Posted in Random Thoughts

tabing-dagat


strolling

Masarap magpalipas ng oras sa tabing-dagat.
Masarap pakinggan ang tawa ng mga magkakaibigan.
Ang mga batang masayang naglalaro.
Ang pag-alon ng dagat.
Ang simoy ng hangin.
Ang pagdampi ng dagat sa aking katawan.
Maglakad kasama ang matalik na kaibigan.
Maupo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Nagbabakasaling makita ka.

Kailan nga ba tayo huling nagkita?
Matagal-tagal na rin ngunit ikaw pa rin sa aking gunita.
Matagal ding nag-usap ang mga mata natin.
Alam ko ng mga sandaling iyon iisa lang ang ating naramdaman.
Ah! Hindi ako maaring magkamali.
Ikaw nga ang nasa aking harapan!
Salamat at hindi binigo ang aking panalangin.
Nagpapasalamat ako dahil muli kitang natagpuan.

Kailan kaya sila magsasawang hadlangan ang ating pagmamahalan.
Kailan kaya tayo magiging malaya.
Kailan kaya tayo magkakasama ng mas matagal.
Sana sa muling pagbisita ko makita kitang muli.
Dito sa tabing-dagat.

Doggy’s inlove! Ang cute talaga nila!

3 thoughts on “tabing-dagat

  1. hahah😆 akala ko tuloy nagtransform ka muna at naging taong-aso. ahehe. but this post is cute. ang cute ng mga HAYOP!!!😆

    Rhapsody: nagtransform nga ako kaso hindi naging lobo, un pa naman ang goal ko

  2. naks! inalab ang tuta! este.. ang bata! dinaan sa aso. nyahahahahaa!!

    Rhapsody: aso naman po tlga ang nainlab.. kaso parang mag-aaway na sana sila kaya pinaglayo ng mga masters nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s