Posted in Life, Work & Work Hard

2 down, one more to go!


Umaga pa lang kahapon inihanda ko na ang simple at maigsing email for madamCEO tungkol sa hinihintay kong annual pay at encashment ng 2-way ticket fare. Pinaigsi ko na lang para di na humaba pa at baka mahanapan na naman ng improper words ang sulat ko. Dumating sila. Nagkulong lang siya sa opis. Yung big boss namin nasa labas na table lang. Ni hindi sila nag-uusap. Walang reply sa email ko. Ilang libong beses ko yata ni-click and Send/Receive button sa outlook pero mga pesteng spam lang at kung minsan mga reply ng kaibigan ko lang ang natatanggap ko. Maglalunch na wala pa ring sagot. Ni-resend ko ulit ang email na yun sa kanya, madalas kasi ang idadahilan niya hindi niya na-receive.

Maya-maya lumabas siya ng opis niya, tumingin ako sa kanya hoping na mapatingin siya sa akin para maiparamdam ko na may kailangan ako sa kanya. Aba dire-diretsong lumabas at umalis na. Waaaah… naiinis ako pero di na lang ako kumikibo. In-email ko na lang ang friend ko at sa kanya naghihimutok habang tinutulungan ko din siya magcompose ng email para sa isa sa mga manager nila na parang dumidiskarte daw sa kanya. Syempre wala siyang interes dun sabi ko nga mag-ingat siya dahil maraming manyak sa disyerto.

Mga 3:30pm na yata nung bumalik siya sa opis. Nagkulong na naman at wala pa rin sila kibuan ng big bossing na jowa niya. Nag-iisip na akong gumawa ng email na isesend ko na lang kinabukasan kung wala pa rin siyang maibigay sa akin. Pero maya-maya ayan na sumagot din ang babaita. Ready na daw ang cheke ko. Pero siyempre pinalipas ko muna mga ilang minuto hehehe. Nag-iisip ako kung magse-send na lang ba ako ng reply sa email niya o kakatok na lang ako sa opis niya para kunin na ung cheke o tatawagan ko siya sa extension. Ang ginawa ko na lang tinawagan ko siya at tinanong kung pwede ba akong pumasok sa opis niya. Ok naman sa kanya kaya pumunta na ako. God loves me talaga. Nung isang araw lang badtrip na badtrip ako tapos kinabukasan ang saya ko na. Kahit na PDC ang cheke ayos lang at least nasa mabuting kamay ko na ang chekeng hinihintay ko. Ilang araw na lang din naman ang hihintayin ko maeencash na yung cheke.

Isa na lang po ang hinihintay ko. Ang komisyon ko. Syempre natalo kami sa pakikipaglaban sa 1% na dapat naming makuha. Empleyado lang kami at siya lang naman ang mapapangasawa ng may-ari ng kumpanya. But at least ni-try namin ipaglaban HeheheH. Although tagilid ang mga palusot niya nung isang araw kailangan naming tanggapin. Sinisisi niya dun sa mga naging Manager namin na wala na sa kumpanya ang hindi pagkaka-abiso sa amin tungkol sa pagbabago ng sistema sa komisyon. Nagpalabas pa nga daw ng memo at bagong policy ang big boss namin. Kung hahanapin niya pa daw ang mga dokumento matatagalan pa. Kung gusto daw namin makita magpapagawa na lang siya ng bago sa big boss namin para daw mabasa namin. Naks tamang palusot ni babaita talaga. Kapag gumawa sila ng bago papano kaya mapapatunayan na noon pa pinalabas yung changes na iyon eh wala naman pirma nung mga manager namin dati. At isa pa, kinabukasan tinanong ng isa kong kasama yung isang Account Manager wala naman daw nasabi sa kanya. Pero dun sa bagong Account Manager ganun na rin ang komisyon na makukuha niya – mababa. Anyway, pasalamat na rin ako pina-clear niya na un iba naming na-confirm na projects na di niya isinama nung una sa listahan. Kung 1% pa rin lagpas 2k na din ang makukuha ko, almost 3k sana pero 1% of 25% ng contract price na nga lang eh, kaya 900dhs na lang ang natira. Heheheh… oks na rin. At least ibibigay na daw.

10 thoughts on “2 down, one more to go!

  1. honga! kaya pa chizburger ka na! burger! burger!

    gud things come to those hu w8 daw sis😉

    Rhapsody: korek! hehehe sanan di naman masyadong matagal na paghihintay itong isa…🙂

  2. Keri na rin yun, kapatid. at least tinutupad nila pangako nila.

    oy, may tag pala ako sayo.😀

    Rhapsody: yup chige sisilipin ko yang tag mo sa akin.. salamats!

  3. ..nabigay na ba? tagal mong wala ah?

    Rhapsody: na-encash ko na ang cheke, ung sa komisyon buwan na naman yata ang bibilangin bruhaha tlga si babaita🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s