Posted in dubai adventures, takot ako

takot ako sa sunog eh


Huh? Brownout?
Paglabas ko ng bahay wala ding ilaw sa kabilang bahay. Pagtingin ni bading sa iba pang bahay sa buong villa wala ding mga kuryente.

May sunog! May sunog!
Shet! Nagtatakbuhan sila palabas ng gate. Kinabahan na ako at nanghina na. Taranta akong pumasok ng kwarto at sinabi ko sa dalawa na may sunog nga. Maya-maya nangangamoy sunog na nga. Sa may likod lang daw ng kwarto namin yung bahay na nasusunog kaya lalo akong kinabahan.

Labas na tayo! Bilis na! Labas na!
Hinanap ko muna ang wallet ko. Di ko na inilabas sa malaking bag sayang kasi yung bag ko pano kung walang matira sa gamit ko. Hinanap ko agad ang digicam ko. Nakita ko naman. Lumabas na ako.Pero naalala ko naman papano ko magagamit yun kung mapasama sa masusunog yung charger at mga wires? Balik ako ng kwarto kahit nginig na nginig na sa nerbyos. San ko pa hahanapin un eh ang dilmi dilim nga sa kwarto eh. Hanap pa rin ako sabay dasal ng dasal na sana wag naman kaming madamay sa sunog. Pero hindi ko talaga makita kaya naisip kong kalimutan na lang iyon. Iniisip ko lang talga sayang yung mga gamit ko at mga damit ko, yung tv ko, yung mga gamit ng mga kasama naming wala pa sa bahay. Ang kaibigan ko naman, hindi malaman kung sino sa mga kasama namin sa bahay ang unang tatawagan. Nanlalambot na rin siya sa sobrang nerbyos. Hindi niya pa makita ang wallet niya. Naalala ko nagpiprito pala kami ng tilapia. Aba nakalimutan na nmin baka masunog yun. Kaya pinatay ko na muna hayaan ko ng mababad sa mantika yun.

Paglabas namin ng kwarto abah, cool na cool lang ang mga kapitbahay. Nakaupo sa sofa nagkukwentuhan lang. Ang iba naman nakatambay sa gate at nakikiusyoso sa labas. Sabi ng isa sanay na daw sila sa ganyan. Ilang beses na daw na may nasunugan sa lugar na iyon. Naririnig ko pa sinasabi niya na kami daw kasi baguhan lang dun sa lugar na iyon kaya hindi pa kami sanay. Naisip ko naman kahit na ba mas maigi na yung mejo naghahanda ka. Di mo naman kasi masasabi kung anong mangyayari. Apoy yun eh di naman isang hipan mo lang eh mamamatay na yun. Lalo pat kami ang unang unang madidilaan ng apoy kung sakali. Amoy na amoy nga sa kwarto namin eh sa kanila hindi naman.

Ang nakakatuwa lang ang bilis rumesponde ng mga bumbero dito. Ilang minuto lang dumating tapos napatay agad nila ang apoy. Naki-igib ng tubig ang nakatira sa kabilang bahay dahil nawalan na sila ng tubig at nakihingi na sila ng panligo nila. Heheh naligo na sila kagabi. Kami naman ang naubusan ng stock. Tapos ang init init pa kaya sobrang sakit ng ulo ko. Ang balak ko talaga hindi ako papasok ngayon lalo na kung wala kaming tubig. Syempre naman ayokong pumasok na nanlalagkit noh. Pumasok din sa bahay namin ang mga pulis at bumbero, tinitignan kung may mga wirings o kung anu man ang nadamay.

Nakakatuwa dahil namalayan ko na lang lumamig na tapos may ilaw na. Di ko na nakuhang tignan kung anong oras naayos ang kuryente. Sabi nila mga 1am naman natapos na. Basta ang alam ko tulog na kami pero yung mga kapitbahay hinintay talagang magkakuryente.

Salamat talaga kay God dahil hindi niya hinayaang maging malaking sunog iyon.

