Posted in Movies & TV Shows, Proud Pinoy, Uncategorized

soaps


Napakahilig ko talaga noon sumubaybay sa mga soaps. Corny na kung corny pero yun lang naman ang libangan noon sa araw-araw eh. Kahit pa galit na galit ka na sa takbo ng istorya, sa katangahan ng bida at sa kaimposiblehan ng mga pangyayari. Di pa rin maiiwasang silipin kung ano nga ba ang mangyayari kinabukasan. Kapag naman Friday na at nabitin ka sa istorya, asar na asar ka dahil dalawang araw ka ding maghihintay para mapanood ang karugtong.

Sa sobrang daming napanood kong soap opera ni hindi ko na maalala kung ano bang mga pamagat at istorya nung mga napanood ko. Basta ang alam ko madami talaga akong napanood. Hindi lang mga pinoy soap, pati na din yang mga koreanovela at kung anu-ano pa. Ngayon na lang nabawasan kasi wala kaming cable sa bahay. Mabuti na rin yun dahil nung andun pa ako sa dating bahay halos mapuyat ako kaka-panood ng mga tele-serye.

Sobra ang pagsubaybay ko sa Dawson’s Creek kasi type na type ko talaga si Pacey Wither (fafa Joshua) at feeling ko kamukha ko si Katie Holmes na fresh na fresh pa ang byuti nung mga panahon na yun. Kung may naka-chat kayo noon sa YM or mIRC na ang nick ay Josephine Potter, ako un pramis! Yung Popular nina Leslie Bibb or Brooke McQueen at Carly Pope or Sam McPherson sa series pinapanood ko din yan. Nakalimutan ko na kung ano bang naging ending ng series na ito. Isa din sa favorite kong panoorin ang Time of Your Life ni Jennifer Love Hewitt. Kasama niya si Jennifer Garner sa TV series na iyan, pero para sa akin hindi pa gano’ng ka-attractive si Jennifer Garner noon, kasi ang payat payat pa niya. Ibang-iba na siya sa Alias. Hindi ko na rin nakita ang ending ng Time of your life, bigla na lang kasing nawala sa ere bukod pa sa inaagawan ako ng lola ko sa panonood. Mas pinipili niya ang manood ng tagalog soaps. Ako naman pupunta sa room ng parents ko para duon manood kaso ang labo ng reception dun. Hanggang sa isang araw wala na ni hindi man lang tinapos ang series na iyon ni JLH sa studio 23.

Sa tagalog soaps syempre napakarami ko ring sinubaybayan. At alam ko ring patok din sa ibang bansa ang mga soaps natin kagaya ng mga koreanovelas na sumikat sa atin. At napatunayan ko ‘yan dahil dito sa katabi ko. Oo magkatabi ang cubicle namin nitong bagong hire na Kenyan. Nakita niya kasing nanonood ng Maligno sa youtube yung ka-opismeyt ko. Nakita niya si Diether sa episode na yun. Si Leo Madrigal daw ung nakikita niya. Sabi ko ndi noh si Diet kaya ‘yan! At dun na nag-umpisa na ikuwento niya ang mga napapanood niyang pinoy soap opera sa bansa nila. As in sikat daw ang mga pinoy teleserye sa kanila. Kilala niya din syempre hindi lang sa character sa istorya si Echo. Nabanggit niya kasi ng buo ang pangalan ni Jericho Rosales. Kaya nga natuwa ako sa kanya eh, binuksan ko tuloy ang PeP, bumungad picture ni Heart. Pinakita ko sa kanya sabi ko si Heart ang gf ni Echo kaso kaka-break lang nila. Ang akala niya kasi mag-asawa si Tin at Echo. Kaya chika ko tuloy sa kanya na si Tin at Diet ang nagpakasal in reality kaso nagdivorce sila tapos sabi ndi ko na alam kung ano na update dun sa dalawa.

