Posted in dubai adventures, Life, Rants, Work & Work Hard

I’m so alone


Nakakalungkot naman ako lang mag-isa sa office. Ang daya nung dalawang kasama ko sa office absent sila. Yung isa may sakit daw at yung isa naman ewan ko. Di siya sumasagot ng tawag from office maya-maya naman naka-off na yung mobile. Kaya ngayon nag-iisa lang ako ditong sumasagot ng fone at nagtatawag paminsan-minsan ng kliyente. Although may mga kasama pa rin naman ako pero dito sa department namin ako lang mag-isa. Kakalungkot naman.

Kahapon nag-half day lang ako kasi feeling ko lumulutang ako sa sobrang antok. Di kasi ako nakatulog masyado ng dalawang gabi. Nakatulog naman pero paminsan-minsan nagigising. Mukhang may dyurot doon sa nalipatan namin. Di ko alam kung maliit na ipis parang nalimutan ko na yung difference nila eh. At nakakita ako ng malaking ipis sa cr. Di naman kalakihan, yung normal size lang, for 2 years masaya ako kasi wala akong nakikitang ganyang ipis puro super liit lang pero nung isang gabi nga nakakita ako. Nakakatakot kaya sinabihan ko silang huwag na huwag ng papatayin ang ilaw sa cr para hindi magkaroon ng ipis. Mukhang kailangan ko na namang maghanap ng ibang bahay. Nakakapagod na maglipat pero no choice naman kesa naman hayaan kong ubusin nila ang dugo ko. I hate Dubai ngayon dahil pinapahirapan niya kami sa bahay. Tapos ang daming expenses pa sa ngayon. Pero ang saya din kasi nung naglipat kami sobrang gulo ng mga gamit namin. Natutulala ako kasi hindi ko alam kung saan at papaano ko uumpisahang ayusin ang mga gamit ko. Pero nung ikatlong araw ang ayos na ng gamit ko heheh. At napagkasya ko sa single cupboard ang mga damit ko. Actually nilagay ko na sa isang bag ang mga hindi na magkasyang damit kaya ngayon kahit papano hindi na siksikan yung mga damit ko.

6 thoughts on “I’m so alone

  1. ay i feel for you my…kmusta kna? mahirap tlga ang mag lipat.. at ang gastos din db? ako nga kakalipat din.. pero so far so good nmn.. nga pla, link mo nmn ako sa isa mo png blog.. tsalamat… *hug*

    Rhapsody: huh nakita mo un? heheh. ok li-link kita dun… sa dubai ka na ba lumipat sis?

  2. …hala, kame naman naghahanap na din ng malilipatang bahay. idedemolish na daw kas ang buong satwa. hmp, mahal naman kasi sa ibang lugar, at malapit lang villa nmin sa ofis ko. pag nagkataon, balik commute na ulit ako.=)
    hala, nagyon pa lang ipagpag mo na ulit mga kama nyo, baka mamaya surot nga yun.

    Rhapsody: waaaah ayoko na ng surot. in fairness 2nights na ako nakakatulog na maayos at walang kagat… sana tuloy tuloy na toh! gudlak sa akin! oo nga magdedemolish nga daw sa satwa, magpractice ka ng magbus kahit malapit lang opis mo heheh.

  3. Maswerte pala ako noong panahon ko diyan sa Dubai. Naka 5 years din ako diyan at hindi pa masyado kahirapan ang paghahanap ng tirahan. Accomodation namin noong una ay sa Sharjah pero ok lang kasi solo ko naman ang flat at fully-furnished din. Take note…bago lahat. Para nga akong bagong kasal noon eh. Hehehe! May kalayuan man ang accomodation ko eh libre naman ang transportation. Hanggang sa makalipat ako ng flat sa Dubai near Al Ghurair. Hindi rin kamahalan ang mga bilihin noon. Hays…i can just imagine sa laking pagbabago ng Dubai ngayon.

    Aminado ako na the best years in my life were spent in Dubai. Ibang klaseng chapter ng buhay ko yun. hehehe!

    Mylene dear, wag ka padadala sa lungkot. Dapat matuto ka rin maging masaya kahit mag isa. Hindi raw magiging miserable ang buhay ng isang tao pag marunong maging masaya kahit mag isa. Bow!

    Rhapsody: wow thanks po! kahit papano naman masaya ako kapag lang may problema ang hirap talaga. pero korek nga ikaw kasi noon daw maganda at mura lang sa Dubai. nung dumating ako dito dun na daw umpisang nagbabago unti-unti. bakit naman hindi ka na bumalik dito? pero feel ko talaga ang sarap ng buhay mo dito kasi mag-isa ka lang sa flat, sana ganun din kami heheh…

  4. naku mag spray ka na ng marami
    para mamatay sila habang di pa dumadami!

    mahirap na talaga ang buhay pagsarili mong bayad ang bahay kase napakamahal na nga ng renta dito sa UAE. dito rin naman sa abu dhabi, sobrang mahal na rin. yung office mate ko nga eh nilagnat silang magasawa sa kakahanap at paglilipat dahil sa pressure na baka di sila makahanap ng bahay bago sila palalayasin sa lumang bahay. kaya ngayon, di na ako aalis sa company accommodation. kesihodang estrikto sila sa bisita ay wala akong pakiaalam at least walang problema sa renta, tubig at kuryente. may mga gamit pa. meron naman sariling bahay si mr. b ko kaya go there paggustong magsama. hehe..

    sister, tiis lang, kelangan maadjust mo sarili mo sa pakikisama lalo na sa mga bagong housemates. pero alam ko mahirap as in, kaya tiyaga lang tayo dito.

    God bless ang ingat kayo lagi jan!

    Rhapsody: hirap tlga pag walang free accomodation hays! kasama ko naman mga dating roommates ko pero may iba din kaming makakasama kaya wish lang namin mababait din sila tulad namin.๐Ÿ˜€ buti ka pa nga walang problema, lalo na diba sa hotel ka nagtatrabaho, maganda daw ang accomodation kapag sa hotel ang work mo.

  5. Musta jan sa Dubai. may surot pala jan? Hehe. Just passin’ by your blog.

    Rhapsody: Hehe.. pinagtawanan mo pa ko… mabuti na lang nga parang nawala na eh. cguro maliliit na ipis lang un. sana nga…๐Ÿ˜€ salamat sa pagdaan!

  6. hello sis…

    naku po! wawa nman ang kapatid ko… take a rest kaya! para di ka ma high sa sobrang pagod! …bout nman jan sa ipis na yan… mawawala lng yan, i know na malinis kau pag dating sa bahay! patayin ang ipis!

    musta na? miss kita!

    muah… labsyu sis!

    Rhapsody: oo mejo nawala na nga eh hehehe… lagi naman kasi malinis ung room.๐Ÿ˜‰ miss na din kita! labsyutu!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s