Posted in Work & Work Hard

busyness


Lately masyado akong tinamad sa pagba-browse at pagba-blog. Madalas kasi sumakit na naman ang ulo ko sa sobrang pagbababad sa computer. Kaya heto at muntikan ko na ring kalimutang silipin kung ano na ang kaganapan sa bahay ko. Pagsilip ko wala namang nagbago except sa mga iilang naiwang comments na di ko na-moderate at ang mga walang magawa kundi magkalat ng spam sa mga bahay na walang bantay. Kaya heto naisipan kong magbabad muna sa balay ko pansamantala. Samantalahin ko munang magsalitype ng kung anu-ano lang habang wala pa akong ginagawa. Dahil pag dumating na ang big boss naku baka kung ilang letter na naman ang ipagawa sa akin.

Dahil din sa katamaran ko sa pagsilip dito hindi na tuloy ako nakagawa ng mga entries tungkol sa mga pangyayari sa opis. Anyway wala namang gaanong magandang pangyayari. Sa ngayon nadagdagan na naman ang workload ko. Aside sa mga trabaho sa isang kumpanya na dito din naman ang opis at nagiging busy lang ako tuwing isu-submit na sa akin ang mga bills at vouchers, paminsan minsan ding kakausapin ko ang mga nagko-complain dahil delayed ang delivery ng mga gamit nila. Heniways, kahapon lang nadagdagan na naman ang trabaho ko. Pero wala naman akong reklamo kasi di naman ginusto na maipasa sa akin ang maiiwan na trabaho. Namatay kasi ang tatay ng ka-opismeyt kong isa kaya kahapon naghanap agad kami ng booking para sa kanya. Sa akin naipasa ang trabaho niya na naismulan ko na ngang unti unting gawin kahapon at ngayong araw na ito. Sumisingit pa ng sumisingit ang big bossing sa pagpapagawa ng mga business letters para sa kung kani-kaninong supplier at tenants ng hawak nilang Villa. Pasingit-singit din ang pagpa-followup ko ng booking na natapos hanggang alas sais ng gabi. Pang-asar pa itong big boss namin sinisi pa ako kung bakit di ko daw ipinaalala sa kanya na may isa pa akong sulat na gagawin. Buti na lang mabait ako kahapon dahil na-shock pa ako sa balitang namatay na nga ang tatay ni opismeyt. Kung hindi nasagot ko lang siya. At mabuti na din na di na lang ako sumagot baka pareho na silang dalawang magalit sa akin heheh.

So naibigay na nga sa akin ang trabaho ni opismeyt na isa. Sa mga susunod na linggo magli-leave na rin ang isa pang opismeyt ko kasi manganganak na siya sa July. Waaaah ang dami kong trabaho. Sana wag akong malosyang nito hahaha! Di bale may bago naman kaming kasamang Pinay. Tutulungan naman ako siguro nun sa ibang trabaho. Tapos may padating pang dalawang bago. Sana naman maipasa sa bago yung ibang trabaho na madali naman gawin.

Nakapagdesisyon na din ako na hindi na ako magreresign. Konting pagtitiis na lang naman toh. Naalala ko ang isang opismeyt ko nung sinabi niyang 10 months na lang tapos na ang kontrata niya ngayon anim na buwan na lang. Kaya mas maigi pa ngang hintayin ko na lang. Pabayaan ko na lang matuyo ang dugo sa akin ni babaita. AhaAhaAha!

6 thoughts on “busyness

  1. naku sis busy ka naman sobra, wag ka papadala sa mga work na yan isipin ang beauty! ako din di na masyadong makalibot sa mundo ng blogging, luvlayf kasi pahamak hahahah! ingat ka dyan ha at iwas sa stress!

  2. nakakapapod talagang magtrabaho minsan. ewan ko ba kung sino nagpa-uso ng trabaho eh. hehe. konting tiis na lang. ako baka 2 months na lang dito sa company namin. gusto kong maghanap ng bagong trabaho. hehe

  3. oi, magpahinga ka din at baka ma-stress ka nang husto. sana nga di naman itambak sayo ang trabaho at ipamudmod naman sa ibang tao dyan sa opis nyo. saka yang si babaita, dead-mahin mo na nga lang talaga! hehehe😀

  4. ATE MY… wag ka mxadong magworkaholic… wag mong kalimutan ang byuti mo.. pwede ba ako isub sa opismeyt mo dyan na naglive… byaran mo lng pamsahe ko.. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s