Posted in Boredom, Foods, Health & Beauty

masubukan kaya


Nakakainip talaga ngayong araw kaya nga heto na naman po at magbablog na naman. Tinatamad naman akong mag-call-a-friend, tamad ding magchat ngayon. Dami kong naiisip wala naman akong mai-blog na makabuluhan. Ganun talaga ako sa sobrang daming pumapasok sa isip, kapag maguumpisang magtype, kamote na.

Isa lang ang masasabi ko ngayong oras na nagta-type ako nitong mga letrang ito. Ang sakit ng tyan ko. Hindi ko alam kung najejebs ba ako o dahil punung-puno na ng tubig yung tyan ko. Tama nga si Azrael, castor oil nga daw ang maigi. Yun din kasi ang sinabi ni MJ, ung finance manager namin. Kinumusta niya kasi ako sa pantry kanina, binibigyan pa nga ako ng parang arabic bread na kulay brown. Pero syempre iniwan ko lang dun sa pantry at kinain ko ang lunch kong croissant smoked turkey with emmental cheese. YuM!

Pero nung nakita niya, pinagpayuhan ako na tigil-tigilan ko na daw ang pagkain ng mga ganung pagkain. Mas makakabuti daw kung kakain ako ng mga veggies and brown bread. At sa huwebes uminom ng konting castor oil para daw mailabas lahat lahat. Hmmmn, parang gusto ko tuloy subukan kasi pinapahirapan pa rin ako ng sakit eh. As in ouch talaga! Kaya nga konti lang ang kinakain ko for 3-days at di ako nagra-rice ay para hindi din ako makaramdam ng pagdumi (pasintabi lang sa mga kumakain) pero habang ayaw mong dumumi dun naman parang tukso na madalas maramdaman ang tawag ng kubetsy. Pahirap, nasusuka na ako sa itsura ng cr!

eat good food?!

Kailangan ko na ba talagang iwasan ang pagkain ng masasarap at magtyaga sa mga gulay at prutas. Naku paano na yan kawawa naman ako. Kailangan din ang exercise pero wala talaga akong oras sa ganyan. Susubukan ko na lang.

2 thoughts on “masubukan kaya

  1. “Kailangan ko na ba talagang iwasan ang pagkain ng masasarap at magtyaga sa mga gulay at prutas.”- anu yun parang South Beach diet?…ang hirap nun..pero sabi nila epektib daw yun …at healthy tlaga…

    Konsensya:Bakit na-try mo na ba?
    random: hindi
    Konsensya: eh bakit mo nasabing epektib?
    random: kasi …eh….i-tatry ko lng din yun…

    aheheh, sabay tayo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s