Posted in Funny & Witty

5 Blogs Na Nakakatawa


Nagulantang ako sa bagong dashboard ng wordpress akala ko ibang site ang pinuntahan ko. In fairness maganda ha. Kaya lang bakit ganun hindi na ma-edit ang comments ng mga nagko-comment? Hindi ko na tuloy maisingit ang sagot ko sa comment nila, kailangan pang magcomment din ako sa sarili ko. Paturo naman po.

I feel honored and confused at the same time. Honored kasi napasama pala ako sa nominado sa Philippine’s 10 Best Humor Blogs sa blog ni Mr. Badoodles sa Kwentong Barbero [dot] com. Confused din kasi akalain mo may natawa din pala kahit paano sa bahay ko? Naguguluhan talaga ako. Kadalasan kasi kung di seryosong bagay, rants at mga walang kabagay-bagay ang pinagsusulat ko dito… lam mo na, just to pass the time. Kaya nagpapasalamat ako kahit papa’no dun sa bumoto sa akin kahit pa nga kulelat ako ahahah kasi for sure yung entry nyang un lang ang pinaghirapang bilangin. At dahil jan bibigyan kita ng isang malutong lutong at mainit init na kiss. I-send mo lang ang lips mo sa email ko ha. Hihintayin ko yan.

Nainggit tuloy ako dun sa mga sumali kaya gusto ko ding magnominate ng mga kaaliw-aliw at nakakatuwang blogs. Actually mababaw lang talaga kaligayahan ko kaya kahit na mejo corny ang patawa eh natatawa na ako. Kaya ang dami ko sanang gustong iboto kaso may limit pala na hanggang lima lang, paano na yung iba? Sana po sa susunod gawin nyo na kahit sampu para madami akong mai-boto.πŸ™‚

1. Pondahan ni KiwiPinay. The best! Isa ito sa mga nakagiliwan kong blog kaya napaisip akong gumawa ng sarili kong blog. Kapag nagkukuwento siya feeling mo nasa harap mo lang siya at kinukwento ang daily adventures niya sa bansa ng mga Kiwi.

2. Spontaneity. Nakakaaliw super! Magmumukha kang timang kapag nakita ka ng ibang tao dahil sa kakatawa sa mga banat ni Jojitah.

3. Gago-Polis. Bihira na lang magpost pero iba pa rin ang hatak. Kakabagan ka din sa kakabasa ng blog niya. Lurker lang ako sa blog niya pero talaga namang binabalik-balikan ko.

4. Maldito. Kapag binabasa ko ang mga entries ni Maldito ang nasa isip ko ay si Vhong Navarro. I’m sure tatawa ka rin ng tatawa sa kanya.

5. Reyna Elena. Isa sa mga hinahangaan ng karamihang blogger. Bukod sa maganda na at sosyalera eh matulungin pa sa paggawa ng resume ng mga fafables. Nakakaaliw tumambay sa bahay niya. Kaya ano pang hinihintay! Go! Go! Go!

Alam mo bang kapag pala nagnominate ka at nanalo ang ibinoto mo, may chance ka ring manalo. Kaya ikaw kung may mga kinaaaliwan ka ring mga Pinoy Blogs eh sumali ka na rin! Basahin mo dito ang paraan ng pagsali.

9 thoughts on “5 Blogs Na Nakakatawa

  1. ahahha…..salamat sa boto!malapit ko nang ma itaub si inday..ahaha..joke..oist..vhing navarro?hala mo….ano ba itech!!!isa kang matamisang dila…dami na nagsabi saken kamukha ko si vhong..ahaha..bleh!!pano ko ba masusuklian kayu?huhuhu…….alam ko pano mag edit ng comments…PM mo ako sa gavin_luna@yahoo.com..tuturuan kita.

  2. @maldito – kahit di ko pa nakita fiktyurs mo si vhong tlga naiisip ko kapag binabsasa ko mga entries mo i swear. tuturuan mo ako mag-edit ng comment kamo, kaso offline ka naman pare! di bale bukas ulitπŸ˜€

    @salve – maraming salamat sister salve!πŸ˜‰

    @kiwipinay – kiss ang premyo mo sa akin ateng may kasama pang picture na may autograph ehehehe… pero kapag napasama ka sa mananalo sa humor blog na iyan especially kapag nag-top ka may premyo ka tlga! Kaya hakot na ulit ng flying voters hahahah! happy na ako makita kita sa top.

  3. ay naku sister noh? sa totoo lang, di naman naman ako nagpapatawa sa blog ko kaya ano? kaya taka nga ako kung bakit ka naaaliw sa pagbabasa. nyahahahhaa!! talo na ko dyan, sister! di ko na kakareririn pa ang manalo. mas maraming magagandang blog gaya ng blog mo. naks! sepsep!

    Rhapsody: nakakaaliw naman tlga ang blog mo ah.. hehehe

  4. mylene!!!!! anukaba.. di mo man sinabi na iboboto moko para naman nakapagpaparlor ako. lol!

    thanks dear.πŸ˜‰

    Rhapsody: ay sori di bale kahit di ka magpaparlor, byuti ka pa rin naman.πŸ˜‰

  5. ~!*kablag*!~ (nadapa! naka-heels pa naman ang maton!)

    pucha! kala ko kung anong kaguluhan! si mona lisa in curlers na naman pala sa taas ko hehehehe

    salamat sa papuri! babaunin ko yan bukas! inaway ako ni doreen eh! bibigyan kita nang lobo

    Rhapsody: hahaha next time bitbitin mo na lang ang stiletto moπŸ˜€

  6. nais ko lang kumpirmahin na nabilang ko na ang iyong boto. ur votes are officially tallied. salamat sa pagsali. gudlak sa parapol.πŸ™‚

    Rhapsody: wow salamat po sa pagpansin sa aking botoπŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s