Posted in dubai adventures, Life

Dubai – no longer a ‘near-zero’ crime rate country


Kung nadadaan kayo sa bahay ni Banana, I’m sure ilang mga bad news na din ang nabasa ninyo sa mga pangyayari sa Dubai na kadalasan ay aksidente lang naman. Sa inaraw-araw na pagbabasa ko rin ng news tuwing umaga pagkadating sa office, I swear natatakot na ako kung minsan.

Noong bagong salta pa lang ako sa Dubai ay sobrang fresh pa sa utak ko ang napanood kong movie nina Aga, Claudine at fafa John Lloyd ko sa nabili naming piratang dibidi. Actually sinadya namin ng mudra ko na maghanap ng movie na iyan kasi nga biglaan din ang naging desisyon kong pagpunta dito sa disyerto. Gusto ko namang magkaroon ng kaalaman kung ano ba ang Dubai, kung maganda ba sa Dubai at kung sakali ano kaya ang magandang lugar na pwede kong makita kapag nakarating na ako ng Dubai. Ilang araw na lang ang nalalabi ko nun sa Pinas na parang gusto ko ng umurong at huwag na lang umalis kaya ang movie na pinapanood ko parang di ko masyadong naintindihan pati ang sikat na Burj al Arab ni hindi ko rin maintindihan kung papaa’no ba bigkasin nung binanggit ni Michael de Mesa. Pero wala na akong magagawa naka-ready na ang lahat. Na-amaze lang ako nung napansin ko sa movie nung iniwan ni Claudine ang bag niya, inabot ni fafa John Lloyd at sinabi ni Claudine na walang kukuha ng bag dahil nga safe ang bansa. Syempre natuwa ako. Yun ang talagang nakatanim sa isip ko. Safe ang Dubai. Zero crime rate. Di ako kailangang matakot.

Kaya naman nung dumating ako sa Dubai, kayang kaya kong dalawin ng madalas at nag-iisa lang ang kaibigan ko sa flat na tinitirhan niya. Medyo malayo kasi ang bahay niya kung lalakarin pero kaya namang lakarin. Kung magba-bus mga isang oras ka pa maghihintay. Tinuro niya sa akin kung paano magshortcut papunta sa kanila. Kaya mga ilang gabi din akong nagpunta ng naglalakad lang sa flat nila. Dadaan ka sa isang malaking parking lot kung saan walang katao-tao at mejo madilim. May ilang mga Pakistani na naglalakad o kung minsan naglalaro ng cricket at mga iilang kotseng dumadaan sa lugar na un. Hindi pa ako takot sa Pakistani nun kasi ang nasa isip ko nga safe sa Dubai. Pakiramdam ko rin mababait ang mga tao sa Dubai.

Nung nagka-trabaho na ako at araw-araw babad sa pagba-browse ng internet at pagbabasa ng news doon ko na nalaman na madami rin palang mga pangyayaring hindi maganda sa bansang ito. May pinatay, may hinila sa dilim habang naglalakad at ni-rape, may nasagasaan, may napagtrip-an at binugbog. Hindi pa kasama ang mga nababalitaan din namin na hindi naman naisusulat sa dyaryo.

Naranasan ko na rin kasi ang mapagtrip-an ng isang Ehipto sa kalye. Tanghali nun at walang ka-tao tao sa lugar na iyon, bibihira din ang kotseng dumadaan. Bago pa lang ako nun sa Dubai at kagagaling lang sa interview sa kumpanya ko ngayon. Mabuti na lang nung nakita ko na ang sakayan pagkatapos ng mahabang paglalakad at paulit ulit na paghila sa kamay ko ng Ehiptong bastos na iyon, nakakita ako ng isang Pinay kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Sumakay agad ako sa bus hinayaan ko na kahit sa iba ang daan ng bus. Sumunod din siya at nagtanong sa driver pero hindi na siya sumakay. Yung kapitbahay naman naming lalaki pinasakay ng sasakyan. Akala niya carlift kaya sumakay siya pero itinigil sa isang lugar saka siya pinagbububugbog. Naisip ko nga eh hindi kaya siya na-rape? Sana hindi naman. Tapos ngayong umaga lang, naawa ako sa office boy naming Indiano. Nadukutan naman siya ng wallet sa bus, andun pa naman ang cheke na sinuweldo niya nung katapusan na kailangan niya pang i-encash. Mabuti nga at hindi niya pa nai-encash may time pa para ipa-hold niya iyon. Kung pera na iyon sayang ang isang buwang sweldo niya. Sabi ng ka-opisina ko ayon sa kwento ni office boy, kalahi daw namin… ibig sabihin Pinoy ang nandukot, siguro Pinoy ang nasa likuran niya.

