Posted in Boredom, KaPamilya, KaPuso at KaBerks, Life, Love & Relationship

hay tag-init na nga!


Unti-unti ko ng nararamdaman ang init ng summer. Gosh! Wala ng hangin. Kung mahanginan man ako feeling ko init pa rin ang binubuga ng hangin. Sigurado ako ilang linggo o buwan na lang para na namang iniinit lang ako sa microwave o nakasalang na ako sa lutuan at niluluto na ako ng buhay. Malamang ilang beses na namang sasakit ang ulo ko at pagpapawisan ako ng sobra. Mas masrap yung mag-stay lang sa loob ng bahay o sa office. Kahapon lang sobra sa sakit ang ulo ko. Nabigla yata ako sa init paglabas ko ng bahay nung umaga. Kaya hanggang pag-uwi ko ng bahay sobrang sakit ng ulo ko. Mabuti na lang may mga kasama akong naghanda ng hapunan, mabuti na lang din at may papuch na taga-masahe at taga-lagay ng tiger balm sa ulo, batok, at balikat ko. Pagdating ko kasi sa bahay kumain lang ako ng cake at grapes pagkatapos ay nahiga na. Di na ako makabangon sa sobrang bigat ng ulo ko. Ginising lang nila ako nung oras na ng hapunan. Pagkatapos kong kumain diretso higa na naman ako, umuwi na rin si papuch sa bahay niya nung natapos niyang panoorin ang movie na pinapanood niya.

Ako naman diretsong natulog na. Nagising ako ng umaga na sarap na ng feeling kasi sobrang kumpleto talaga ang tulog ko at nakapahinga ng maayos. Nung lumabas na ako kaninang umaga para pumunta sa bus stop kung saan ako dinadaan ng frienship ko, nagulat ako kasi andun na si friendship ang aga niya ha. Tapos pagbukas ko ng kotse niya may pasalubong ako galing Pinas yey! Mga tarts at pili at meron ding cute na bag at slippers na parehong gawa sa abaca. Yey! Bigay daw ng mudra niya. Ang sweet naman ng mudra niya ni hindi nga ako kilala nun eh nababanggit lang nya ako. Paano naman kung makita ni papuch ung bag at slippers ko? Malamang magtatanong kung saan galing yun. At di naman ako sanay magsinungaling lalo na sa mga loved ones ko hehehe… Sana naman di siya magjelly jelly noh. Parang naririnig ko na kasi ang magiging reaksyon niya eh. Kapag sinabi kong galing sa mudra ni ano… ang sagot nun… Bakit? Para saan? Parang minsan kahit alam niyang friendship ever lang talaga kami ni friendship parang nagjelly jelly pa rin siya. Nag-aalala nga ako kasi itong si friendship magbabakasyon na ulit 2nd week of May ibig sabihin magko-commute na naman ako. Tag-init pa naman. Si papuch kasi di pa naaasikaso yung kotse sa kumpanya nila. Okey lang naman na magcommute ako kaya lang kapag ganitong sobra na ang init na may kasama pang humid parang di ko kaya.

4 thoughts on “hay tag-init na nga!

  1. …korak lola, grabe na ang init ngayon!! at ang pinakamatindi sa lahat e magcommute/magantay ng bus. grabe, kung nakakapatay ang pagmumura…dami ko ng napatay na taxi driver at bus driver na ayaw magsakay.hehehe!
    …ang hirap hirap ng huminga dahil nga humid pa…sinmahan pa ng ulan kaninang umaga.ish!!

    Rhapsody: ay sobra! mabuti nga at sinabi ni papuch dala ko ng payong kasi makulimlim kundi basang sisiw ako pagdating ng opis. kung bakit kasi wlang masilungan dun sa bus stop eh. kahit may payong ako mejo nabasa pa rin ako konti sa laki ba naman ng patak ng ulan… naiisip ko pa lang na lapit na ang May 22 namumroblema na ko at naiisip ko na maghihintay na naman ako ng matagal sa bus stop, tatayo sa loob ng bus, male-late sa opis at uuwi ng late sa bahay.

  2. ang sweett may taga mahsajee na papuch!😀 , n m sure, kinikiliog ka nmn pag jelly ever xa, pero minsa kakabuset din noh? pero oks lang yun, loves ka lang tlga nya at summer nga!😀

    Rhapsody: summer lovin’ ba hehehe… naku nakakabuset nga minsan kasi parang wala ka ng freedom eh ndi naman siya ipagpapalit…

  3. ate(ate daw oH) pwede ko ba makuha email mo hehehe!!!

    yuP nakapag link na po ako…dami nabago sa wp ngayOn kaya medyo malilito ko🙂

    Rhapsody: sure tita hahaha… oo nga ako din kung minsan nahihilo sa wp eh… cge comment me sayo makikita mo dun email addy ko k…😉

  4. dito sa Pinas magtatag-ulan na. wawa man ang mga magpo-flores de mayo.ulan ng ulan pag hapon at gabi e

    Rhapsody: kung magkakataon wet look ang mga byuti nila noh ahihihi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s