9 thoughts on “takot ako sa sunog eh

  1. naku, grabe naman yan. sabi nga nila, manakawan ka na ng 10 beses wag lang masunugan. salamat naman at naapula rin agad yong apoy! ingat..ingat nlang po!

    Rhapsody:

    “manakawan ka na ng 10 beses wag lang masunugan”

    yan nga ang paulit ulit sinasabi ng kaibigan ko kgabi… mabuti nga at maagap ang mga bumbero kaya hindi naman naging malala.

  2. ang cool naman ng mga tao dyan..oag may baha cool din ba sila?lol..ahhehehhehe…..buti nalang safe ka..kabog pa naman heart ko kasi akala ko masusunugan na kayu.ingat nalang next tym ate.lols..ate daw o.!

    Rhapsody: nagmukha tuloy kaming OA sa pagpapanic nmin… kapag may baha OA mga motorist dito di nila alam kung papano ida-drive ang kotse nila. kaunting baha lang sobrang bagal ng magpatakbo, ung konting baha na un kasi parang malaki na sa kanila hehehe…

    aba bakit mo ko tinatawag na ate? sabagay mas matanda nga ko sa yoh diba. ok fine col me ate lolz.

  3. nako, sunog! worst talaga yan, grabe as in! back to zero ka pag nasunugan ka, daig mo pa ang pinanganak ulit.

    Rhapsody: pati lampin poprobelmahin ko pa ahahaha

  4. what the heck happened to the tilapia? did it jump out of the frying pan and into the fire?

    did anybody try to save it?

    everybody and everything need to be accounted for after a fire!

    and I better get a good answer. I’m holding you responsible.

    Rhapsody: whaaat? oh ok… im responsible if anything happen to the tilapia…. especially if it was over fried… kasi magugutom kami kung magluluto ulit ng bago lolz…

  5. WAAHH ako din takot sa sunog kaya sa bahay palagi ko sinasabi kay manang ko doble check gasul at mga nakasaksak nakooOO mahirap na. Tama yun manakawan ka na daw ng maraming beses wag lang masunugan sayang naman ang pnaghirapan kong maabO lang🙂

    ingat sis!! salamt talaga kay gOd🙂

    Rhapsody: pati manakawan ayoko kasi para na rin nilang inabo ang pinaghirapan ko hehehe…

  6. o? hanapin ba ang charger sa kadiliman? lukring ka rin ano? hahahaha!! nasusunog na kapitbahay ay hinahanap pa charger! naloka akong natatawa sa kwento mo. manay! dapat meron kang plan a. ilagay mo sa isang bag or whatever lahat ng mga importante mong gamit, dokumento, charger (nyahahahah!) etc. nalagi mong bitbit para in case of emergency (touch wood), yun na bitbit mo at lumabas ka na agad. bakit lagi mong bitbit? eh paano kung sa susunod na magkasunog, gaya ka nung iba mong kasama na wala sa flat nyo? sus me! sa dami naman pala ninyo sa bawa’t kwarto, di mo talaga masabi kung ano ang susunod na mangyayari. ingat lang at kapag ganyan, wag ka na babalik kasi baka lalo ka lang na hindi na makalabas sa susunod. ang charger makakabili ka pa ulet. pero ang byuti mo? naku! wa ka poise kapag sunug-sunog na byuti mo sa ilalim ng kama kakahanap ng charger. kalowka! ingat parati.

    Rhapsody: pinagalitan nga ko ng mudra ko ng malaman na inuna ko pang isipin mga gamit bwahahaha… nalowka din cguro sa akin.

  7. naalala ko nung nagkasunog din sa malapit sa apartment namin ng tita ko nung 1st year college ako. ang una kong ni-rescue, yung collection ko ng mga movie soundtracks! di ko naisip magbitbit ng damit!😀

    Rhapsody: hahahaah parang ikaw din pala ako, mas inuuna pa yung mga gamit na pwede namang palitan kesa sa sarili..😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s