Posted in Health & Beauty

tea eat ate eta tae


Kanina pa ako nagre-research kung papa’no ko maso-solve ang problema ko. Ilang araw ko na ring tinitiis ito. Ang masakit dun hindi lang iisang beses itong nangyari sa akin. At sa tuwing mangyayari, sobrang pahirap at pasakit talaga ang binibigay sa akin.  Dinadaan ko lang noon sa regular na pag-inom ng tsaa. Pero nung naubusan ako at uminom ng ibang tsaa (yung Twinings o kaya Lipton Green Tea, minsan mint minsan naman with lemon) parang hindi nakatulong at lalong bumigat ang problema ko.

himalaya

Nakatulong ito nung una. Hanggat maaari ayokong umasa sa mga ganyang gamot gusto ko ng natural healing. Pero wala akong magagawa kaya kagabi inumpisahan ko na namang hingin ang tulong ng dalawang iyan. Pero masakit pa rin. Hay! Malamang kulang daw ako sa fiber, kaya kailangan ko sigurong mag-imbak ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Bukod sa pagkain ng mga high-fiber foods, super helpful din ang pag-inom ng tangke-tangkeng fluids lalung-lalo na ng tubig. Huwag na huwag lang daw ang mga inuming may alcohol at caffeine kasi nakaka-dehydrate pala iyon. Bihira pa naman ako uminom ng tubig, paunti-unti lang ang inom ko kasi naman lagi akong nawi-weewee kapag laging umiinom ng tubig. Pwede rin daw na maupo ka ng 15minutes sa maligamgam na tubig dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw – parang abala pa yata yan at istorbo sa oras ko. At san naman ako uupo, sa timba? Wala kasi kaming batya eh. Pwede rin naman daw uminom ng mga stool softeners o laxatives basta ‘wag lang masobrahan at baka naman diarrhea naman ang sumunod.

Sana maging normal na ulit sobrang pahirap talaga. Iba ang epekto sa akin ng mga normal na chaa. Imbes na makatulong sa digestion parang napalala pa. Anyways, mas maganda siguro kung ititigil ko na ang pag-inom ng Lipton Tea or Twinings.

13 thoughts on “tea eat ate eta tae

  1. alam mo sakin magandang remedy ang green tea.. tska yung may mint.. naku, mahirap nga yang ganyan.. hope u’ll be fine narin

    Rhapsody: napaka-unfair naman talaga… bakit sayo okei sa akin hindi, pareho lang naman tayo ng iniinom… actually uminom nga ulit ako ng green tea with mint and honey… feeling ko kasi bola na ung tyan ko, ayun humupa hehehe,,, pero ang problema ko pa rin eh un ngang consti.😀

  2. hmmm.. consti…

    eto ang dalawa pang alernatives. kasi sa totoo lang di ako naniniwala sa tea.. walang dinudulot yan sa katawan kundi pagnipis ng stomach (or intestine ata) lining.

    1. drink prune juice regularly
    2. take 1 spoonful of castor oil, at pakiramdaman kung swabe na ba or hinde pa. pag hindi pa, isang kutsara ulit pero kinabukasan na.

    yan ang ginagawa ng tatay ko, epektib sa kanya hehe

    yan eh kung constipation lang ang problema. kung meron pang iba, consult ur doctor. im sure meron silang magandang maibibigay na medication sayo. at sisiguraduhin kong hindi nila sasabihin na tsaa ang gamot sa problema mo lol

    Rhapsody: salamat sa mga iyan, cguro gusto ko ung prune juice parang iba ang naiisip ko sa castor oil eh. parang di masarap. pero sabi nga sa nabasa ko aside from liquid dapat din i-lubricate. hmmm…. consti lang toh wala ng iba. at oo ayoko na ng tsaa pero iba ung mabisa eh, ung may senna leaves un epektib kaso naubusan na ako.

  3. parehas kayo ng bunso ko, pero sa kanya effective ang pag inom ng fresh orange juice araw araw at pagkain ng prutas except saging dahil lalong lalala yon. papaya mabisa wag lang sosobrahan…pagmahilig sa chocolates bawasan din..

    at saka ang sobrang pag iisip ng mga problema nakakadagdag din…kasi ganon ako…(hindi ka nag iisa)…

    Rhapsody: hayun na nga po, nagpuprutas na ulit ako.. ilang araw lang akong nag-tsaa at di nagprutas nagkaganito na ako… ung papaya sinubukan ko rin kahit papano nakatulong din naman… naku pahirap yata peyborit ko ang chocolates eh… dami pala nating ganito hahahah.. pero ang hirap tlga!

  4. naku sana nasa pinas ka.. maraming kamote dito at saging at papaya.. may ganyan rin akong problema dti pero ngayun ayos na.. pero uminom k ng mraming tubig.. mkakatulong rin yan..

    Rhapsody: ‘wag naman saging pareng joy! lalong titigas un eh hehehe… lam mo bondats na ko sa kakainom ng tubig heheheh

  5. ok din sakin sister ang green tea. pero sabi “daw” na ang isang cause daw ng constipation ay stress. For once, may sinabi yata akong informative. LOL!

    Rhapsody: yeeeey! congrats! ako hindi ko alam na stress pala ay dahilan din ng consti… salamat sa pagshare ng info na yan… dapat maging stress-free na ang utak ko heheh.

  6. …hala, parusa naman yan!! buti na lang ako isang yosi lang ang katapat.
    magsuppository ka kaya?;)

    Rhapsody: waaaaaaah ayoko ayoko ayoko! heheh… di pa pinapasok un?

  7. Good luck, kapatid. wag nang magkakape. Kaya tinigilan ko na yang pagkakape, e. Hindi maganda sa pakiramdam.

    Rhapsody: naku di rin maganda epekto ng kape sa akin.. parang mabigat ang feeling ko pag uminom ako ng coffee…

  8. hala..ito yung sakit ko nung bata pa ako (hanggang ngayon bata pa rin naman ako eh)…

    dulcolax suppository (tama ba spelling?) ang sinasaksak sa fwet ko ..masakit yun pero epektib…

    pero ngayong malaki nako…wla na yun…kelangan kumain ka ng fiber everyday…

  9. kung mahilig u sa fruits, ok ang papaya, taz kung kakain ka ng oranges wag mo na aalisin mga himulmol, da best daaw yung fiber nun, ska yung gulay na patola, oks na oks sa fiber pati na din okra

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s