tlga kayo ni babaita😀

    ok lang busy kesa walang magawa, nakaka urat😀 pero find tym to chillax pa din …

  2. …hala, parang karamihan simula ng matoxic ngayon ah…malapit na kasi magsipagbakasyunan mga amo. sa amin din mega busy na mga tao…di bale malapit na uli thursday.hayyy. goodluck sa trabaho.=)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s