Posted in dubai adventures, Places

Burj Dubai


Umaga’t hapon natatanaw ko ang Burj Dubai. Excited din akong mabuo na ang sinasabi nilang world’s tallest tower na iyan. Although may ilan na ding bansa ang bumubuo ng mas mataas pa sa Burj Dubai. Tuwing papasok ako at uuwi yang tower na ‘yan ang nakikita ko. Kaya ang naging trip ko sundan ang development nito sa abot ng aking matatanaw.

Dahil nalalapit na din ang pamamaalam ko (sana) sa kumpanyang ito mukhang hindi ko na siya masusubaybayan araw-araw. At hindi ko na mapi-picture-an anytime of the day. Bago ko pa burahin lahat ng files ko sa pc ko dito sa opisina mas maganda sigurong i-upload ko na ang mga pictures ng Burj Dubai. Wish ko lang na sana andito pa rin ako kapag nakabitan na ng salamin pati pinakatuktok ng tower.

jan30 feb 7 feb 17feb 26

feb 18 Nung isang araw bigla na lang naglaho sa paningin ko ang Burj Dubai. Sobra palang foggy. Ilang araw din siyang parang kabute na bigla na lang nawawala at lumilitaw. Sayang ngayong march na-delete ko pala ang mga kuha ko sa Burj Dubai. Di bale next time dadagdagan ko na lang ang pictures dito hanggang sa maging ganito na siya….

Burj Dubai

may UPDATE agad:

mar16


Di ko kasi ma-take na walang picture ng Burj Dubai for March. Kaya after kong mag-lunch bumaba ako at kinuhanan ng picture ang tower. Mejo maalikabok nga lang ang paligid kaya hindi rin masyadong clear. Pagkatapos bumili na lang ako ng chocolate sa Spinneys-Mazaya para naman di boring ang paglabas ko ng office. Maganda ring maglakad lakad after maglunch para naman mabilis akong matunawan.πŸ˜€

13 thoughts on “Burj Dubai

  1. …kelan ka lilipat ng work? s jmj nga, naglocal leave ng 1 month para magwalk in sa mga freezone. good luck sa inyo!heheh!
    grabe nga, di pa man tapos burj dubai, dami na kliyente nagpapareserve jan.

    Rhapsody: di ko pa alam pero feeling ko malapit na… oo nama kahit gaano kamahal yan kayang kaya nilang magrent jan…πŸ˜€

  2. Maganda nga yung tower, kailan ko kaya mabibisita ang Dubai? Marami dyang magagandang tourist spot dba?

    Thanks for sharing sis!πŸ˜‰

    Rhapsody: kung gusto mong ma-feel ang summer, punta ka dito this May heheheh…

  3. ganda nmn.. buti ka p patanaw tanaw ka lang janπŸ˜€

    Rhapsody: oo sakit na nga ng mata kakatanaw minsan kasi mainit at nasisikatan pala ng arawπŸ˜€

  4. waW! sana ay makalipad ang mga pakpak ko sa toreng iyan! at maakay ko ang aking katipan upang aming magisnan ang ibabaw ng daigdig! hehehe mwuah!

    Rhapsody: naks ang swit nyo naman… sarap nga cguro sa taas ng tore noh.

  5. kakaingit ka naman ate my.. yan na twag ko sayo ha.. ako ang nkikita ko pag gising ko yung puno ng santol naming patay na.. hayyy”’sss ang sarap gumising pag ganyan ang nkikita mo..

    Rhapsody: at least may nakikita kapag nagigising ka dibah… heheheh… pahingi nga ng santol…

  6. out off topic sis!

    ….musta kna? its been a while di ako nakakadalaw…na busy ang pc e, tta ko ang gumamthsi past few days.
    …how are u? miss yah here!
    happy easter!

    labsyu..

    Rhapsody: oks lang happy easter din. mejo di na din ako nakakapagbloghop at blog.. kung napapansin mo, pacheck check lang din ako planning to blog but still I don’t post anything…. oks lang naman din. pero dadalaw-dalawin kita sa bahay mo ha…. okiess… labsyu!

  7. hi! Burj Dubai is one of the world class infrasctructure in the world, Dito rin kase ako work Jebel Ali, i’m part of dubai waterfront (nakheel) if you’re familiar..

    link po tayo ha… kung ok lang! tnx

    Rhapsody: huh?! madadagdagan ang ka-blogkada ko sa UAE! katuwa naman! Yup nakita ko nga sa website ng nakheel ang dubai waterfront…. ganda!

    sure link ng link kapatid! link din kita!πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s