Posted in Uncategorized

happy person


Last week pino-problema ko na talaga yung pagbabakasyon ni friendship ko. Kasi ang ibig sabihin nun kapag nagbakasyon na siya wala na maghahatid at sundo sa akin sa work. Ang iniisip ko talaga eh super init na kasi ngayon hindi ko kakayanin dahil mahirap na nga maghintay ng bus hindi kagaya noon na kahit super lamig o super init kahit papano pag may dumating na bus makakasakay agad ako. Kaya pray ako ng pray kay God. Hindi ko naman pinagpe-pray na sana wag matuloy bakasyon ni friendship noh. Pray ko na sana mabigay na ung car kay papuch.

Hindi nagtagal sinagot agad prayers ko weee nung Thursday may kotse na uli si papuch. Yipeee! I’m so happy hehehe babaw ko noh! Pero happy talaga ako kasi hindi na ako matutusta sa araw at tatayo sa bus stop ng isang oras o lagpas pa. Tapos once makasakay na ng bus nakatayo o kalahting pwet ko lang ang nakaupo da whole trip. Kaya lang nalungkot yata si friendship syempre mami-miss niya daw ako kasi hindi na ulit siya ang magda-drive para sa akin. Bilib ako jan kay friendship sobrang bait na tao kaya nga mabait din ako sa kanya.

At isa pang nakakatuwa improving na ang dollars ngayon kahit papano tumataas naman. Mejo may eksena pa nga dun sa money exchange eh. May tatlong Pinoy kasi na napaka-ingay sa loob ng exchange. Parang mga nagpapapansin tapos pinagkakatuwaan nila yung Manager na ibang lahi. Ang tapang nilang magbiro ng magbiro kasi hindi naman sila maiintidihan. Hindi na nga lang kumikibo yung tatlong Pinay na staff sa shop na iyon. Pero halata mo sa mukha nila na naiirita na sila dun sa isang Pinoy na papansin talaga. Ang sama sama ng tingin nung Manager dun sa isang Pinoy na dakdak ng dakdak. Nakaramadam din yata ng hiya o takot sa tingin nung Manager lumabas ang mokong. Maya-maya lumabas din yung Manager at kinausap yung Pinoy. Naririnig ko lang na nagdadahilan yung Pinoy at sinasabing “I’m just a happy person!” Happy din siya? Hmmmppf lumulusot lang siya LoLz.

Ang ibang mga Pinoy naman sa loob naiinis na din pala dun sa maingay na iyon pati na yung mga staff. Kasi nga nambabastos na daw. Minsan kasi mejo wala sa hulog mga tao. Akala nakakatuwa pa rin sila hindi nila alam OA na sila at nakakairita na. Mabuti nalang nga tumaas ang exchange rate kung hindi nairita na rin ako.

2 thoughts on “happy person

  1. hello ni-add kita sa blog roll ko ha…ka-uae pala kita…hihihi… ako rin madalas naasar sa mga pinoy na harap-harapan kung manlait ng ibang lahi lalo na kung over acting na papakita sa ibang lahi na mababaho sila…hehehe…kasi kakaawa rin minsan di ba kapag dinidicriminate sila…

    Rhapsody: uy salamat ha… oo minsan kasi nakakabastos na ung iba pero kapag sobrang baho talaga tapos nasa lift kayo, patay tayo jan hahahaha… hihimatayin na lang ako bigla sa kakapigil huminga.

  2. Naku buti na lang meron kang tagahatid papasok, kasi hirap nga daw mag-commute diyan, ang mahal pa ng bayad sa taxi. Sobrang init na siguro lalo diyan ‘no?

    Rhapsody: huh?! nabuhay na ang matsing hehehe… buti nga po meron kasi super sa hirap na nga tlga commute eh… yup mainit na parang nasa oven na lalo na kapag tanghali.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s