Posted in Life, Music & Lyrics, Rants, SoundTrip, Work & Work Hard

Kamusta naman ang buhay?


Isang linggo din pala akong natigil sa pagba-blog. Wala ng mai-blog o parang ayaw lang i-blog. Siguro dahil pakiramdam ko isa na namang teleserye ang buhay. Madaming problema. Madaming iniisip. Madaming bagay na parang ang hirap bigyan ng solusyon. Minsan sa tingin natin ang problema ay nabibigyan ng solusyon kung hindi ka na mag-iisip at gagawin mo na lang ang gusto mong gawin. Pero dapat din naman nating isipin kung ano ang kahihinatnan ng ating gagawin. Pwedeng may maapektuhan sa magiging desisyon. Pwedeng sa huli magsisi ka na lang. Pwedeng idaan sa inuman pero pwede din naman iiyak mo na lang hanggang sa makaipon ka ng isang baldeng luha at wala ka ng iiyak. Pero ang sabi nga ng karamihan dapat maging matatag sa lahat ng problema. Maaring sobrang komplikado kung palaging iisipin. Mas maganda sigurong huwag na lang masyadong isipin at magpakasaya na lang hanggang sa makawala ka na sa masamang panaginip.

Haysss. Tama ng drama! Emo sucks pero emote ng emote. Bakit ang mga babae konting problema lang iniiyakan na? Maliit na problema para sa iba pero parang napakalaki na. Mahina ba talaga ang babae? Hindi noh! Nasa personality lang talaga ng mga babae (pero hindi naman lahat ng babae) ang maging sensitive. At sa kasamaang palad, isa ako sa mga babaeng maramdamin. Kung galit ako sa isang tao at kinompronta ko siya, hindi ibig sabihin na natatakot o natalo ako kaya ako umiyak. Kung pwede lang ipahigop ko muna ang luha ko bago ako makipagkomprontahan gagawin ko. Kung below 20 pa lang ako baka ginawa ko ng negosyo at nag-apply bilang Crying Lady o nag-drama princess kapalit ni Juday. Dyowk! Masarap iiyak ang problema kung minsan habang sinasabi sa pinakamalapit sa puso ang lahat ng detalye dahil pakiramdam ko naihinga ko na lahat ng sama ng loob ko. Kaya lang, mas masarap din na maging kalmante lang sa lahat ng bagay at harapin ng maayos ang problema kesa iyakan. Kapag umiyak ka masakit sa ulo di bah. Masarap din sa pakiramdam na natapos ang lahat ng hindi mo iniyakan ang isang bagay dahil maayos mong hinarap ang lahat.

handsome liamHold up… hold on…
Don’t be scared you’ll never change what’s been and gone
May your smile shine on
Don’t be scared your destiny may keep you warm…

‘Cause all of the stars are fading away
Just try not to worry you’ll see them some day
Take what you need and be on your way
And stop crying your heart out…

Get up come on, why you scared?
You’ll never change what’s been and gone…

Ang theme song ko sa ngayon ay ang kantang iyan. HahaH. May theme song pang nalalaman. Ganyan talaga para positive ang tingin sa bawat bukas. Paulit ulit lang ang mga linya sa kanta pero hindi din nakakasawa siguro dahil minsan naging crush ko ng sobra si Liam Gallagher.

6 thoughts on “Kamusta naman ang buhay?

  1. ayos lang yan.. minsan kailngn umiyak para ilabas ang nara2mdaman mo.. hope maging okay kana.. kung ano man yan.. kaya mo yan! *hug*

    Rhapsody: salamat sis! ok naman ako. thanks for the *hug*😉

  2. Isa ako sa babaeng iyakin, maramdamin din. Hirap baguhin pero habang tumatagal, sa mga pinagdadaanang pagsubok nagiging matatag at palaban na din.

    Alam ko ganun ka din at yakang-yaka mo kung ano man yung dumaan na problema. Smile sis!🙂

    Rhapsody: heto na🙂 masyado lang maliit labi ko para ngumiti ng malaking malaki hehehe…

  3. Sis I tagged you!🙂

    Rhapsody: missymissymissy!!!! waaahhh pareho tayong M at ako yata di nakasunod sa rules… empre ni-tag mo ko kasi di mo pa nakita na meron akong nakahanda sa draft na lalabas any time… anyways,. wla naman cgurong parusa anoh?😀

  4. hehe, ako super iyakin. pero oks lang yun. ‘healthy’ daw sa mata yun eh (naks, palusot)

    kaya tahan na ha. baka magka eye bags ka nyan. sayang ang byuti natin. hope ur feelin’ okay now😉 ingats

    Rhapsody: haluuuuuuu! tenkyutenkyu sa pagpapatahan sa akin…😉 ay kung healthy sa mata un eh di ayos pala ahahaha

  5. sino nagpapaiyak sa iyo ha? sabihin mo! tagal mong nawala. sa susunod na may magpaiyak sa iyo, sabihin mo agad ha? loko yun ah… aaway ka?

    Rhapsody: ahhahaha niagawan po kasi ako ng lolipop mami😦

  6. Ganyan talaga ang buhay. Minsan kailangn din ang mga drama-drama at emote-emote. Para kahit pano balance pa rin ang pagkatao natin. Mahirap kung lagi ka lang masaya. Nasaan ang thrill dun? Saka, dapat may challenge lagi.🙂

    Rhapsody: oo nga pero kung sobrang hirap naman parang ayoko na heheheeh… gusto ko lagi happy😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s