Posted in Work & Work Hard

himala


Dinagdagan na rin sa wakas ang sweldo ko. At yang ang pinakamatinding himala na nangyari ngayong araw na ito. Hindi ko naman sila kinulit tungkol jan. Basta ang alam ko lang last month ung nag-email ako sa kanila tungkol sa kung anong pinangako sa akin. Ni-request ko lang ang mga tamang dokumento na hindi naman nila maibibigay sa akin. Hindi na yata ako nakayanang kausapin ni madam CEO kaya ang dyowa nyang orig na amo namin na may-ari ng kumpanya ang kumausap sa akin sa harap niya. Pinaliwanagan ako. Sinabing hindi ko na kailangan pa ang manghingi ng mga papeles at kung anu-ano pa. Napagsabihan pa akong masyadong prangka ang mga sinulat ko na dapat daw ay hindi ko ginawa. Nang mapunta ang topic sa sweldo, sinabi kong kailangan ko lang naman na idetalye ang lahat at ayusin ang papeles ko dahil ibang kumpanya ang gusto nilang pagtatrabahuhan ko. At kapag ginawa iyon natural dapat nilang ilagay kung magkano ang inooffer nila para sa akin pati na rin mga benepisyo. Sabi ko ayokong magka-problema kaya gusto kong linawin nila lahat ng detalyeng sinabi sa akin ni madam CEO sa isang sulat. Sumagot siya na sinabi lang naman daw iyong pagdagdag ng sweldo para ma-motivate ako. Kaya inexpect ko na na hindi mangyayari ang dagdag na sweldo na iyan. Kung sakali man, dadagdagan lang nila iyon dahil nung huli napagdesisyunan na sa dalawang kumpanya nila ako magta-trabaho.

Nakalipas na nga ang isang buwan. Kanina lang sumahod na kami at nagulat ako ng makita kong dinagdagan na ng limangdaan dirhamo ang sweldo ko. Namangha talaga ako sobra. Wala na kasi sa plano ko ang magreklamo nung maghire sila ng karagdagan sa departamento namin. Mas mataas ng 300 ang sweldo sa akin nung bagong tanggap na Kenyan. Sabi ko sa mga kasamahan ko wala na akong planong umapela dahil aalis na talaga ako pagkakuha ko ng hinihintay ko. Pero hindi pa rin nila naibigay yung hinihintay ko.

Kaya nagulat ako na tinaasan na rin ang sahod ko. Mabuti nga at hindi ipinantay dun sa bagong empleyadong kapareho lang naman namin ng trabaho. Hindi ako magpapasalamat sa kanila kundi kay God na lang hehehe… Kasi alam ko mabigat sa loob nila yung ginawa nilang pagdagdag sa sweldo ko. Isipin mo ha yung isa kong ka-trabahong Pinay pitong buwan na lang 3 years na siya sa kumpanya at dun na rin matatapos ang kontrata niya ni hindi man lang tumaas ang sweldo niya. Kung anong sweldo niya nung nagsimula, ganun pa rin hanggang ngayon. Hindi daw kasi siya kahit isang beses humingi ng increase. Pero siya naman ang nagsimula sa kumpanya na malaki ang sweldo. Ngayon pantay pantay na lang kami ng sahod. Dahil nga lang sa mababa na ang value ng dirham at nagtataasan na ang presyo dito parang maliit na rin ang sweldo namin.

May bago din kaming receptionist. Jordanian siya at hindi gaanong marunong mag-english. Nakakapagsalita siya ng english pero sobrang bagal, maraming ‘eeeeeeeeh, eeeeeeeeeeh’ ang salita niya, at simpleng english, mas mahusay pa ang simpleng english natin kesa sa kanya. Ang sweldo? Doble lang naman ng sweldo namin. Taray dibah. Di ko nga maintindihan kung papano’ng interview ang ginawa ni madam CEO. At di ko din maintindihan kung anong basehan niya sa pagre-rate ng sweldong io-offer. Noon may receptionist kaming magandang Pakistani na may konting amoy nga lang ang leki-leki lolz… magaling mag-english pero mababa lang ang sweldo. Pero bakit itong di naman masyadong nakakapag-english at di pa maintindihan ang sinasbai ng mga tumatawag doble doble pa ang sweldo. Bakit ganun? Kapag may incoming calls imbes na na-screen niya na ang tawag at itransfer sa kung sinong hinahanap, mali-mali pa ang ginagawa niya. Kapag naman kinausap siya at pinaliwagan kung ano’ng dapat na gagawin, mali din ang pagkaintindi niya. Kaninang umaga may nasagot siyang tawag, tumawag siya sa extension ko at tinanong kung anong pangalan ko. Sinabi ko naman. Tinanong niya ulit ako. Dalawang beses niya akong tinanong, dalawang beses ko ding inulit ang pangalan ko. Pagkatapos sabi niya may tawag daw ako as kabilang linya, kinuha ko ung linya para lang malaman na hindi naman pala ako ang hinahanap. Ang hinahanap nung lalaki sa kabilang linya ay Willam. Napakalayo sa tunog ng pangalan ko I swear.

3 thoughts on “himala

  1. wow! sana ako din maibigay na ang khiling-hiling na increase wink* baba na nga ng dirhams – next few months bibili n kc ako ng diaper at gatas ng baby hehehe

    bkit nga kaya d2 ung mga less deserving ang matataas ang sahod?

    Rhapsody: ndi ko nga din alam kung stupidity ba ang tawag dun o pag-aaksaya ng pera ng kumpanya…. wish ko nga ma-increasan ka na rin para may pambili ka ng needs ng baby mo… swerte daw ang mga buntis, kaya im sure matutupad ang kahilingan mo…:D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s