Posted in Boredom, dubai adventures, Life, Work & Work Hard

set me free


Nasa utak ko palagi yan simula ng nawalan na ako ng gana magtrabaho sa kumpanyang ito.

Mga ilang araw pa lang ako nakapagdesisyon na hindi ko na muna iisipin ang problema. Normal naman kasi yan. We all have problems to bear. Ayoko na mag-isip ng problema para hindi ko ma-feel na naiinip na ako sa bagal ng oras. Kahit na parang mas mabilis talaga ang takbo ng oras sa disyerto. Ang saya saya ko talaga ng mga ilang araw. Hindi ako nabo-bored sa company. Kasi ilang araw na lang May na. Ilang araw na lang sweldo na. Ilang araw na lang may possibility na makuha ko na ang hinihintay ko. Tapos magagawa ko na ang gusto ko. Hmmn sana nga mangyari na yung hinihintay kong mangyari. Ang tagal kong hinintay toh. Inabot ako ng 2 years sa company sa kakahintay ng tamang panahon. Ganyan kahaba ang pasensya ko. Lagi kong tinatatak sa isip ko ang mga salitang: โ€˜Patience is a virtue.โ€™ Yang ilang araw na paghihintay na lang kasi ang nagmomotivate sa akin na ngitian na lang ang lahat. Nakakatuwa rin kasi magaling na ang ilong ko. As in wala ng dugo.

Napasobra yata ngiti ko kaya kagabi may masama namang balita. Nakausap ko si landlady – abonado na daw siya dahil wala ng iba pang tumira kasama namin kapag nalalaman na magkakakilala daw kaming mga nakatira sa bahay at kapag daw nakita ang gamit namin nasisikipan. Kaya tinaasan niya na lang ang rent ng bahay. Di ako naasar sa kanya kasi maayos naman siyang makipag-usap pero parang kasalanan niya din naman kung bakit wala ng titira dun. Kasi gusto niyang ipagsisiksikan ang walong tao sa isang kwarto. Natural na sisikip na iyon lalo na kapag naglagay ng 3 cupboards pa. 5 lang kami sa isang kwarto, 3 cupboards sa room, ung 2 cupboards nasa hall (hall pa bang matatawag ang mallit na space?). Kaya kung madadagdagan pa ng 3 for sure maglalagay sila ng sari-sarili nilang cupboards. So 3 cupboards more pa kung sakaling may lumipat na bago. Alangan namang sa kahon o sa luggage nila ilagay ang mga damit nila. At yung sinabi niyang umaayaw kapag nalaman na magkakakilala ang mga nakatira na, lame excuse. Kung gusto niyang kumita ng mas malaki sa pagpapa-upa, di niya na dapat sabihin na magkakaibigan ang mga nakatira na. Kahit siguro hindi kami magkakakilala nung una, magiging magkakaibigan pa rin kasi ilang buwan na kaming magkakasama sa bahay. Ang mga kasama ko ngayon nakilala ko lang sila sa dating bahay na tinirahan namin. Wala pa kaming isang taong magkakasama. Nailang din ako nung nakasama ko sila nung una dahil sila pare-parehong magkakakilala pero ako yung nag-iisa lang. But eventually naging kaibigan ko rin, un ay kung marunong kang makisama o mabait ka kasi kami mababait ๐Ÿ˜€ Kaya ang plano naming magpakabit ng internet at orbit ay pinag-iisipan muna. Hindi pa rin kasi makapagdesisyon kung aalis na lang ba kami or magdadagdag na lang ng bayad. Problema kasi sa mga nagpapaupa gusto nilang ipagsiksikan ang madaming tao na alam mo naman imposible, tapos later on dahil walang nagbedspace na, gagawing room na lang ang pinapaupahan kaya tataasan niya syempre. Sana nung una pa lang nakita niya na ung possibilty na hindi naman talaga kakayanin. Wala ba kaming mga damit na dapat i-hang sa cabinet? Pero I swear hindi ako galit sa landlady, naiintidihan ko na kailangan niya cguro ng mas mataas na kita. But i dont think na nagaabono siya. Mura lang kaya ang kuha sa mga villa. May kaibigan kaya akong nagpapaupa ng villa kaya nakakalibre na siya sa monthly rent niya. Abonado ka lang kung wala talagang kumuha ng room.

