Posted in dubai adventures

Shop at LandMark


Si vhonnjheng nagshare sa mga ka-disyerto kung saan may BIG BIG SALE, dun nga daw sa BabyShop. Ang problema wala naman akong bibilhin dun dahil hindi naman ako preggy, wala din naman akong anak, wala din akong pamangkin na maliliit, halos lahat ng mga inaanak ko malalaki na kasi nga highschool pa lang ako nung panay panay ang pagni-ninang ko. Meron akong isang inaanak na baby pa talaga dito sa Dubai pero napakalayo pa ng Pasko naman.

Share ko na lang para sa iba kong kapitbahay dito sa disyerto na bukod sa Babyshop may sale din sa Max, ShoeMart, Splash at iba pang sister company ng mga ‘yan. Lahat sila under ng LandMark Group. Kung gusto ninyo maka-avail ng mas murang presyo compared sa sine-sale nila sa mga Shops na iyan. Hintayin mong matapos ang sale tapos punta ka dun sa warehouse nila sa JAFZA. Dun bagsak presyo sobra. Parang Edna’s ukay-ukay sa Satwa ang presyo lolz. Last month nung nagpunta kami dun nakakuha ako ng mga blouse worth 8.75 dhs only. At yung isang cute na half-jacket na akala ko almost 20dhs ang presyo, yun pala 8.75dhs din. Ang mga blazer and other jackets, 17dhs. Ang mga presyo naman ng pants ay from 15dhs to 40dhs depende sa brand. Ang mga caps na Maui & Sons 5dhs. Ang mumura dibah. Don’t think na mura dahil damage na at may defect, dahil hindi talaga. Cguro may mangilan-ngilan na nagkaroon ng damage dahil cguro sa pamimili na rin ng mga shoppers pero syempre dapat pumili ka rin ng maayos at i-double check yung may sira. But I assure bago ang mga items ndi naman kasi ukay-ukay un eh.

Kaya yung mga mahilig magshopping jan. Go na dun sa warehouse. Big big discount talaga.

6 thoughts on “Shop at LandMark

  1. uy oo nga may sale nga sis.. nga pala may tag u po sakin.. ingats!😉

    Rhapsody: chige sista gagawin ko ‘yan! ikaw may tag ka rin sa akin hehehe… pero makikita mo pa bukas🙂

  2. wow! at isa pang wow s SALE na yan

    wish ko makapunta s warehouse nila kung ganun…kya lang c honey vhonn ayaw nako papuntahin s malayo bukod s mainit na baka mahirapan na ako bumiyahe – palaki ng palaki ang aking karga hehehe …bahay-office-bahay na lang ako ngaun…o kya nman bahay-office-Al Ghurrair (Deira) o City Center (Sharjah) – bahay pag weekends na lng…naku lalo na siguro pag lumabas na ang aming Angel wink*

    nkka-miss din mag-lamyerda…

    Rhapsody: oo nga matatagtag ka na kasi malayo un eh.. jebel ali na un heheheh… napapaligiran ako ngayon ng mga buntis ah… ung opismeyt ko dito, ung bespren sa Pinas, at ikaw sa WP. ahehehehe.

  3. hi! san ung warehouse?! wihihihi pag nakakabasa ko ng shopping..nalalaki mata ko weh!🙂

    Rhapsody: bakit napunta ito sa spam??? hehehe… buti na-recover ko pa.😀

  4. hi!!! san po ung warehouse mjo malayo from my place pero nanlalaki mata ko pag nakakabasa ko ng shopping…🙂

    Rhapsody: dun lang sa may Jafza I hanapin nyo lang ang building ng Landmark Group, kasi andun lang din ung warehouse sa likod nun

  5. asan asan ang warehouse? address naman dyan…

    Rhapsody: ate kengkay wala po akong complete addy basta ang alam ko lang Jebel Ali Free Zone I un sa building ng LandMark Group… pero dapat antayin pa muna ang tapos ng sale ng mga shops nila. or if u want pwede na rin sa mga shops nila na makikita sa kung saan saang part ng Dubai at Sharjah… not sure kung pati sa Abu Dhabi.

  6. yes, Rhap! pati sa Abu Dhabi Sale din sila… Mega shopping nga ang soon to be brother in law ko.. Imagine 500 dhs. na spend nya… nalibang sa sobrang mura ng damit. Ako ang nabili ko lang accessories, earings and necklace 50% off.

    Rhapsody: kung minsan tlga sa sobrang mura di mo alam malaki na pala babayaran mo hehehe.. but at least dami namang nabiling items😀 happy shopping!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s