Tatlo ang mga nabanggit niyang title ng soap na tinranslate na in English ang title. Nung una hindi ko talaga maaalala sa sobrang katagalan na din kasi kaya nag-search pa tuloy ako. Unang una daw na napanood niya ay ang The Promise (Pangako Sa’yo 2000, Kristine at Echo). Sumunod ang The Long Wait (Kay Tagal Kang Hinintay 2002, remember Helaena, Yuri and Kat? At si red butterfly LT na paulit ulit sinasabi nitong katabi ko) Paborito ko dati yung love triangle ni Bea, JohnLloyd at Rica dito eh. Dito yata napansin na click ang tambalang JohnLloyd-Bea kaya nagkaro’n din sila ng sarili nilang soap opera. Ang pangatlo ay ang Timeless Love (Sana’y Wala Ng Wakas 2003) na pinagbibidahan nina Kristine Hermosa as Ara, Echo Rosales as Christian at Diether Ocampo as Leo Madrigal. Yan ang parang feel na feel niyang soap kasi before daw siya pumunta ng Dubai yan daw ang kasalukuyang sinusubaybayan niya. Nagsearch nga ako ng english title ng mga ‘yan. Aba nakita ko ang forum ng mga Africans talagang love na love nila ang mga soaps natin. Ang hindi ko lang ma-gets parang iniisip niya na in real life nangyari un. Yung tipong naniniwala siya na mag-nanay si ganito at ganyan, na mag-asawa si Kristine at Echo sa totoong buhay dahil dun sa napanood niya.

Sa Malaysia naman daw ang naaalang soap ni pakner na napanood niya ay ung soap ni Nora Aunor at Carol Banawa. Bituin yata ang title nun malamang The Star yung sa Malaysia dibah?😀

So bakit ko pinag-aksayahang i-blog toh? Wala lang natuwa lang ako eh.

6 thoughts on “soaps

  1. Nung college, na-adik ako sa Felicity, Roswell at X-Files. Pero nung bata ako, loyal talaga ako sa The Wonder Years. Ganda kasi ng mata ni Fred Savage.😀

    Rhapsody: ay ndi ko alam yan the Wonder years ah… ang pretty nyan ni felicity hehehe.. Hmmmn X-files yup pinapanood ko din yan pero ndi regular hehehe, si lola kasi mang-aagaw ng remote😉

  2. di ka nag iisa sis! napapatambay din ako ngayon sa TV…at napapasulyap sa LOBO…kahit di ko magets ang istorya…no choice…TFC nakabalandra lagi sa kwarto…

    p.s.

    i tagged you po…

    Massalahm!

    Rhapsody: ako naman sa Maligno sumusulyap sulyap kasi nanonood ang mga opismeyts ko.. pero ndi ko nasusulyapan ang Lobo tuwing manonood sila ndi ko kasi naumpisahan eh.

  3. pag babae talaga soap, pag mga lalake naman mga anime, pero ako di ko narasan sumubaybay ng mga ganya, ewan ko lang kung kakaiba ba talaga ang naging up bringing ko

    Rhapsody: tama ka nga, ang kuya ko nga eh anime din ang hilig. pero yung bunso namin walang hilig sa soap at anime.. lagi lang soundtrip un.

  4. ai mahilig din ako sa mga soap operas wink*

    sa pinas halos mga korean novela ang kina-adikan ko…STAIRWAYS to HEAVEN ang pnk-gus2 ko sunod ung FULL HOUSE…

    nang dumating d2 ako s disyerto, TFC kami nung una kaya nahilig ako s BEA-JOHN LLOYD series…ngaun ORBIT na kami

    si honey vhonn mga english series at mga anime ang gus2 pati ako nkkisabay na sa kanya manuod : PRISON BREAK at SMALLVILLE lng ngus2han ko sa mga iyon.

    at ang latest nga ai ung katatapos lang na MARIMAR hehehe aawww feeling ko ako si MARIMAR at si honey si SERGIO (hehehe)

    ung LOBO medyo npanuod ko dati kaya lang nd ko kc naumpisahan

    mga babae yan lang kaligayahan kahit na minsan nakakainis ang ilang scene…

    Rhapsody: ahehehe sinubaybayan ko din yang Marimar pero naumpissahan ko na yan sa kalahatian na… kahit dami nako-corny-han jan pinapanood ko din kasi naman Orbit din kami dati eh hehehe..

  5. akala ko soap na bumubula hehe

    ako ang talagang alang chaga sa soap ( di cguro ako babae😀 ) mainipin kc ako eh, pag may ggus2 ako, intayin ko na lng sa dvd, gus2 ko sunod sunod na panoorin eh, isa lang nagustuhan ko , Meteor Garden lang😀

    Rhapsody: isa lang ayat ibig sabihn nun eh, di ka korny hehehe… ay oo ang ganda ni Sanchai at ang mga kalalakihan ang ga-gwapo pa tapos cute din ung story heheh

  6. Ako din mahilig sa mga soap kaso ngayon wala na ko napapanood eh, inaabangan ko lang yung american idol tsaka mga reality shows. Wala kasi kaming TFC dito sa bahay. Ganda nga daw ng Lobo.

    Rhapsody: kami din wala kahit Orbit puro movies lang pinapanood namin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s