Hindi na talaga safe sa Dubai kahit mandurukot meron na rin. Kaya dapat ko na ulit paganahin ang matalas na pakikiramdam at pagiging alerto kagaya nung nasa Pinas pa ako. Pero in fairness ha, kung minsan may mga nagsasauli pa rin ng celfone kapag naiwan mo sa taxi, kung minsan nga lang, kapag natyempuhang mabait ang driver o yung nakakita ng celfone mo. Sana lahat ng tao mababait na lang.

11 thoughts on “Dubai – no longer a ‘near-zero’ crime rate country

  1. hi, hindi mo ba nabasa itong post ko about dubai?
    http://kengkay.wordpress.com/2007/11/02/mga-manyak-sa-dubai/

    sa totoo lang, kahit na gano kaganda ang dubai, mukhang hindi na ako tatapak dyan. i boycott ko na sya – kaya ingat kayong mga andyan. at sana wag naman kapwa kalahi na nga e sinasalbahe pa, kakalungkot.

    actually, kahit naman yata sa US hindi ako tatapak kasi hindi type ni kengkoy, hehehe.

    Rhapsody: ok naman po sa Dubai kaya lang pag minalas malas ka at nakasalamuha ng masamang tao ayun nakakainis dibah.

  2. hay nako sis, ang hirap na talaga… wala ng safe na lugar sa mundo ngayon. ako, di bale ng masabihang praning pero lahat ng safety measures at basta ma-feel ko na may di kanais nais sa paligid ko, di ko binabalewala. naging victim kasi ako nun ng bus high jacking dito sa pinas. papasok ako nun sa work, around 4 am (sa call center kasi kaya alanganing oras) tapos ung bus sa baclaran na nsakyan ko eh puro magnanakaw. nanakaw ung celphone ko, na 2 weeks palang since i bought it, at yun ang kauna-unahang bagay na binili ko sa sarili ko, sa unang sweldo ko from my first job. huhuhu

    Rhapsody: naku sayang naman ang bagong biling celfone mo… pero ok lang un at kesa buhay mo ang malasin.

  3. bsta always take sissy! kahit nmn san lugar talaga, mahirap ng maging safe.. btsa yngatz ( sabi din ni john lloyd d2😉 )

    Rhapsody: uy talaga sinabi ni johnlloyd un? ang sweet tlga nun. pakisabi nag-iingat naman ako hihihi…

  4. naku sister neybor wag na wag na wag ka ng maglakad ng mag-isa ulit ha!?! kahit araw pa yan, kung di gaanong matao ang lalakaran mo wag ka ng maglakad, tumigil ka na lang sa bahay at mag blog. seriously! ako kahit nasa city proper ako, very seldom akong naglalakad mag-isa. i’ll leave the house kung kasama ko mga bro ko, si mr.b, o flat mates ko.

    katakot pala ang na experience mo sa ehiptong ogag na yun! ingat lang sis, todo ingat. ako rin.😦

    anyway, sana kung nagcocommute ka araw-araw, make sure na wag kang umuwi ng late, mahirap na. tandaan mo laging everyone here is a stranger.

    Rhapsody: oo nga sis un na rin ang nilagay ko sa isip ko everyone here is a stranger. lintek na ehipto tlga un pasalamat siya di ko na sya mamumukhaan khit pa magkasalubong kami kasi parang pare-pareho din mukha ng mga ehipto eh.

  5. …hay naku lola, korak ka jan..kala ko din safe dito kaso sa sa balitang middle east pa lang parang walang magandang naibalita tungkol dito sa dubai. kapopost ko nga lang na me napabalita pa na magasawang pinoy na nirape tas yung lalaki daw pinutulan ng ari,taga satwa!brrr!! kaya nga bibili na kame ni jmj ng pepper spray o taser (di ko lam kung saan) para protection man lang.
    basta ingat ka lagi, ang hirap ultimo kapwa pinoy, yung iba di na din mapagkakatiwalaan.grrr!!!