Dahil naiisip ko na ang mga karagdagang bayarin, lalo paโ€™t nagtaas na rin ang presyo ng bigas dito. Lalo tuloy gusto ko ng iwan itong kumpanya at tanggapin na ang offer sa kumpanya ni papuch. Gustong-gusto na daw akong magsimula dun dahil dalawang taon na daw ang experience ko sa ganitong field. Ang ayoko lang sa lahat ay yung malaki ang expectation dahil baka hindi ko naman ma-meet kung anuman ang expectation nila sa akin. Tumanggi akong magwork sa kanila ng kagaya ng work ko ngayon kaya may binigay na isa pang option. At dahil alam ko na daw ang pasikot sikot sa parehong business eh makakatulong daw talaga ako. Ang nakakagulat pa ay ang GM sa kumpanya na iyon ay ang dati naming Production Manager kaya lalo tuloy yata naisip nung amo nila na ang dami kong alam. Eh pano kaya kung sabihin kong buong araw lang akong nagbabloghop, nagcha-chat o nakatunganga? Baka magbago isip nun. Wag na lang. Kunwari na lang masipag ako. Masipag naman talaga ako. Hindi naman siguro sila magsisisi heheheh. Nagdadalawang-isip lang din ako kasi gusto ko din i-try sa ibang kumpanya na hindi related sa ganitong industry.

5 thoughts on “set me free

  1. Naku, parehas pala tayo ako rin di na masaya sa work ko… Buwiset kase ‘tong amo ko… kung pwede lang talagang pumatay na amo matagal ko ng ginawa.
    Gusto ko sanang magtagal dito sa work ko dahil ok naman ang company, kaya lang mag kaamo ka ng matandang pana (indiano) sisirain ang araw mo…

    Go ahead try another company, alam ko naman masipag ka, malay mo don ka mas magiging masaya…

    Rhapsody: kung Pinas lang toh.. tagal na kong naglaho sa kumpanya na toh.. at alam kong un din cguro ang nasa isip mo. pero we need to be patient tlga noh iba kasi d2… itatry ko na kapag nangyari na ung matagal ko ng hinihintay. kaw diba bago ka pa lang sa company na yan?

  2. haaaaay… pareho pala tayo.. nag iisip narin lumipat ng ibng company.. ang nagpapatigil lang sakin ay, ang pag uwi ko hopefuly sa atin itong pasko.. kase kung lilipat ako ngayon.. hindi na2nmn ako makaka uwi satin.. at pakiramdam ko kase e, walang growth n ngyayari sa career ko.. lols. career kuno… LOLs!

    tsaka, sa pagtaas narin ng bilihin dito.. ( ang bigas, rent etc..) talagang napapa isip ka talaga na lumipat ng mas ok na company..

    Rhapsody: ang hirap na tlgang i-budget ang expenses diba, mabuti kung wala tayong iniisip suportahan kundi sarili lang natin. sayang nga ang bakasyon mo, hintay hintay ka lang muna. Ako ang naisip ko din dati ung bakasyon… pero nagbago na ang desisyon ko. Kinansel ko muna ang bakasyon kasi malamang makakauwi din naman ako kung mangyayari na nga ang hinihintay kong mangyari.. heheh basta…

  3. ..parepareho sentimyento mga taga dubai ngayon…pataas na pataas presyo ng lahat, pero pareho ang sweldo (hmm, parang nasa pinas na din tayo ah)
    grabe talaga, luxury tumira sa magandang bahy dito, naglipat bahay din kame at kahit medyo nagmura upa, kakapirangot naman ang space ko.huhuhu!!
    buti ka pa pede na humanap ibang work, ako wait pa ng 1 year.nyahahahha!!!

    Rhapsody: ang problema nga minsan di naman kagandahan ang bahay, konting madagdagan lang ang space eh laki ng itinaas dun sa masisikip na kwarto.

    actually next year pa ang tapos ng contract ko, but I’m willing to take the risk… it’s now or never… tagal ko ding nagtiis at umasang gaganda management dito pero they failed my expectations kaya sori.. hehehe… but still wish ko makuha ko na hinihintay ko. ๐Ÿ™‚

  4. sobra naman yan? 8 kayo sa isang room? uber ha? talo pa yung sa university belt. good luck sis! sana ay makuha mo ang gusto mong trabaho. tama na muna bloghopping. pagkakaperahan muna. ๐Ÿ™‚

    Rhapsody: lima pa lang po kami pero ang gusto niya sana ay walo… pero give up na siya dahil nga kapag may tumitingin ng room nasisikipan na daw at nag-aalangan dahil magkakakilala na kaming mga nakatira na. ang ndi niya alam sinadya naming ilatag mga gamit nmin para kapag may tumingin eh madiscourage tlga nyahaha… ayun kaya tinaasan renta namin hehehe

  5. may landlady ako dati na antribida! na-delay lang ng 2 days yung bayad ko sa bahay, pinatayan ba naman ako ng water connection! alam nya naman na late ako lagi umuuwi nun galing trabaho. ayun, pagkabayad ko, nagsabai agad ako na lilipat na ko!

    Rhapsody: sobra naman yang landlady nayan. wla pa naman akong na-eencounter na ganyan katindi hehehe… taray ng dating pagka-bayad mo ha.

Leave a reply to Salve Cancel reply