Posted in Events & Occasions, KaPamilya, KaPuso at KaBerks

hapi beachday


1st celebrationMalayo pa lang ang birthday ni An nagsabi na siya na magse-celebrate daw sa beach. Kaya tingin ko mejo na-surprise naman siya kasi pag-uwi niya last Monday uber busy kami sa paghahanda ng konting foods sa araw mismo ng birthday niya.

Napa-doble pa ang chocolate cake pero parehong yummy naman. Ang plano dapat maaga kaming makauwi lahat para pagdating niya prepared na, kaya lang hindi nakisama ang mga bus at taxi. Walang dumating na bus 7:30 na naghihintay pa rin ako ng bus, walang dumadaang taxi nung nagdecide ako na magtataxi na lang ako. Parang nananadya ang pagkakataon. Nababad ako sa kalye, nalalanghap ko ang mga buhangin un yata ang epekto kaya ganito nangyayari sa ilong ko. Buti may dumating na carlift kung hindi alas-otso na nasa bus stop pa rin ako. Ang mga kasama ko ganun din kaya may tinawagan silang kakilala para maihatid sila pauwi. Di naman strike nung araw na iyon, di naman uso dito un eh!

Thursday night ang unang plano para sa celebration ulit ng birthday ni An pero inurong namin ng Friday kasi mejo gagahulin na sa oras. Imagine ano’ng oras pa kami makakauwi ng bahay, tapos magluluto pa si Ma – overnight kami pero pagod na pagod naman. Kaya nung Friday kami nagpunta ng beach. Syempre kami ni M ang nagdecide kung saang beach namin sila dadalhin. Natuwa naman sila kasi walang Patan na pakalat-kalat kaya safe na safe.

Ayun po sa baba ang mga pix, pasensya na sa muscles ko lolz.

Pagkatapos chumibog nagswimming na kami agad. Malalim sa una pero habang papalayo parang bumababaw ang tubig. Kaya ang saya saya kasi ang layo ng narating namin, iisa lang yata sa grupo ang marunong lumangoy. Ang iba nagpapanggap na lumalangoy pero gumagapang lang naman. Ang sarap sana lumangoy pero nakakalungkot kasi isa din ako sa hindi marunong lumangoy. May pag-asa pa kaya akong matutong lumangoy?

Gabi na nung umahon kami. Chibugan ulit napagod kasi masyado sa pekeng paglangoy. Nung pauwi na kami may nakitang brief si M, tinanong niya kung kanino yun. Sabi ni J sa kanya daw ung brief kaya ilalagay sana sa mga basang damit pero ang sabi ni J itapon na lang kasi luma na daw. Lolz natawa kami kasi tinapon nga tapos nagdrive na kami lahat pauwi. Nag-iwan pa ng remembrance si J.

Para sa friend kong si A.

Huwag kang mag-alala sa ‘kin tignan mo naman pics ko dibah hindi naman mukhang may sakit. Nasobrahan lang yata talaga sa nalalanghap na dumi sa paligid kaya cguro nagasgas ang ilong ko lolz. Kahit pa may ganun pa rin na may itim na parang buong dugo pa rin ung ilong ko wala na yung sakit. I’m sure mawawala din tong mga duming nagpapadugo ng ilong ko.

9 thoughts on “hapi beachday

  1. hello Rhapsody. caught your blog from Salve’s and I just wanted to invite you to join the Merlin Club. All you have to do is drop a link of your week’s best post on the website and we’ll publish it altogether in the weekend. It’s a good way to help bloggers, and also increase technorati ranks. Hope you consider participating.

    Thanks. =)

    Rhapsody: sure i’ll check that one out!๐Ÿ˜€

  2. wahehe kaya ayoko din sa beach eh ala kc makakapitan, laging isang lublob tuloy ako at pretend na bz makin sand castles na! LOls๐Ÿ˜†

    ** sexy siissy!

    Rhapsody: ahahaha busy-busyhan ka pala sa beach huh… macho sissy lolz

  3. uy sarap naman! ako nga umitim ng di hamak sa red bull air race haha para rin akong nag beach lols kaso lang walang kain, puro red bull tinira. lols. sis parang tumataba ka ata ah. hmm..๐Ÿ˜†

    Rhapsody: oo super… ang pagda-diet nasa isip ko lang hindi ko naia-apply… ang red bull air race may libreng red bull?

  4. kahit may buhangin at tubig pa dyan sa pic na yan di ako maniniwalang beach yan kung walang picture ng nakabikini. tnx.

    Rhapsody: di bale next time maghahanap ako ng mapipicture-an na naka-bikini๐Ÿ˜€

  5. nawawala post ko. waaaa!!

    sabi ko, oo nga, bakit mga naka-shorts? dapat ay ipakita ang 2-piece… ang sumbrero at kwintas! nyahahhahaa!!

    Rhapsody: ahahahah sumbrero at kwintas lang ala ng iba? hmmmnn…

  6. Ay kaya pala… unang pikyur pa lang, kainan na agad ang nakita ko.๐Ÿ˜›
    (galing ako sa “larawang kupas” post)

    Pero alam mo, kung ako ang tatanungin, walang kaso kung “chubby” — basta ingatan lang ang health. Ewan ko lang sa inyong mga girls, maski misis ko man, minsan nako-conscious.

    Ansarap maglunoy sa tubig kapagka busog ano? Miss ko na ang swimming sa beach.

    Rhapsody: ako din gusto ko na uli maglunoy lang sa tubig kasi di ako marunong lumangoy eh. totoo po talagang walang kaso ang pagtaba, ang nakakaconscious kasi eh un sasabihan ka ng iba na… ‘bakit ang laki laki ng tyan mo?’ o di kaya namn, ‘buntis ka ba?’๐Ÿ˜ฆ

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s