    Rhapsody: kung yang balitang yan ay yung namatay ang isa sa mag-asawa, malamang yan ung palaging bali-balita noon pa nung bagong dating palang ako sa Dubai.

  6. naku sis, ingat ka dyan. kahit saan atang lugar hindi na safe at nagkalat na talaga ang masasamang damo este tao. lalo na nasa ibang lugar ka pa at isang dyosa kaya kailangan doble ingat.🙂

    Rhapsody: dyosa man o hindi, babae man o lalaki walang pakialam ang mga manyakis… kaya dapat talagang ingat lang at huwag papahalatang natatakot dibah.

  7. naku sis, ingat kayo sa pag galagala jan. pasaway ang ehiptong yun ah, nu kala nya naglalaro sya ng ‘tug-of-war’? yung din tatay ng opismeyt ko, ni-rape daw ng amo nyang ehipto din. saklap nun.😦 dami daw cases na ganun eh, kaso yung ibang pinoy daw, di nalang daw nag ffile ng case kasi wala din daw mangyayari, mas kinakampihan daw yung panig ng mga tsalbaheng ehipto eh.
    sabagay, kapwa kamo pinoy eh nagpapasaway na rin eh.

    ahaayy.. kung pede lang sanang wag nalang tayo makipagsapalaran pa sa ibang bansa anu?

    Rhapsody: huh?!? tatay ng opismeyt mo ni-rape ng ehipto? kawawa naman. pwede naman ireklamo basta kaya mong idefend ng mahusay ang sarili mo. Yung ibang Pinay nababasa ko sa news, nananalo sila sa kaso. Ang masakit lang dun nagawan ka na ng di maganda😦

  8. sis…madaming ingat ha!!!

    grabe natakot ako don ahhh…mahina at duwag kasi ako,… kaya naisiP ko pano kong mangibang bansa ako kayanin kaya ng powers ko😦

    kay siguro di ako kuhanin ni mudra ko sa riyadh kasi mahirap nga daw at dilikado🙂

    Rhapsody: sa saudi tlgang mahirap para sa mga babae pero sa Dubai ok naman, un nga lang kailangan lang tlga maging maingat.

  9. tama lahat ang sinabi nila, wag masyadong magtiwala lalo na sa ibang lahi…daan ka sa blog ka … naku! nawalan ako ng wallet at sigurado ako may nag interes don dahil alam nilang may laman… usually naman kase di ako nagdadala ng pera sa office… kaya ayun natunugan ang petty cash na kabibigay lang sa akin.

    Rhapsody: naku dapat na talagang mag-ingat.. tuwing nagba-bus pa naman ako ang fone ko ay hinahayaan ko lang sa paper bag na litaw na litaw na parang mahuhulog na kung minsan, gusto ko kasi madali kong makukuha kapag may tumawag.

  10. ” Sabi ng ka-opisina ko ayon sa kwento ni office boy, kalahi daw namin…”

    mdaming beses ko nang narinig na kapwa pinoy din natin ang gumagawa ng nakawan / dukutan d2 s dubai (uso n kc ngaun)

    pero kung mppansin po natin kapwa natin pinoy ang nag-aakusa ng ganun…

    ilang beses nko nk-witness ng ganyang dukutan s loob ng bus n tlgang stuck kami s loob ng bus – nd pede bumaba hangga’t nd lumalabas ung nawawalang wallet.

    2weeks ago, sabi ng accountant namin ung frend nya from karama pinasok ng 2 Pana ung flat nila…nkuha ang 2 laptop at ilang cash

    at nakupo sa tingin pa lng ng mga ibang lahi na yan mp-Ehipto o ano man cya, kala mo hinuhubaran k n, mhirap basahin anu ang mga nasa isip nila..mhirap tlga mgtiwala tsk tsk

    npdaan lng po wink*

    as in na-experience mo yang dukutan sa bus? grabeh. eh di lalong male-late nyan sa pagpasok kasi iche-check pa sa inyo lahat pero at least hindi ikaw ang nadukutan o nandukot hehe… hays! nakakatakot na kung minsan sa dubai tlga noh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s